10th Mystery

1.2K 37 2
                                    

A/N: Late and short update,  sorry.

Enjoy!

-Peachberryfruity

10th Mystery
The Black Flame

Chlane

Inilibot ko ang paningin sa malaking hallway na puno ng mga tao.

'Sabi n'ya sabay kaming kakain ngayon, nasaan na kaya s'ya? Sabi n'ya dito kami magkita.'

Napabuntong hininga ako saka ko tiningnan ang wrist watch ko.

'Pass eight am na ah, gutom na ako.'

"Chlane!" biglang may sumigaw mula sa kung saan, nang lingunin ko s'ya ay nakangiti na s'ya sa akin. Pinagtitinginan s'ya ng mga tao pero parang wala lang sa kanya."Kanina ka pa? Sorry ah, ang tagal kasi sa elevator eh."

"Hindi okay lang. Akala ko di ka na dadating eh, gutom na ako." nakangiting sabi ko saka ko inangkla ang braso ko sa kanya.

"Sorry talaga ah. Anyway, tara na sa Food dec baka maubusan tayo ng slot."

Hinila n'ya ako papuntang doon. After 30 minutes of waiting, dumating na ang inorder naming tapsilog at coffee.

Nagsimula na kaming kumain at hindi ko na naman maiwasang titigan s'ya. Hindi talaga ako makapaniwalang kinaibigan n'ya ako. Sya iyong babaeng nakita kong naglalakad sa hallway noong una akong dumating. Hindi ko talaga inaasahang lalapit s'ya sa akin at makikipagkaibigan.

~Flashback~

Tahimik akong kumakain, masarap naman ang pagkain pero parang wala akong gana. Hindi kasi ako sanay na kumain mag-isa. Wala pa kasi akong kaibigan at sa totoo lang nahihirapan akong mag-adjust. 'Yong section na napuntahan ko ay hindi sing friendly ng inaakala ko. Kahit anong pilit kong makipag-usap ay talagang ang tipid nilang magsalita, may mga pinag-uusapan pa silang hindi ako makarelate so I ended up being alone.

"Hi! May kasama ka?" walang ano ano ay may nagsalita sa gilid ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay muntik pa akong mabulunan.

'S'ya 'yong girl na nakita ko no'ng first day ko dito. Ang ganda pala talaga n'ya lalo na sa malapitan. Matunog ang pangalan n'ya, t'wing dadaan s'ya kapag break ay hindi maiwasang pag-usapan s'ya ng mga tao.

"H-Ha? Ah wala, s-sige upo ka." sagot ko at ngumiti naman s'ya bago umupo sa harap ko.

"Ako nga pala si Kate, ikaw?" masiglang tanong n'ya.

"Ah, I'm Chlane hehe."

"Ahm, pwede ba tayong maging magkaibigan?" biglang tanong n'ya. Tumitig naman ako sa kanya at wala sa sariling napatango. Ngumiti naman s'ya.

"Sige! Simula ngayon, friends na tayo. Ano nga parang section mo?"

"H-Ha? Ah, Section 3 ako, first year."

"Oh? Same year pala tayo. Anyway, Simula ngayon sabay na tayong kumain. Pupuntahan na lang kita sa room n'yo kapag break."

"H-Ha sige." utal na sagot ko.

"Nice to meet you, Chlane. Sa ngayon bye muna ah, I need some rest. See you soon, friend." ngumiti ulit s'ya saka tumayo. Gulat pa rin akong nakatingin sa kanya hanggang sa talikuran n'ya na ako.

~End of Flashback~

After that day, palagi na kaming sabay kumain. Minsan ay tinutulungan n'ya pa akong intindihin ang mga bagay na nahihirapan ako. S'ya na rin ang nagtour sa akin dito kaya hindi na ako naliligaw.

"Ah saan nga pala tayo pupunta, Kate?"

"Ha? Ah, I brought these from the library." sabi n'ya saka itinaas ang hawak n'yang mga libro. "It can help us improve our S.A, pupunta tayo sa favorite place ko, doon tayo magbasa."

Moonlight High (Not Your 'oh so' Ordinary School) 3rd GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon