Episode 2

87 19 38
                                    

I dedicate this for you kuya kasi laking pasasalamat ko sayo sa paggawa sakin ng sa isa kong story :) Love lots po Kuya Claw_Marks mwah

Kasey's POV

"Nandito na po tayo," sabi ng driver at pagkatapos ay ibinigay ko na ang bayad naming dalawa ni Mariz.



Kahit nasa labas palang kami ay rinig na namin ang tugtug sa loob.



"Let's go," sabi ko kay Mariz at pumasok na kami sa loob.



Pagkapasok palang namin sa entrance agad na kaming binungad ng isang couple na naghaharotan. How much more sa loob diba?



Hindi ko nalang inintindi iyon at nagpatuloy na kami sa paglakad hanggang sa makapasok na kami sa loob.



"Let's go over there,"turo ni Mariz sa table na hindi naman kalayoan sa amin.



Pagkadating namin doon ay winelcome kami ng boyfriend niya at ng lalaking kasama niyang naka shades pa.



Bulag siguro?



"Uhm hon this is my friend yung palagi kong kinikwento sayo si Chris Aiken, pare ito pala yung shota ko si Mariah Mariz , " turo niya kay Mariz na katabi niya at pagkatapos ay tumingin rin siya sakin. "at yung bestfriend niya, si Kasey."



"Hello po nice meeting you :),"sabi ko sabay shake hands sa kanya. Nginitian niya lang ako.



Nag order na kami ng mga inumin. Ay hindi pala. Nag order na sila ng mga inuming hindi ko kilala. Hindi naman kasi ako palainum. Bali ignorante pa ako sa mga ganitong gawain.



"Hey Kasey drink up," sabi ni Chris sa akin. Magkatabi kasi kami.



Tumingin lang ako sa hawak niyang baso na may lamang alak.


Klarong klaro sa hitsura at aroma nito na malakas talaga ang tama ng alak na hawak niya.



"Hey, " alok niya ulit sa akin.



Bumitaw ako ng isang napakama lalim na hininga bago ko kinuha ang baso.



Inamoy ko ito pero laking pagsisisi ko kasi grabe hindi ko kaya ang amoy niya.


PWAHHHHH.



Ang lakas. Sa lakas nito napasok ang tama nito sa ilong ko. Sa Amoy palang nito lutang na ako. How much more pag ininum ko na.



Medyo nag hesitate akong inumin to pero biglang pumasok sa utak ko kung bakit kaylangan kong gawin ito.



Kaylangan kong gawin to para naman kahit papano ay maibsan at malimutan ko ang masakit at mapait kong nakaraan.




Kaya walang ano ano'y inilaklak ko ang alak na bigay sakin ni Chris.




Napangiwi ako sa lasa ng alak. Man Grabe di keri ng bangs ko ang alak nato. Sobrang lakas ng tama.



Urgh.



Uminum lang kami ng uminum. Habang tumatagal kasi nasasarapan na ako sa alak na iniinum namin.



Sa sobrang dami ng nainum ko ay di nagtagal ay nanlumo na ako dahil sa sobrang lasing.



Tiningnan ko ang mga kasama ko. Si Mariz wala TKO narin gaya ko tas yung syota naman niya ay ganun na rin.



"Gusto mo pa? " tanong sakin ng katabi ko.



Tiningnan ko siya. Tiningnan ko siya ng mariinan. Mula sa well waxed niyang blonde na buhok hanggang sa malinis niyang jaw.



"Ba't hindi kha fa lashing ha. Anong ginawa mof." tanong ko sa kanya.



"Sanay na kasi ako sa mga ganto Kasey. " tugon niya naman sakin.



"Hehe talaga? Kung ga.. Kung ganown... Dapat mashanay rin ako. Para maging tu.. Tulad mo. Haha." ano na ba tong pinagsasabi ko. Maayos pa naman kukuti ko pero bakit ganito ako magsalita? Hindi ko po ito sinasadya. Sadyang may sariling utak lang siguro tong bibig ko.




Ganito ba talaga ang epekto ng alak?




Maya maya pay bigla nalang akong inantok. Kakaibang antok. Ang sakit ng ulo ko.



Siguro epekto nga ito ng alak. Kaylangan ko itong itulog.
I need to rest. Rest muna ako ah.




****

Otor's POV

Tuluyan na ngang nawalan ng alirot si Kasey at ang tangi nalang maayos sa kanilang apat ay si Chris.



Napabuntong hininga nalang siya at isinandal niya ang sarili niya sa sofang kinaruruonan nila.



Ilang saglit lang ay nagising si Mariz pero batid parin sa kilos niya ang pagkalasing at iniistorbo niya ang nobyo niya.



Habang si Chris naman ay tinawag ng kalikasan kaya nagtungo ito sa cr.



Nagising si Leo dahil sa kaingayan at sa kalikotan ni Mariz at napagpasyahan nilang umuwi na sila ng walang pasabi kay Chris.



Pagkabalik ni Chris nagulat siya ng wala na ang mga kasama niya at ang naiwan lamang ay si Kasey. Tinawagan niya si Leo pero hindi sinagot ng binata.




Napaupo nalang si Chris sa tabi ni Kasey at tiningnan ang natutulog na dalaga



"Psh. San ko nalang dadalhin tong lasinggang to? Hays! "




*****



End of Episode 2

Don't be a silent reader and tell me what you think ❤

-JesvienJohnson

Getting Over You (On going)Where stories live. Discover now