Episode 9

12 1 0
                                    

Kasey's POV

Hindi ko alam pero feeling ko safe ako sa mga bisig niya. Yung feeling na parang walang mangyayari sakin na masama kasi naryan siya at binabantayan ako. Kay Greg ko lang naramdaman ito pero bakit ngayon... bakit parang nararamdaman ko na rin ito kay Chris?

Hinagod niya ang likod ko.

"Tahan na. Tahan na Kasey."


Humarap ako sa kanya. I looked at him. Right into his eyes. To his light blue eyes.

Pinahiran niya ang mga luha ko.


"Ayuko sa mga babaing maiyakin. Kaya wag ka nang umiyak okay? " sabi niya sakin while caressing my chin.

"O-Okay." I sobbed.


"Sshh. It'll be okay. Tara hatid na kita sa bestfriend mo." he hold my hands and escorted me to his car.

"Thank you." sabi ko ng makaupo na ako sa loob.


Nginitian niya lamang ako bilang tugon.



Bakit parang ang bait niya sakin ngayon? Iba siya ngayon. Kanina lang kung makasigaw at makalait siya sakin pero ngayon kung makatrato siya sakin para akong isang bagay na babasagin. Kailangang ingatan baka masira at mabasag.


I fastened my seatbelt. Then he started the engine.


Ang tahimik ng byahe namin. Di ko maatim na magsalita. Ewan ko anong nangyayari sakin parang umuurong yung dila ko.


He cleared his throat.

"Greg." sabi niya habang nakatingin lang siya sa daan.

"Huh?" tanong ko.

"Si Greg pala yung ex mo." sabi niya.

Hala. Bakit niya kilala si Greg?

"Kilala mo si Greg?" tanong ko.

"Uh huh. Silang dalawa." sagot niya.

Silang dalawa? It means pati si Paula? No wonder kasi maganda naman talaga si Paula eh tas famous pa. Sexy eh!

"Ang liit nga naman talaga ng mundo no." sabi niya ulit.

"Bakit mo naman nasabi yan?" I asked him.

"Imagine, Paula's fiance that happens to be your ex boyfriend also happens to be my ex bestfriend."

What? Ex bestfriend niya yung ex boyfriend ko?

"Panong naging ex bestfriend mo si Greg? I mean bakit anong nangyari?"

"It's a long story." sagot niya.

"Edi make it short. As easy as that." sabi ko.

Tumingin siya sakin ng masama.

"O-Okay. Hindi kita pipilitin." sabi ko at umayos na ako ng upo.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa daan. Pinagmasdan ko ang bawat establishemento at bahay na nadadaan namin.

Biglang sumikip ang dibdib ko ng maalala ko ang bonding namin ni Greg. Yung nag ro-roadtrip kami every weekend. Tss Greg na naman Kasey? Wala na bang bago? Umiling nalamang ako.

"Nandito na tayo." sabi niya.

Dalidali rin naman akong lumabas sa car niya at pumasok sa loob.

Getting Over You (On going)Where stories live. Discover now