(Three years later)
Tinupad ni Hannah ang pangako niya kay Jacinto pati na rin sa sarili niya. Nagtapos siya ng kolehiyo at nagkaroon ng magandang trabaho. Inaya siya ng nanay niya na tumira sa Norway at doon mamalagi, pero tinanggihan niya ito. Mas gusto niya na magsarili sa sariling bayan. Kumpiyansa naman si Hannah na maayos na ang buhay ng ina niya doon. Minsan itong nag abroad sa Norway para magbakasyon ng dalawang linggo, at nag-enjoy naman siya. Isa itong paraan para ma get over ang kalungkutan sa paglisan ng minamahal.
Si Mady ay kasabay niyang nagtapos at nagtatrabaho na rin. Nandoon pa rin sila sa dorm na tinutuluyan nila. Nag-iipon na sila ni Sam kung sakaling matuloy ang kasal nila, para sigurado na. Proud ang dalawa na independent working girls na sila ngayon.
Tungkol naman sa ama niya, naging daan ang ate ni Hannah para magkausap muli sila. Si Krystal ay nakakatanda niyang kapatid na nagtatrabaho sa isang advertising agency. Noong una ay ayaw niyang makipagkita sa ate niya, ngunit ginawa niya rin for medical reasons. Kinalaunan, nagsimula na silang mag usap sa chat at nagkamabutihan sila ng loob sa isa't isa. Sumama minsan si Hannah sa isang educational outreach program kung saan nagtuturo si Krystal sa mga bata kung paano magbasa, at na realize niya na tunay na mabuti ang ate niyang ngayon lang niya nakilala.
Ito ang naghanda sa kanya na harapin ang ama at maging maayos ang kalooban niya dito. Mahaba ang ang kanilang tatahakin, ngunit mabuti na ang mabagal at maayos na simula.
"Kaloka, ang daming kailangang gawin sa opisina! Pero gusto ko trabaho ko. Isang taon pa lang, tignan ko kung saan hahantong pagkatapos. Pero kaya ko naman," pag-uusap ni Hannah kay Mady habang nagtatanghalian sa isang restaurant sa Ayala Triangle.
"Kaya mo iyan, girl! Ikaw pa," pangiting sabi ni Mady sa kanya.
Biglang nag ring ang cp ni Mady at sinagot niya ito. "Sige po, susunod na po ako diyan," sagot niya.
"Boss mo ulet?" tanong ni Hannah.
"Demanding. One of these days, pag tinopak ako, aalis ako!" banta ni Mady.
"Chill, pangit sa resume na every year, papalit-palit ka ng trabaho." Nung isang taon ay di nakatagal si Mady sa dating pinapasukan at umalis din.
"I know right? O siya, makaalis na nga!" Tumayo si Mady at nakipag-beso kay Hannah. "See you later!"
Umalis si Mady. Maya maya'y tumayo na rin si Hannah at akmang babalik na ng opisina niya.
Naglalakad siya sa walkway ng Ayala Triangle nang may malakas na hangin na umihip. Napayuko si Hannah at pag-angat niya ng ulo niya, napatingin siya sa gilid. Sa malayo ay may lalaking may DSLR camera at saktong nakunan siya habang nililipad ang buhok niya.
Lumapit sa kanya ang lalaki. May katangkaran ito at maayos ang bihis. "Perfect shot iyon ah!" pangiting sabi nito. Pinakita niya kay Hannah ang kuha niya. "Wow, pang profile pic!" Ngumiti si Hannah. "Pwede makuha yung copy ko? Gusto ko ilagay sa FB!"
Pumayag ang binata at hiningi ang email address ni Hannah.
"Ayan, ipadala mo sa akin iyan!"
"Sure! By the way, here's my calling card." Inabutan siya ng lalaki ng card mula sa bulsa niya. "Photographer ako at co-author ng Humans of Makati project. Ka tie up namin ang Humans of New York sa FB."
"Alam ko iyon!" natutuwang sabi ni Hannah. "Fino-follow ko ang page nila. Di ko alam, may Humans of Makati na pala."
"Pwede kitang imbitahan sa photo exhibit sa Sabado? Malapit lang iyon dito, kung okay sa iyo."
"Sure! Tapos libre mo ako ng kape?" biro ni Hannah.
"Why not?" Pagpayag ng lalaki. Natawa sila.
"Your name is..." simula ni Hannah.
Tinignan niya ang calling card na inabot sa kanya. Nakalagay dito:
Emilio Niccolo Jacinto
Photographer/Creative Director/Co-Author
Humans of Makati Project
Tumigil saglit ang tibok ng puso ni Hannah. "Huwaw... your name sounds like..."
"Utak ng Katipunan!" pangiting sagot ng lalaking photographer. "My name is a great conversation piece in itself. You can call me Nic." Nakipagkamay siya kay Hannah.
"I'm Hannah Umbrebueno. Pleased to meet you, Utak ng Katipunan!"
Agad silang nagkapalagayan ng loob sa isa't isa. Sa di maipaliwanag na dahilan ay parang pamilyar ang pakiramdam ni Hannah sa binata. Hindi, hindi ito si Yong. Iba siya. Maraming may apleyidong Jacinto.
"You know what, I have a feeling we've met before," biglang sambit ng lalaki. "Or is it just my weirdness? Weird kasi ang mga creative na tao."
"Magaan nga loob ko sa iyo," sabi ni Hannah sa kanya.
Lumapit sa kanya ang lalaki at nagulat si Hannah nang bigla siyang niyakap nito. Hindi siya naka-imik o nakapag-laban. Medyo awkward na ang isang ngayon mo lang nakilala ay biglang yayakap sa iyo. Ngunit sa kabila ng pagiging awkward ay agad napalagay si Hannah sa piling ng bagong kaibigan.
Pawang may sinasabi ang tibok ng puso niya habang nakayakap sa binata.
Sumibol ulit ang pag-asa sa puso niya.
At doon niya naunawaan ang lahat.
(Wakas)
BINABASA MO ANG
The Katipunero and I | PUBLISHED UNDER KPUB PH
Historical FictionAno ang gagawin mo pag may na-meet ka na time traveling na Katipunero? (Completed-with special chapters) ( Katipunero Duology Book 1) Photo by Maria Luiza Melo on Pexels Book cover by the author Written from October 2013-January 2014