Nagpasya sila Hannah at Emilio na umuwi na at huwag nang magpa-alam sa mga nagvi-videoke sa coffee shop. Sa bagay, parang wala naman silang napapansin. Ayaw din nilang pahalata na mag-nobyo na sila nang gabing iyon. Mas mabuti na rin kung sila Mady at Sam lang muna ang makakaalam.
Nagpasya silang dumaan sa may likod ng dormitoryo ni Hannah, malapit sa fire exit kung saan lalagos ito sa unit ng dalawang dalaga. Bago pa umalis si Jacinto, may hiniling sa kanya si Hannah.
"Pahalik pa nga ulit!" nakangiting hiling ng dalaga.
"Ito naman, naka-dalawa ka na kanina!" pagtanggi ni Jacinto. "Masyado ka palang matakaw sa mga halik ko!" biro nito.
"Sige na, birthday ko naman ngayon. Di pa naman tapos hanggang alas dose na ng hating gabi!"
Nilapit ni Jacinto ang mukha niya kay Hannah, habang nakasandal sa isang pader ang dalaga. "May makakakita ba sa atin dito?"
"Wala naman. Tulog na lahat ng kabahayan. At di tayo masisita ng mga barangay tanod o gwardiya sibil, Senyor Jacinto!"
Humalik ulit si Jacinto kay Hannah ng pangatlong beses.
Nang matapos ay wika ni Hannah, "Sinong matakaw diyan? Intense iyon ah!" Natawa siya sa kilig habang naka-angkas ang mga braso niya sa binata.
"Tama na, sumosobra na tayo! Lagot ako sa konseho ng Katipunan!"
Umalis sila sa pagkakayakap sa isa't isa. "Magkita tayo bukas?" tanong ni Hannah.
"Oo ba. Paalam. Matulog kang mabuti."
"Love you!" tawag ni Hannah habang papalayo si Jacinto. Lumingon lang ito at ngumiti.
Napasalampak si Hannah habang nakasandal sa pader ng kanilang dormitoryo.
Hindi na siya ang dating Hannah na kilala niya. Kay bilis pala magbago ng lahat dahil lang sa isang halik. Tatlong halik. Medyo bad girl ang naging halikan nila, pero ano naman ngayon? Bente anyos na siya at bente-dos si Jacinto. Hindi na niya malilimutan ang mga halik niya habambuhay.
Talagang umiibig na siya.
---
Tulalang nakahiga si Emilio Jacinto sa kwarto. Hindi siya makapaniwala sa sarili niya. Pakiramdam niya ay nilabag niya ang sariling Kartilya na nagsasabing Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuharan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.
Pero hindi naman paglabag ang ginawa niya. Kailangan lang niyang maipa-alam kay Hannah ang kanyang saloobin. At nagagalak siyang malaman na sinuklian ng dalaga ang kanyang pag-ibig.
Kailan ba siya nagsimulang umibig kay Hannah?
Hindi niya matukoy kung kailan, pero noong una niyang makita ito, nagkaroon siya ng pakiramdam na magiging maayos siya sa hinaharap na kasalukuyan dahil hindi siya nito pababayaan. At totoo naman ang kutob niya, dahil naging magkaibigan sila at nagdamayan sa isa't isa.
Hanggang nagising na lang siya isang araw at namalayang nahulog na ang loob niya sa dalaga.
Kasabay ng unti-unting pagbabago ng itsura niya ay sumabay ang puso niya dito. Nalaman niyang kumikinis ang balat niya pati kutis niya dahil ibang klase ang tubig na dumadaloy sa mga kabahayan sa lugar na ito. Idagdag na rin ang sabon sa mukha na gamit ni Sam, dahil sabi ay nakakaputi raw ito. Ngayon, halos di na niya makilala ang sarili niya dahil sa damit, buhok, at postura niya. Malayong-malayo sa batang Tondo na palaging tinutukso dahil luma ang mga damit niya at hindi siya nagpapagupit ng buhok sa dahilang wala siyang pampagupit. Kahit di gaanong may kaya ay nakakapag-ayos ang mga Indiyo sa panahong ito.
Pero siya pa rin ang dating binata na umanib sa Katipunan.
Ang kaibahan lang ay nasa hinaharap na siya at kailangang makisabay sa pamumuhay dito. Wala siyang plano na umibig at magkaroon ng nobya. Pero nangyari ito nang kusa. Wala siyang nasa puso kundi si Hannah, ang kanyang pangalawang mahal.
Sumakit ulit ang tagliran niya.
Bakit maya't maya ay sumasakit ang pilat niya sa tagliran?
Natakot siya para sa sarili at kay Hannah. Ayaw niyang saktan ito kung bigla na lang siyang maglaho isang araw at di na makabalik pa.
Hindi siya dapat masyadong mawili dito dahil may mga responsbilidad pa siya sa panahon niya.
Baka dumating ang araw na hindi na niya gustong bumalik pa.
Ngunit di niya mapigilan ang damdamin na bumigay at umibig.
Totoo ang pag-ibig niya kay Hannah.
A/N: Song-Drenched (Wanting)
Special thanks for the book cover art, SenyoritaPAV
BINABASA MO ANG
The Katipunero and I | PUBLISHED UNDER KPUB PH
Historical FictionAno ang gagawin mo pag may na-meet ka na time traveling na Katipunero? (Completed-with special chapters) ( Katipunero Duology Book 1) Photo by Maria Luiza Melo on Pexels Book cover by the author Written from October 2013-January 2014