Episode 1

141 22 78
                                    

Hi bhe :) I dedicated this episode for you and thank you for your support Lovelots. Mwah!!!


Kasey's POV

It's been a year mula ng iwan at ipinagpalit ako ng ex kong si Greg Artueza. Oo siya nga. Si Greg na mayaman, gwapo at mabuting tao. He is a real gentleman that time. Tumagal nga kami ng 11 months and 28 days eh. Akalain niyo yun? 3 days nalang sana at anniversary na namin tas ginago niya pa ako. HAHAHA. Ang sakit. Kahit naman kasi matagal tagal na nung iwan niya ako pero di ko rin naman maiiwasan ang masaktan. Siguro kung irerate ko yung moving on status ko, nasa may 49% pa ako. Oh at least naka 49% kesa naman zero diba.

Anyways kanina pa ako dada ng dada eh hindi niyo pa pala ako kilala. Hays sorry po. Heartbroken eh. Okay do you want to know me ?  Okay here is my biodata.

NameKatherine Cruz
Age19
NicknameKasey (pronounce as Kc)
Likes? Foods.
Dislikes? Mga gaya ni Greg.
Status? Moving on.
Asan ako ngayonSa mall.
Anong ginagawa koNagdedate.
With whomSyempre with me myself and I.

Okay so much for that. Aayusin ko na ang utak ko. Nawiwindang na naman kasi eh.

Nandito pala ako sa mall ngayon  para mag aliwaliw. Wala si babe eh. Sundate daw nila ng boylet niya kaya ayun ako lang mag isa ulit.

Naalala ko tuloy yung bonding naming dalawa ni Greg.

Dito sa mismong mall na to, dito ko siya sinagot at dito niya rin ako iniwan.

Ang sakit no?  Kung san mo natamasa ang matagal mo ng inaasam na pagmamahal,  dun mo rin pala matatamasa ang dobleng sakit bunga ng pag iwan at paghanap niya ng iba sa harap mo pa talaga.

Hahaha. Nakakaawa ako no?  Oo sobra. Tas alam niyo ba kung anong sinabe niya sakin?

Who are you?

Nakakabwisit ano? Pero okay lang hindi na masyadong masakit eh.  Kasi nga medyo naka move on na ako diba?

Tas diba nga sabi ko mag momove on nako kaya hindi na ako magbabalik tanaw pa. Erase erase na lahat ng pasakit.

Naglibot libot lang ako sa mall hanggang sa may nadaanan akong isang boutique. Pumasok ako at tiningnan ko yung mga dress nila.

Nakuha ng atensyon ko ang isang navy blue turtle neck dress sa may kabilang side ko. Dalidali ko itong pinuntahan and into my surprise ay dalawa pala kami ang may gusto sa dress. Hinablot niya ito. So hinablot ko rin ito.

"Anu ba! Ako ang nauna nito eh!" sabi ko sabay tingin sa kaagaw ko.

Pero napabitiw ako ng malaman ko kung sino ang nasa harap ko.

That hair.

That cheeks.

That nose.

That eyebrows.

That eyes.

That lips.

That face.


Siya nga.

Si Greg nga ito.

Si Greg na iniwan at ginago ako.
Unti unti kong naramdaman ang maiinit kong luha sa pisngi ko. Unti unting bumabalik ang lahat ng sakit. Ang sakit ng puso ko. Yung 49% naging zero ulit. Fuck!  Bakit ba siya ganito. Palagi nalang niya akong pinapahina.

Getting Over You (On going)Where stories live. Discover now