Chapter 13: Let's Get Married

9.3K 234 11
                                    

***

Gusto ko sana siyang patayin kaso nangingibabaw yung awa ko sa taong to. Tsk. Bakit ba kasi ang daming pinanganak na mga sira ulo at mga tarantadong tao sa mundong to?!

"Anong sabi mo ha?" Kwinelyohan ko siya.

Loko kasi eh. Ang lakas ng loob na hawak yung leegs ko. Hindi niya kilala kung sino ang binabangga niya! Gusto kong ipakita sakanya na ang mga kagaya kong Montemayor ay hindi basta-basta binabangga at higit sa lahat hindi minamanyak!

Panigurado akong isa ito sa mga aso ni Vanessa. Siya lang naman ang nangingibabaw ang inggit sa akin eh.

"Psh. Kunwari ka pa gusto mo rin naman-

Naputol ang sasabihin niya ng suntukin ko siya ulit sa mukha niya.

Ang kapal talaga ng mukha niya! Ang lakas ng hangin na humahampas sa akin. Hindi ko naman siya bubugbugin kung gusto ko yung ginagawa niya diba? Abnormal siya!

"Alam mo aso, kapag nakita ko pa yang pagmumukha mo hindi ako magdadalawang isip na tatapusin yang buhay mo! At paki sabi rin pala sa amo niya, damihan niya yung pagpapadala ng mga tauhan niya! Kasi nabitin kasi ako sayo eh!" At tinadyakan ko muna siya bago ko siya tuluyang iwan na nakahandusay sa sahig.

Pasalamat siya, meron pa akong awa sa mga kagaya niya. Pero kapag naulit pa to, hindi na ako magdadalawang isip na hindi siya tuluyan!

"Oreta awai tsubasa
Kimi wa sukoshi
Aosugiru sora ni tsukareta dake sa
Mou dareka no tame ja nakute
Jibun no tame ni waratte ii yo♪"

Ringtone ko yun. Humugot ako sa bulsa ko at sinagot ko ito. Pinalitan nanaman ni Gemma yung ringtone ng cellphone ko. Psh, pambihira talaga yung batang yun!

"Hello ate Aze! Si lolo nasa ospital"  sa pananalita niya para siyang kinakabahan?

"Saang ospital?" Tanong ko at nagumpisa na akong tumakbo papunta sa motor ko.

"Sa WRR hospital sa may makati Ate"

"Okay copy. Papunta na ako"

***

"Kamusta na siya?" Tanong ko at hinawakan ko yung kamay ni lolo.

Merong nakalagay na oxygen mask sakanya.

Medyo naawa ako sa kalagayan ni lolo. Pakiramdam ko nga naiiyak ako sa sitwasyon niya.

"Okay na siya. Na high blood lang siya. Ang dami kasing nakain na crispy pata eh" sabi ni Gemma at napailing nalang ako.

Si lolo talaga hindi mapigilan sa mga pagkain na ganyan. Ayan tuloy at nahihigh blood siya.

"Matanda na si Lolo, pero malakas parin naman siya. Hindi nga lang natin alam kung hanggang kailan ang itatagal niya dito." Malungkot na sabi ni Ladymie sa akin.

Hindi ko alam kung anong pinopoint ni Ladymie sa sinabi niya.

Parang nag sink in sa utak ko yung sinabi ni lolo sa akin.

'Hija, hindi na ako bumabata.'

Gusto niya ng apo...

Pwede bang mag-ampon nalang ako? Wala pa kasi sa isip ko ang pag-aasawa.

"I know. Just give me a time to think. Okay?" Malumanay kong sabi at pumunta naman si Katrina sa likod ko at hinagod ang likod ko.

"Everything will be okay" -Katrina

I just give her a weak smile and I just nod.

***

"Nasan si Zander?" Kwinelyohan ko yung kaibigan ni Zander.

My Pervert Fiance [BOOK 1]Where stories live. Discover now