Chapter 9

4.2K 24 0
                                    

DIANA'S POV

Humiga ako sa kama para matulog. Subukan ko man na matulog ay di ko magawa, naisip ko kasi yung tatlong mokong.
Napapabuntong hininga na lang ako habang iniisip kung ano mangyayari bukas at sa susunod pang mga araw.
Ang akala ko'y magiging maayos na ang buhay ko, hindi pa pala.

Lumabas ako para kumain. Nagugutom ako. Sa laki nitong tinitirahan namin baka di ko agad mahagilap ang bago kong kwarto, lalo na't unang araw ko pa lang dito.

Papasok na ko sa isang madilim na solid, sa tingin ko Ito na ang kusina? Hinanap ko ang switch ng ilaw nang maramdaman kong may tumakip ng bibig ko.
"Sino ka?" Bungad nito sa akin atsaka umalis ang kamay niya sa bibig ko. Halos mahalikan niya na ang labi ko sa sobrang lapit niya sakin.

Natagpuan ko ang sarili ko na tulala. Parang nagkita na kami dati pero di ko maalala.

"Ikaw ba yung magiging PA?" Seryosong tanong niya at timing man niya ko nila ulo hanggang paa.

"Ang kapal mo ha! Ikaw, magnanakaw ka, noh?

Tumawa lang ito.

"Sumagot ka, akyat bahay ka noh?"

"Kung akyat bahay ako, kanina pa kita sinaktan."

Natigilan kami nang dumating si Bambam.
"Jagiya, kanina pa kita hinahanap. Di ako makatu"
Natigilan siya nang mapansinin na nandun pa yung lalaking matangkad

"Si Diana, gf ko." Anito tsaka ako inakbayan.

"Sige, akyat na ko sa kwarto." Paalam nito tsaka kinuha yung pizza na kinakain niya kanina pa sa dilim :D

"Jagiya, puwede mo ba kong samahan sa kwarto ko? Aaalis ka naman agad pag nakatulog na ko eh jebal."  Pagpapaawa nito na nakalabi at magkadikit pa ang dalawang palad na parang nagdarasal.

"Oo na" sabi ko na di mapigilang mapangiti.

"Ang bait talaga ng jagiya ko. Pakiss nga." Sabi niya habang nakanguso.

Di ko mapigilang matawa sa hitsura niya. Sahalip halikan ay pinisil ko ang ilong niya. "Ang cute cute mo talaga jagiya."

"Aray Jagiya" anito tsaka tinanggal ang kamay ko sa ilong niya at hinawakan ito ng mahigpit.

Tumigil kami sa isang kwarto. Ito na siguro ang kwarto niya. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ko at nagsalita. "Ang linis ng kwarto mo ha."

"Nilinis ko talaga iyan kasi sasamahan mo ko hanggang sa makatulog ako." Anito at kinindatan ako.

Di ako nagsalita at pinanood ko lang siya habang humihiga sa higaan niya.

Di ko namalayan na 12:00am na sa sobrang tagal naming makatulog.
Madami kaming pinagkuwentuhan tungkol sa mga pangarap niya at kasama na ko dun.

Pinagmasdan ko siya bago ako umalis. Itong lalaki na ito ang gusto kong pakasalan. Sa dami nang pinagdaanan ko ay siya ang dumamay sakin sa mga oras na wala akong makapitan.
Di ko mapigilang ngumiti habang iniisip na ikakasal ako sa kanya.

Nilisan ko ang kwarto niya ng may ngiti sa labi.
Nawala ang ngiting iyon nang may napansin akong pamilyar.
Di ako nagkakamali, isa siya sa mga lalaking minsan kong minahal.

Sinundan ko siyang pumasok sa isang kwarto.

"Sino ka? Sinong nagbigay ng pahintulot sayo na pumasok ka dito sa kwarto ko?"

"Di mo ba ko naaalala?"
Nangingilid na ang luha sa mga mata ko dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.

"Ikaw yung magiging PA?" Natatawang sagot nito.

Di ko napigilang lumapit sa kanya habang nag-uunahan na ang mga luhang kanina pa gustong pumatak.
Sinapak sapak ko siya habang umiiyak. "Bakit di mo ko maalala?"

"Hindi ko ugaling makipagtitigan sa mga nakakasalubong ko. Kung na love at first sight ka sakin" tumingala siya bago tumingin sakin. "Hindi ko na yun kasalanan. At isa pa miss, hindi ka kapansin pansin."

Hindi ko napigilang tumingin sa mga mata niya. Mukhang seryoso siya sa sinasabi niya. Pinunasan ko ang aking mga mata na basa ng luha. Nagmukha akong batang iniwan ng ina.
Nabasag ang katahimikan ng may umalingawngaw na tinig.

"Ito na nga pala yung mga hiniram kong" sabi nang kumag na may dalang mga CD.

Tumalikod ako para punasan ang basa kong luha. Siguro naman ay hindi niya mahahalatang umiyak ako.

"Nandiyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Kinuha niya ko sa tabi ni Jr.

"Kilala mo?" Tanong ni Jr dito

"Hindi" mariing sabi ng isa sa dalawang kumag tsaka tumingin sakin.
Hinawakan niya ko sa kamay at binigyan ako ng "umalis na tayo" look.

Sumama ko sa kumag na ito at nilingon si Jr. na may bahid ng pagtataka ang mukha.

Nang lingunin ko ang direksyon ng daraanan namin ay sumagi sa gilid ng mata ko yung mga CD kanina, puro porn ito. Sa isip ko ay di pa nagbabago si Jr. Malibog pa rin ito.

Got7's Sex Slave [ON GOING 2017]Where stories live. Discover now