Chapter 13

2.4K 19 4
                                    

DIANA'S POV

"Bakit mukhang puyat kayo?" Tanong ni JB na pailing iling.
Nasa harap kami ng hapag-kainan.
Nagkatinginan kami ni Jackson at inikot ko ang mata ko. Nahagip ng mata ko si Mark na ngayon ay nakatingin na rin sakin.
"Jagiya, umupo ka na dito." Ani Bambam.
"Simula ngayon, dito na siya titira."
"Sino siya?" Ani Junior
Tumingin sakin si Bambam at hinalikan ako sa labi.
"Si Diana, future wife ko." Tsaka tumingin sakin at ngumiti.
Nabulunan si Youngjae sa sinabing ni Bambam.
"Paano kayo nagkakilala?" Singit ni Jackson.
Napatingin ako kay JB, Mark, Yugyeom, Youngjae na natigilan sa pagkain. Tila naghihintay ng sagot. Lahat sila ay nakatingin sa akin maliban kay Jr. na mukhang di interesado, patuloy lang siya sa pagkain.
Nanahimik ang paligid, tila naghihintay ng sagot sa tanong na di na dapat binabalikan pa.
"Ano? Bakit di ka makasagot, Bambam? Ano iyan, basta mo na lang ibabahay? Ano iyan asong gala?" Bakas sa tinig nito ang inis.
"Gago!!" Akmang susuntukin ni Bambam si Jackson pero humarang si JB.
Lahat kami ay napatayo maliban kay Jr. na naglagay pa ng headset.
"Alam mo namang nagbibiro lang si Jackson. Jackson, magsorry ka."
Sahalip na magsorry ay tumingin lang ito ng masama kay Bambam at umalis.
Tiningnan ni JB ang mga miyembro at binigyan ng "bumalik na tayo para kumain"  look
Matapos naming bumalik para kumain ay tinanggal ni Jr. ang headset niya at sinabing "tapos na?" Nakatingin siya kay JB at dumako ang mata niya sakin papunta kay Bambam na katabi ko.
Walang nagsalita. Tumahimik ang paligid. Bakas sa mukha ni Youngjae ang inis.
"Nakakawalang gana." Anito tsaka tumayo  at umalis.
Sunod ay si Jr. "Sa kwarto na ko kakain." Anito habang dala ang pagkain niya.
Hinawakan ako sa kamay ni Bambam dahilan para mapatingin ako kay JB, Mark at Yugyeom.
"Busog na ko." Ani Mark tsaka tumayo rin at umalis.
Sinubuan ako ni Bambam at bumulong "wag mo na silang pansinin."
Tumayo si Yugyeom at nagpaalam na rin tsaka ngumiti.
Binigyan kami ni JB ng "kumain lang kayo look"
Napatingin ako sa mga pinagkainan nila, halos di ito naubos.

Got7's Sex Slave [ON GOING 2017]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon