1 ✨

18.9K 336 3
                                    

SIMULA

Danna Cruz'POV

"Danna, gusto ko sana makipag hiwalay. I am inlove with someone else.... And it's just a deal between us. I am sorry. Mali 'tong ginawa ko, sana mapatawad mo ako..."

Natigil ako sa pagkain ng Ice cream na dala niya para sa akin. Kanina ko pa nararamdaman nq may mali e. Hindi ako mapakali simula nang dumating siya para mag usap kami.

Pinaglaruan lang nya ako?

"You're just kidding me." I told him, hindi muna inalintana ang kaba. Baka prank lang 'to tulad ng mga napapanuod ko.

Gusto ko isipin na binibiro niya lang ako ngayon... pero totoo talaga e. Ramdam kong totoo. Mararamdaman ng tao lalo na kung sa paglipas ng araw, may ibang nangyayari. May kasamaang bumabalot sa relasyon namin.

"I'm sorry." ulit niya na naman kaya nairita ako bigla. Sorry na naman e.

Pwede naman bitawan e... kung tutuusin binigyan niya ako ng maraming dahilan. Ako lang 'tong si tanga na umaasa na maaayos ko pa siya. To change or even force him to get his shit together. Maybe I'm not meant to save him.

May gusto ako itanong nakaraan pa pero hindi ko kaya. Everytime I will try, mag bara sa lalamunan ko. Pigil pa ang luha.

"Totoo bang may relasyon kayo ni ate Rose?"

"Oo..."

I badly wanted to hear those words na that's ridiculous, that's impossible, his big no. Fuck, lies about love.

"Hindi mo manlang iniisip ang mararamdaman ko? Why all of these sidechick, why ate Rose?! Sana kahit sa parteng yon nirespeto mo ako. Sana dapat iba nalang!"

"Tinatapos ko na ang kasinungalingan ko, I want you to be free. I am so sorry. I know you don't deserved this kind of shit, Danna. Hindi ko gusto to... but I have to."

"Bakit si ate pa? Maiintindihan ko kung ibang tao pa kahit papaano! Para hindi ganito kasakit. Dalawa kayong pinaglaruan ako, Anthony. I lost you both!"

Di ko na napigilan ang iyak ko. Kumawala na yung tunay kong nararamdaman.

"You're my first boyfriend, Cark! What the fuck! You ruined my trust! Sinira mo yung future relationship ko! I doubted myself now. Am I worthy of love?"

"Sorry..." ulit niya "Sorry talaga Danna. Sorry..." he repeatedly said his last words before walking away.

"You betrayed me. I know you'll never feel sorry for the way I hurt."

Hindi ko alam kung saan ako hinatak ng paa ko basta alam ko gusto kong lumayo sa park.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng paghagulgol ko. Heaven feels my pain, huh?

**

Pagkagising ko, tumayo na kaagad ako para gawin ang daily routines ko. Weekend ngayon, kailangan kong pumunta sa photoshoot dahil kailangan kong i-model yung damit na bagong designed ng isang branded clothing line. They paid big amount for me.

Natapos ko na lahat ng gagawin ko sa sarili ko kaya bumaba na ako para mag almusal. Naabutan ko roon ang pamilya ko. Pati ang ahas kong kapatid. Noon pa man, inggit na sa akin ang isang 'to. Kaya pala mainit ang ulo sa akin.

"Good morning" I greeted them first.

Umupo ako sa upuan at kumuha ng pagkain.

"Morning baby"

"Eat up Danna"

My parents.

"Did you cry?" Plastic. Akala mo anghel kapag kaharap ang pamilya. Ang nakakabwisit dahil siya ang dahilan kung bakit broken hearted ako. Malandi kasi. Di ko matanggap na iisang dugo lang kami. "Hindi ba maganda ang gising mo?" Si Rose ulit.

Ang Artistang Maid Ko (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum