Nagpatuloy lang ang buhay ni Hannah. Dinala siya ni Krystal sa Hong Kong para mamasyal at tulungan na maghilom ang mga sugat ng nakaraan. Naging masaya ang lakad nila. Pagbalik niya ng Pilipinas, ay doon na ulit siya tumira sa condo ni Mady.
Namalagi siya ng mahigit isang taon sa sariling bayan. Hinintay lang niya na ikasal si Mady bago lumipat sa condo ni Krystal. Nagbabalak na si Hannah na tumira sa UK, kung saan doon na naka-base ang kanyang ina.
Pagkatapos ng masayang kasalan nila Mady at Sam ay naglakad-lakad si Hannah. Sa Intramuros ginanap ang seremonya pati ang kainan.
Nakarating siya sa isang hardin sa likod ng restaurant. Naramdaman niya ang malakas na simoy ng hangin.
Parang may nakayakap sa akin, naisip niya.
Lumingon si Hannah at nakita sa harapan niya ang isang lalaki mula sa nakaraan.
Kilalang-kilala niya kung sino ito.
"Ilyong..."
"Como esta?" Ngumiti sa kanya ito.
Kinuha ng binata ang mga kamay ng dalaga at hinawakan ito nang mahigpit.
"Ako'y masaya na makita kang muli. Huwag kang mag-alala tungkol sa hinaharap. Hiniling ko sa Panginoon na parati kang gabayan".
"Bakit ka nagpakita? Lalo akong mangungulila sa iyo. Ito naman, alam mo naman kung gaano kasakit ang huli kong naging relasyon!" Napayakap siya dito.
Hindi niya malilimutan ang mga mahihiwagang tagpo kasama ang Katipunero na nag-time travel ilang taon na ang nakakaraan.
"Masakit ang iyong pinagdaanan, ngunit nalagpasan mo rin ito. Asahan mo na makakahanap ka rin ng kaligayahan."
Umalis si Hannah sa pagkakayakap. Ngumiti si Ilyong sa kanya. Hinalikan niya ito sa noo habang nakahawak sa kanyang kamay at napapikit si Hannah. Pagdilat niya ng mga mata ay wala na pala ito na parang bula.
Dama ni Hannah ang pagdaloy ng mga luha.
Sana di ka nagpakita. Ayan tuloy, umiiyak na naman ako. Pero salamat, gumaan ang kalooban ko dahil sa pagbisita mo.
May naramdaman si Hannah sa kanyang kanang kamay. Nang tinignan niya ito, nalaman niya na may inabot pala sa kanya si Ilyong.
Isa pala itong gintong kwintas na may locket-style na orasan.
---
Nagising si Hannah mula sa mahimbing na pagkakatulog. Hawak niya sa kamay ang kwintas na orasan. Nasa London na siya ngayon, at iniingatan niya ang regalo na ito mula sa isang espesyal na lalaki na minsang naging bahagi ng kanyang buhay.
Salamat, Ilyong.
Ngumiti siya nang maalala ang binata.
Matagal na rin niya itong hindi naaalala. Ngunit salamat sa naging mahiwagang tagpo sa Intramuros isang taon na ang nakararaan ay napanatag na ang kalooban ni Hannah. Malungkot man ito, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Nasa sa tao iyon kung paano siya makakahanap ng kaligayahan sa buhay, sa pag-ibig man ito sa isang nobyo, pamilya, o mga kaibigan. Happiness is always a choice. There's always something to be thankful for.
Bumangon na si Hannah at naghanda para sa isang panibagong araw. Parte siya ng isang digital marketing firm sa London kung saan mga kapwa Pilipino ang kanyang mga katrabaho. Umaani ito ng mga parangal at marami rin silang kliyente mula sa iba't ibang bansa sa Europa.
Maganda na ang takbo ng kanyang karera, pati na rin ang buhay niya kasama ang kanyang ina. Minsan ay dumadalaw si Krystal sa kanya. Noong huling Pasko ay nag-reunion sila kasama ang kanyang ama.
Tahimik na naglakad si Hannah papunta sa bus stop. Tanaw niya sa malayo ang Big Ben. Malamig na rin ang simoy ng hangin, dahil malapit na ang taglamig. Buti na lang at makapal ang kanyang coat.
"Hey miss, you dropped something."
Boses ito ng lalaki. Nakita ni Hannah ang kamay nito na hawak ang kanyang locket watch.
"Thank you." She gently reached out for it and the guy handed it back to her.
Inangat ni Hannah ang kanyang ulo para makita ang lalaki.
Halos mapanganga siya nang makita kung sino ito. Nanginginig siya at di siya makapaniwala na ito ang nasa harapan niya.
"I returned for you," wika ng binata. "I may be different now, but it's still me."
Di mapigilan ni Hannah ang ngumiti. Her eyes misted and couldn't believe it's happening.
He looked different, but it cannot be denied it was him.
Kahit naka-trenchcoat ito ay alam ni Hannah na siya iyon.
It was her Ilyong.
And he came back for her.
Niyakap ni Hannah ang binata.
Everything made sense now.
(Fin)
BINABASA MO ANG
The Katipunero and I | PUBLISHED UNDER KPUB PH
Historical FictionAno ang gagawin mo pag may na-meet ka na time traveling na Katipunero? (Completed-with special chapters) ( Katipunero Duology Book 1) Photo by Maria Luiza Melo on Pexels Book cover by the author Written from October 2013-January 2014