Chapter 23: Pictorial

8.7K 292 4
                                    

[ 2weeks After]

"Morning" bati niya at bumalikwas na ako ng higa.

Gosh! Ang sakit ng katawan ko, two weeks na akong nag ggym at medyo malimit lang akong kumain ng kanin. Actually hindi na ako kumakain ng kanin. Puro prutas, gulay, boiled egg at steamed chicken yung madalas kinakain ko. Madalas pinaghahalo halo ko sila para maging salad.

"Morning din" bati ko sakanya sabay halik sa pisngi niya.

Tinatamad talaga akong pumasok ngayon. Kelan ba ako hindi tinamad pumasok? Actually isa sa mga dahilan kaya tinatamad akong pumasok dahil ngayon yung pictorial namin eh.

Pumunta ako sa kusina at umupo na. Siya ang laging naka toka sa aming dalawa sa pagluluto ng breakfast at sa gabi ako naman ang naka toka.

"Mas sumesexy at nagiging hot ka sa paningin ko Aze. Anong sikreto mo?" Napatingin ako sakanya sabay ngiti. Ngiting-ngiti naman siya habang tinitignan ako.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Natuwa ata yung puso ko sa sinabi niya hihihi.

Naka sports bra lang akong matulog kagabi dahil tinamad na akong mag t-shirt. Bago kasi ako natulog nag sit ups muna ako at nag planking para mas magkaroon ng hulma yung tiyan ko. Pero teka bakit ako nakasuot ng maluwag na damit? Siguro sinuutan niya ako ng damit kagabi.

Tinali ko sa likod yung damit para maging fitted, ang laki naman kasi ng damit ni Zander eh.

"Psh. Parang hindi mo alam ah! Lagi mo nga akong nakikita diba?" Tinaas ko ang suot kong damit para tignan yung tiyan ko. Naghuhulma na yung apat na abs. Yes! Malapit na!

Tumabi siya sa akin at hinaplos niya ang tiyan ko. Tumingin siya sa akin at tsaka ngumisi.

Parang alam ko na yung ibig sabihin ng ngisi niya. Kaso meron kaming pictorial ngayon at bawal malate.

"Hindi pwede ngayon dahil baka mabawasan yung votes sa akin" sabi ko at sumimangot naman siya.

Ang sabi sa akin ni Cristine kapag nalate ako sa pictorial namin mababawasan ng 100 likes yung pictures ko na naka post kaya dapat hindi ako malate. Paano nalang pala kung 100 likes lang yung votes sa akin tapos na late pa ako? Paano nalang yung votes? edi naging zero na.

"Wag kana malungkot diyan, mamaya naman magagawa naman natin yun eh." Hinawakan ko ang makabilang pisngi niya.

Hindi parin siya nagsasawa sa foreplay? Kung sabagay kung siya rin naman kasi ang kasama mo, hindi ka magsasawa dahil lagi siyang may bagong pakulo!

"Ngumiti ka na please" hinalikan ko siya sa noo niya at ngumiti naman siya.

Ang bilis talaga mag iba mood nitong lalaking to. At unti-unti na akong nasasanay doon. At pakiramdam ko mas lumalalim na ang pagtingin ko sakanya.

***

Sinuot niya sa akin yung jacket niya. Masyado naman siyang conservative!

Naka dress ako na maroon at sleeveless ito, above the knee kasi ito kaya kitang kita yung legs ko.

Kita ng kaonti yung cleavage ko kaya niya pinasuot sa akin yung jacket niya. Hindi kasi ako nagpatinag sakanya. Alam kong ayaw niyang nagdredress ako pero ako parin itong mapilit. Wala rin siyang magawa dahil hindi niya ako mapasunod sa gusto niya. Pero ang sabi niya last ko na daw ito, pumayag naman ako dahil next time mag shoshort naman ako! hahaha.

"Gosh artista ba siya?" Narinig kong bulong ng babae sa kasama niya.

"Teka si Zander yan ah?!"

"Merong ibang kasama si Zander? Akala ko ba silang dalawa ni Azelea?"

"Meron siyang ibang dinadate?"

My Pervert Fiance [BOOK 1]Where stories live. Discover now