Chapter 10

3.6K 18 0
                                    

Junior's POV

Gustuhin ko man na matulog sa mga oras na ito ay di ko magawa dahil di siya maalis sa isip ko, yung babae kanina.
Hindi talaga siya nagdalawang isip sa kwarto ko ha.
Desperada siguro, gustong magpalahi sa akin. Natawa ako sa mga iniisip ko.

Pero sino nga ba siya para maalala? Kung nagkatagpo man kami isang beses ay paniguradong hindi ko siya matatandaan dahil di naman siya pansinin. Hindi siya ang tipo ko.

Napansin kong basa yung damit ko dahil sa pag-iyak niya kanina.
Grabe, ganun ba siya kadesperada? Pero sa mga mata niya'y parang kilalang kilala niya ko. Kamukha ko lang siguro yung kaibigan niya. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ko nga ba siya iniisip? Wala kong interes sa mga babae maliban na lang kung mala Maria Ozawa.

***
DIANA'S POV

Puyat man ay kailangan kong magluto ng maaga para pagsilbihan ang pinakamamahal ko.
03:00 am nang tingnan ko ang orasan.
Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip.
Kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko.

Inaantok man ay pilit kong ibinangon ang sarili ko at pumunta sa kusina.
Nagulat ako nang biglang may tumakip sa bibig ko.
"Akala mo hindi kita nakita?" Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit na parang ayaw niya ko pakawalan.
"Ano ba, tigilan mo ko." Sabi ko tsaka pilit na tinanggal ang kamay niya sa braso ko pero bigo ako.
"Wag kang umastang Maria Clara dahil ang totoo, ikaw ang pilipina version ni Maria Ozawa." Anito tsaka humalaklak
"Matagal na yun. Wag mo na balikan ang nakaraan. Hindi ko ginusto yun." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Nangingilid na ang mga luha ko sa pag-alala sa nakaraan.
Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ko. "Anong matagal? Di na mabubura ang basura mong pagkatao. Pangalawa si Bambam sa pinakamabait. Paanong nagustuhan ka niya at papakasalan pa? Nababaliw na ba siya? Ano kaya magiging reaksyon niya kapag malaman niyang ang taong gusto niyang makasama ay ilang beses nang natikman? Ni wala man lang siyang ikinuwento kung paano kayo nagkakilala. Di kaya naka one night stand ka niya at pag gising niya mahal ka na niya? Ul*l libog lang yun hahaha"
Sinampal ko siya at binitawan niya ang braso ko sa kadahilanang nagpagawa siya sa piano na sinampal ko. Di na napigilang tumulo ang mga luha ko.

"Wala kang alam sa buong pagkatao ko kaya wala kang karapatan pagsalitaan ako ng masama. Kung akala mo ay kilala mo ko, nagkakamali ka." Sabi ko habang nag-uunahan tumulo ang mga luha ko.
Paalis na ko nang hawakan niya ulit ang braso ko at tinulak ako.
Sa lakas ng pagtulak niya sakin ay napaupo ako sa sahig.
Kinuha niya sa daliri ko yung singsing.
"Isang napakalaking katangahan ang pakasalan ka ng kaibigan ko." Aniya tsaka pumunta sa bintana. Alam ko na ang susunod niyang gagawin. Agawin ko man ay huli na. Nahulog niya na ang singsing.
Iniwan niya kong hindi tinitingnan o nilingon man lang.
Naiwan akong mag-isa. Naiwan akong tulala.

Got7's Sex Slave [ON GOING 2017]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon