42nd Mystery

767 23 14
                                    

42nd Mystery
Intruders

Fritz

Hingal na hingal ako dahil sa paghabol ko kay Sirri. Napakabilis n'yang tumakbo, nakakapagtaka pa dahil sa kabila ng bilis n'ya ay hindi man lang gumagawa ng kahit anong ingay ang mga paa n'ya.

'Amazingly weird!'

"Don't follow me, Fritz!" singhal n'ya sa akin. Sanay na ako sa gaspang ng ugali n'ya kaya naman balewala na sa akin iyon.

"No. Ang sabi mo, may intruder sa room mo. I can't let you go alone. Paano kung mapaghamak ka?"

"I can handle it. Just go back to your room."

"Hindi na! Sasamahan na kita. Maigi na iyong dalawa tayo."

Huminto s'ya sa pagtakbo bago ako tiningnang maigi.

"Don't regret it later," makahulugang sabi n'ya.

Parang tinambol ang dibdib ko, hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako. Nang magsimula ulit s'yang tumakabo ay sumunod ako sa kanya.

We reached her room na nasa pinakadulo ng hallway.

Pinihit n'ya ang pinto saka walang pag-aalinlangang pumasok. Sumunod na lang ako sa kanya. Nagulat ako ng bigla na lang sumara ang pinto.

Nang tingnan ko si Sirri ay nakangisi na ito sa akin.

"I already told you not to follow me but you did!" ngumisi s'ya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng sa isang iglap ay binalot ako ng itim na usok. Seconds later, I saw myself hanging in her ceiling. My mouth is sealed. Hindi ako makakahingi ng tulong.

What the hell is this?

Nanlaki ang mga mata ko ng magchant s'ya, iba ang mga salita at hindi ko maintindihan. Ilang sandali lumitaw at bumukas ang isang itim na pinto sa gitna ng kwarto ni Sirri. Pumasok s'ya sa loob. Ksabay noon ay ang pag-alarm ng buong school.

'Oh my God!'

"Uhmp! Uhmp!" I tried to scream pero sorbrang hina noon. Alam kong walang makakarinig sa akin sa labas. I tried building up my energy to use my S.A pero walang nangyayari. It's like this smokey chain is preventing me from using my S.A.

Ilang sandali pa, muling bumukas ang pinto na pinasukan ni Sirri at iniluwa sa ang isang may edad na babae, sa tanya ko ay nasa late 30's ito. Mukhang inis na inis ito dahil nanlilisik ang kanyang mga mata. She looked at me as the door vanished. Ipinitik n'ya ang kamay n'ya at naramdaman ko na lang ang biglang pagbagsak ko.

Ipinagpapasalamat ko na lang na sa kama ako bumagsak. Hindi ako makagalaw dahil na rin sa usok na nakabalot sa akin.

Nanginig ang kamay buong katawan ko sa takot ng lumapit sa akin ang nakangising babae. I heard her chant some words.

Ang kaninang takot na naramdaman ko ay nadagdagan ng unti uniting magbago ang mukha ang matandang babae, ang mukhang kilalang kilala ko, ang mukha ni Sirri.

She evilly winked at me before chanting another set of odd words.

Biglang parang umikot ang paningin ko hanggang sa hindi ko na kinaya, nagdilim ang lahat.

-----

"Hey! Fritz!" nagising ako sa mahinang tapik sa aking pisngi. Kinusot ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang nag-aaalalang mukha ni Sirri.

Napabalikwas ako.

"Oh my God! Are you okay?"

"Anong nangyari sakin?" gulat na tanong ko. I was lying on her bed.

Moonlight High (Not Your 'oh so' Ordinary School) 3rd GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon