2✨

11K 258 2
                                    

Danna Cruz'POV

Just what the fuck! Pagkapasok ko palang ng university, pansin ko ng may kakaiba sa mga kapwa ko istudyante. Tingin na animoy nakikisimpatya sila sa nararamdaman ko. What the hell, wha the hell talaga! For sure pinagkalat na ng gagong 'yon na single siya. Tama nga ang karamihan, masyadong mahangin ang Anthony na 'yon. Masyado akong bulag sa kalokohan ko sa kanya!!!

Nginitian ko lang sila ng mala anghel na ngiti. Plastic sila? Papel ako, ako ang magiging papel sa kaplastikan nila.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makapasok na ako sa room section. Pagkapasok ko sumalubong kaagad sa akin yung tatlong bestfriend ko at niyakap ako nang mahigpit, sapat lang para makahinga ako kasi kung hindi, yayakapin ko sila sa leeg.

"Ano bes, sugurin ko na?" banat na tanong ni Julieann, naka amba pa!

"Oo nga beb. Walang kwenta yung hinayupak na 'yun. Sasapakin ko yon pag nakita ko yun sa room nila. Tara daan tayo sa kanila?" sabi naman ni Rhoseberth, para ba akong nagtatawag ng kakampi.

"Ano ka ba Rhoseberth anong makita? Sugurin nalang natin mamaya sa room!" gatong ni Carla

Kapag 'tong mga baliw na 'to nagsama, may hindi magandang nangyayari e. Nakaka trauma rin kalokohan nila. Minsan ay hindi kaibigan ang turing ko sa kanila dahil baka pati ako ay madawit sa kalokohan nila.

"Anong susugurin? Edi ako naman nagmukhang bitter dahil sumugod ang trios? Let him alone, he's not worth it of anything."

"Are you crazy Danna? Di pa kami baliw para sa gusto mo. Anong 'wag ipahiya? E' may kinalat nga syang video nyo noong nag break kayo tapos sasabihin mong 'wag syang ipahiya? Mas baliw ka pa ata sa amin."

"Talagang nakakatanga ang pag ibig friend"

"Anong video?" gulat pa reaksyon ko ha.

"See hindi mo pala alam. Kaya nga nalaman naming break na kayo ni Anthony dahil sa video na yun eh"

Huh? Ibig sabihin walang nagkwento pero may video na ikinalat? What the?

"Where's the video?" Tanong ko sa kanila. Peste gusto kong makita yun. Baka ang pangit ng mukha ko roon! 😤

"Ito oh, dinownload ko pa 'yan 😅" Inabot sakin ni Julieann ang cellphone nya.

"Supportive friend ka talaga!" Nagawa pa idownload. So ayon, I played the video kahit alam ko ang eksena roon at mukhang tanga nga ako "I CAN'T BELIEVE!" sigaw ko at naibato sa harap ang phone pagkatapos ko mapanuod. Naagaw ko lahat ng atensyon ng mga classmate ko kaya inirapan ko sila. Sa loob ng school na 'to, para lang ako ordinaryong istudyante. Hindi ako artista sa paningin nila kaya natutuwa ako dahil may place pa rin na hindi ako pinagkakaguluhan

"My phone, bakit mo binato? Wala akong pambili Danna! Bwisit ka talaga minsan e 'no!" Mabilis na lumapit si Julieann sa harap at pinulot ang wasak niyang phone. Ibinalandra niya pa sa akin 'yon at kita ang iritasyon sa mukha

"Hell no! " Rhoseberth mouthed to Julieann.

Lumapit si Julieann sa akin at inilahad ang palad. Naglabas ako ng pera at inabot sa kanya.

"Malalaman din natin kung sino may pakana nyan"

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Rhoseberth. Sana. Sana lang. Lakas ng trip e. Gusto talaga ipamukha sa mundo na niloko ako.

Pumasok na yung first teacher namin sa morning class at nag-discuss ng about sa Chemistry.

Wala akong maintindihan. Minsanan ay favorite ko ang subject na 'to, dahil sa bukod maganda ang teacher, naiintindihan niya ang kalokohan ko at pinapatawad.

"Bessy, tawag ka ni sir..."

"H-Huh?"

"Tawag ka ni-"

"Ms Cruz and Ms Carla kung magdadaldalan kayo please wag muna ngayon ha, nakaka istorbo kayo ng klase. Ikaw Ms Cruz may problema ba?"

Humarap ako kay sir at tumayo.

"Sir, may I go out on your class?"

"Bakit hindi ka ba makasabay sa klase natin?"

"Opo..." I simply answered.

"Magpasama ka-"

"No sir. Ako nalang po."

Kailangan kong umuwi. Wala ako sa mood para mag aral. Sariwa pa ang sakit na kailangan hilumin. I'm just tired.
~~

Ang Artistang Maid Ko (COMPLETED)Where stories live. Discover now