Chapter 14

2.1K 12 0
                                    

DIANA'S POV

Naiwan ang mga kalat ng pinag-kainan namin kaya napagpasyahan kong ligpitin ang ito.

"Tulungan na kita." nakangiting sambit sakin ni Mark tsaka niya inagaw yung hawak kong plato.

"Hindi, ako na." Tsaka ko inagaw yung platong inagaw niya sakin.

Di ko mapigilang mapatitig sa maamo niyang mukha. Nagtama ang mata namin papunta sa kanyang mapulang labi.
Kitang kita ko ang ngiti sa labi niya tsaka niya kinagat ang labi niya.

"Ikaw yung tumulong sakin na hanapin yung singsing diba?" Pagbasag ko ng katahimikan.

"Oo, muntik ka pang Masagasaan."

"Salamat" sambit ko at binigyan siya ng pekeng ngiti

"Anong singsing?" Aniyang bakas sa mukha ang pagtataka.

"Wala."

"Engagement ring niyo ba yun ni Bambam?" Hinawakan niya ang kamay ko at tila naghihintay ng sagot.

Ilang segundo bago ako sumagot. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Oo." Sagot kong nakayuko na parang nagsisisi kung bakit pa ko umamin.

Naramdaman ko ang pagbitaw ng kanyang kamay. Napatingin ako sa kanyang mukha na napuno ng lungkot.

"May problema ba?" Tanong ko.

"Kailan pa?"

Nabulabog ng ingay ang kusina ng dumating si Jr.

"Jr." Sambit ko.

"Bakit?" Anitong may bahid ng pagtataka.

Lumapit ako sa kanya para masigurong siya yung dating Jr. na nakilala ko, na minahal ko.

"Hindi mo ba ko naaalala?"

Nanatiling blangko ang mukha niya kaya kinuha ko ang kamay niya at nilagay sa ulo ko at ginalaw galaw ko yung kamay niya para matulog ang buhok ko.

"Anong ginagawa mo?" Anito

"Ito yung ginagawa mo sakin dati. Hindi mo ba naalala?" Nilagay ko ang kamay niya sa kanang pisngi ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na di kita kilala?" Natigilan ako sa sinabi niya dahilan para mabitawan ko ang kamay niya at umalis na siya. Iniwan niya kong tulala.

Napaluha ako sa naging sagot niya. Di ako maaaring magkamali na siya si Jr. yung isa sa mga taong dumamay sakin nung mga panahong di ko na kilala sarili ko. Tumabi sakin si Mark at pinunasan ang mga luha ko.

"Bakit di niya ko maalala?"

"Sigurado ka bang siya yung taong sinasabi mo?"

"Oo."

"Nagkaamnesia ba siya? Bakit wala siyang maalala?"

"Ikaw, nagkaamnesia ka rin ba?" Binigyan niya ko ng pekeng ngiti.

"Ha?"

"Wala."

MARK'S POV
"Nagkaamnesia ba siya? Bakit di niya ko maalala?" Tanong niya habang pinupunasan ang kanyang luha.

"Ikaw, nagkaamnesia ka rin ba?" Binigyan ko siya ng pekeng ngiti.

"Ha?"

"Wala." Tanging sambit ko.

Di ko lubos maisip kung paano niya nagawang kalimutan ako.
Sino nga ba naman ako? Napabuntong hininga na lang ako.

"Sige. Pupuntahan ko na si Bambam. Salamat ha." Binigyan niya ko ng nakakahumaling na ngiti.

Got7's Sex Slave [ON GOING 2017]Where stories live. Discover now