Episode 8

22 3 13
                                    

Kasey's POV



"G-Greg?"



Nagulat siya ng makita niya ako.
Maging ako man gulat na gulat ng makita ko siya. Lalo na ngayo't kasama niya pa ang fiance niya. Si Paula na kinahuhumalingan ng lahat. Walang wala ako sa kanya. Paula na diyosa versus ako na... Na wala.



"Kasey..." sabi nito habang hawak hawak niya ang kamay ni Paula.





Tsk. PDA much. Paselos much! Ang sakit nila sa mata. At higit sa lahat masakit sila sa puso.




I composed myself from breaking.



"Do you know her hon?" tanong ni Paula.



Tumingin ako sa kanya. Mula sa perpekto niyang mukha down to her big boobies at perpektong  waist.



Siya na! Kaya naman pala talaga ako ipinagpalit ni Greg eh kasi naman kitang kita, Coca cola body.



Coca cola body rin naman ako eh. In can nga lang. Yun lang.



"Y-Yes, she's my...--"


"Yes. Magkakakilala kami." Ngumiti ako ng sinabi ko iyon. Itatago ko na lang ang sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagngiti.



Pautal utal kasi si Greg nagsalita kaya pinutol ko na. Baka masabi pa niya sa fiance niya na ako ang ex na binoang niya! Eh nakakaawa ako pag ganun no! Baka mas lumaki yang ulo niya pag nalaman niya na yung ex ng fiance niya ay isang hamak na plain girl lang. Plain as in plain. Plain na katawan. Straight lang, walang kakurba kurba. So insipid right?



"She's my long lost bestfriend." pagpapatuloy ni Greg sa sinabe ko.




Okay. Sige. Ano nga ulit sabi niya? Bestfriend? Long lost bestfriend? Hanep ka talaga Greg ikaw na ikaw na.




Tumaas naman ang kilay ni Paula.



"Long lost bestfriend? You never told me about this Greg. How come?" tanong niya sa fiance niya.



Syempre. Hindi naman kasi niya ako tunay na bestfriend eh. Ex niya ako. X hindi Y. Tawa kayo please. Sige ako nalang.



HAHAHAHA.



Tumingin siya sa wrist watch niya. Magsasalita na sana si Greg ng magsalita si Paula.



"Save it. Let's talk about it later. Naghihintay na sina mama satin." pumasok na sila sa loob kasama ko.



Oo kasama ko. As in nasa iisang elevator kami. Kaming tatlo. Paula, Greg and me.



Gusto ko nga sanang lumabas at sumakay sa ibang elevator eh pero halata lang naman siguro masyado diba? Bestfriend? Tas kung maka asta parang ex na hindi naka move on. Tss.



Obvious ka Kasey pag ganun.



Hindi ko alam ang gagawin ko sa loob. Kung tutuwad ba ako? Tatalikod? Tatakilid? Hindi ko talaga alam. Hindi ko alam kung anong ikikilos ko sa loob ngayong kasama ko si Greg at ang fiance niya.




Ay! Naiinsecure ako sa kanya talaga.



"Are you okay?" tanong ni Paula sakin.



"Ha? Eh ano kasi... hmmm... malapit na kasi ako malate sa date namin ng boyfriend ko kaya hindi ako mapakali. Hehe. Oo yun nga." Seriously? Ano ba tong pinagsasabi ko.



"Ah, relax. Makakarating ka rin on time. Wag ka nang mag alala." she smiled. "Anyways, nice to meet you."



Tse! May pa nice to meet you nice to meet you ka pang nalalaman. Oh edi ikaw na masaya, ako ng hindi!




"Nice to meet you too. Anyways I heard you two were getting married?" at bakit ko naitanong yan? Eh alam ko naman na ikakasal na sila. Boang na nga siguro ako eh.



"Ah yeah were getting married soon. Punta ka ah." sabi niya habang naka ngiti.



Edi ikaw na masaya!



*Ting*




Nagmamadali akong lumabas para hindi na ako masaktan sa mga nakikita ko. Pero pinaglihi nga naman si Greg ng tipaklong at kung maka hawak sa braso ko parang babalikutsain ito. Sakit. Kasing sakit ng nararamdaman ko ngayon.



"T-Totoo bang may...may boyfriend ka na Kasey?" At bakit naman niya naitatanong?



"Hon mauna muna ako sa kotse ah." sabi ni Paula.



"Sige hon. Susunod ako pagkatapos nito."



Tumingin siya sakin. At naghihintay ng sagot ko.



"Oo meron. At ano naman sayo? Why do you care?" sagot ko sa kanya.



Yumuko ito saglit at humarap na sakin.



"Masaya ako para sayo. Masayang masaya. Sana mapatawad mo na ako."



"It's not that easy Greg. You really hurt me so bad. And your sorry cannot heal the wound. Please let me go. Malelate na ako sa date ko." hawak hawak  na niya kasi yung dalawang kamay ko.


Unti unti ay lumuwag ang pagkakahawak niya sakin.
Ganyan naman talaga siya eh. Sinusukoan niya ako lage. Binibitawan niya ako.



Tumalikod na ako at lumakad. Ngayon ko lang naramdaman na may maiinit na likido ang umaagos sa pisngi ko. Nasasaktan ako. Nasasaktan ulit ako. Pabalik balik ang sakit. Feeling ko parang sasabog na ang puso ko. I want to cry it loud pero hindi ko magawa. Wala si Mariz. Wala ang sandalan ko.



Ilang saglit lang ng maramdaman ko na may yumakap sakin mula sa likod.


"M-Mahal parin kita Kasey." sabi niya sa may bandang leegan ko.


Hindi ako nakakilos sa nararamdaman ko. Gulat na gulat ako sa ginagawa niya.


Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang totoo. Na mahal ko parin siya. Mahal na mahal. Pero may tumitigil sakin mula sa loob ko. Ayukong makasira ng relasyon. Ayukong sirain sila ni Paula kahit masakit para sakin na mawawala na nga siya sakin ng tuluyan.



"Hindi mo alam ang sinasabe mo Greg. Let go na baka makita pa tayo ni Paula." sabi ko trying to get away from him.



Kumalas na siya sa pagyakap sa akin at humarap sakin.



"Hindi ka nawala dito." tinuro niya ang puso niya. "Paalam." sabi niya at umalis na siya.


Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako na kinikilig.



Nasasaktan ako kasi alam ko na wala na kaming pag asa. At kinikilig ako sa nalaman ko. Pero, hindi dapat akong magpaboang ulit sa lalaking yun. Binoang na niya ako noon. Ayuko nang maulit pa ito ngayon. Pero sadyang masarap marinig yung mga sinabe niya. Parang gusto ko ring maniwala.



Hindi ko na talaga alam. Halo halo ang nararamdaman ko. Tumulo na naman ang mga luha ko. Ayan umiiyak na naman ako.



Tuluyan na siyang sumunod sa fiance niya. At umalis na sila.



Walang pakundangan na umaagos ang mga luha ko.



At nagulat ako ng biglang may yumakap uli sakin mula sa likod.



"Nandito lang ako Kasey. Nandito lang ako para sayo." sabi niya.




Kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinarap ko siya.



"Thank you Chris. Thank you." Niyakap ko siya.



A/N: DON' T BE A SILENT READER AND TELL ME WHAT YOU THINK. ❤

-JesvienJohnson

Getting Over You (On going)Where stories live. Discover now