Part 11

1.3K 35 0
                                    

~Yuri's POV~

Binilin ko sya kay Rian, para hindi naman sya mapahiya sa mga classmate ng pinsan ko. Gusto rin kasi ni Jake na makita sya kaya nagpatulong ako kay Rian para pagandahin sya lalo, para narin hindi sya ma-out of place. After this gradball, there would be an after party. I held yon sa bahay ni Jake. He has a very big house. Jake is a famous business man, kaya lang itong tao to hanggang ngayon hindi parin nagbago, playboy parin.

Pagkatapos kong mag perform, napalingon ako sa gilid ng stage at nakita ko ang napakagandang babae. Kausap nya ang pinsan ko, napatitig ako lalo at nalaman kong si Miyu pala ang kausap nya. Tama nga ang sinabi sa text ni Rian sa akin na pag siya na ang magmake-over, mapanganga ka talaga.

"Ahm, I really need a break. Can I?", bulong ko sa MC at tumango naman ito. Nagpasalamat ako sa kanya bago ako lumapit kay Miyu.

Habang palapit ako ng palapit nito. Mas lalo kong nakita ang maamo nyang mukha. Napatingin din sya sa akin. Nakita kong kinukulit sya ni Jake. Ito talagang si Jake, pagnakakita ng magandang babae, pinopormahan nya kaagad.

"She's my guest, Jake."

Hindi ko matanggal ang tingin ko kay Miyu. Ang ganda nya talaga, she has a perfect body. Bagay na bagay sa kanya ang damit, she is gorgeous and stunning. Mas lalo syang gumanda sa light make up nya. Ang pula nyang lips, ang sarap talaga nyang halikan.

"Oi, this is my first time na tinanggihan ka sa isang babae, Yuu."

Yes, my cousin is right, first time nga akong tinanggihan ng babae. Sya palang ang unang babae na hindi ko talaga makuha ng pangmadalian. Kahit anong gawin kong pagpapansin, pagpapacute at pagpapa-seduce sa kanya hindi talaga sya bibigay. Sya na yata ang pinakamanhid na babae na nakilala ko. Hindi nya kasi mahalata kung gaano ko sya kagusto. That's the reason why I like her. She is not easy to get, she's a type of person na hindi plastic at marunong sa buhay. She is sweet, caring and always concern to others feelings.

"Whoa! Ang ganda naman ng PA mo, pare. Pwede akin nalang?"

Tumawa lang ako sa aking narining mula sa pinsan ko. Alam kong type din nya si Miyu. Kilala ko si Jake, tuso talaga pagdating sa babae. But for her, I will make sure that she will be mine.. All mine..

"Nope, because.... she's soon to be taken."

Napansin kong namula ang pisngi nya. Sana nga'y na gets nya na nililigawan ko sya. Hindi kasi talaga ako marunong manligaw eh. Yong mga babae ang nagbibigay ng motibo sa akin pero si Miyu, iba talaga sya. Sa una naming pagkikita, akala ko'y pareho lang sya sa ibang babae. Niyakap nya ako non pagkatapos lumakad na sya palayo na parang wala lang nangyari. Hindi nga nya ako kilala. I did not feel that she's interested about me. She want to back out but thankfully nakapirma na sya ng kontrata before it happens. Kahit until now hindi ko parin nararamdaman if she also likes me.

Pinauna ko na sya na pumasok sa loob ng kotse dahil gusto ko rin kausapin ang pinsan ko.

"Para san yong business card?"

"I just want to offer a job, 6 months contract lang kayo hindi ba? At least if magsawa kana sa kanya-"

Hindi ko sya pinatapos na magsalita.

"I'm serious with her, Jake"

"Oh I see, well if you two would break up. Nandito lang ako."

"Loko - loko! Hindi ko pa nga na syota break na kaagad" ,hinawakan ko ang leeg nito habang nag-asaran kaming dalawa.

Nagbihis muna ako, nagcap din ako bago lumabas. Ang rami ng tao sa labas hindi kami nakapasok kaagad sa kotse dahil sa rami ng fans na gustong mahawakan ako. Agad naman rumisponde ang 4 ko pang PSG hanggang nakapasok ako sa loob ng kotse.

Nang nagdampi na ang kamay ko sa kanya, doon ko nalaman na naiilang na sya sa akin. Effective pala ang sinabi ko sa kanya kanina. Medyo nawalan ako ng pag-asa sa sinabi nya na.

"Nga pala ba't mo ko pinasuot nitong damit akala ko ba ibibigay mo to sa kaibigan mo?"

Obvious kaya na sya ang tinutukoy ko. Miyu bakit ba ang manhid mo? Medyo nasaktan ako sa sinabi nya kaya napasama yata ang pagsabi ko sa kanya.

"Kaw naman hindi kana mabiro oh! Sorry kong may nasabi man akong masama. Hindi ko naman intensyon na saktan ka."

Nalaman nya kaagad na nasasaktan ako kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya ng mahigpit. Ang bango ng buhok nya at ang sarap nyang yakapin. Hinayaan nya lang ako na yumakap sa kanya ng matagal. Miyu, ipaparamdam ko sayo kung ano ang tunay na nararamdaman ko para sayo.

~MIYU POV~

Nakarating narin kami sa bahay ni Jake. Hindi na kasi ako nakapagsalita pagkatapos nya akong yakapin ng matagal na matagal. Natameme ang peg! Paglabas ni Yuri sa kotse, medyo nakahinga talaga ako ng maluwag. Sabi kasi nya na mauna na syang pumasok kasi alam nyang nakatutok ang media at malamang magka issue na naman sa aming dalawa pag kami'y magkasama.

Naghihintay lang ako sa hudyat ni Paul na kasalukuyan pang nasa labas at inakay muna si Yuri sa loob ng bahay. Pagbalik nya ay napangiti sya sa akin.

"Miyu, namumula ka parin hanggang ngayon."

"Huh..??", Oo nga pala sya pala ang driver kanina so it means na nakita nya akong niyakap ni Yuri sa loob ng kotse..!!! Yaaah! Nakakahiya. Napayuko nalang ako.

"Sabi ko namumula parin pisngi mo hanggang ngayon."

"Oo, na! Namumula na! Wag ka ng mang-asar. Hindi pa ba ako pweding lumabas ha?",pag-iiba ng topic.

"Hindi pa pwede Miyu, mamaya nalang pag ang atensyon ng media ay nandoon na sa ibang artista."

Tumango lang ako at tumingin lang sa labas. Nakita ko ang ibang artista na papasok din sa loob ng gate. Wow! Nandyan yong hollywood star na si Hugh Jackman! Balita ko kasi ay magpopromote sya sa kanyang upcoming movie kaya sya nandito sa Pinas!

"Ay! Nandyan yong idol ko!"

Pumasok din ang celebrity sa Pilipinas syempre nandon ang Presidente na si Tatay Digong, si Angel Locsin, si Dingdong at saka si Marian Rivera. Maya'y dumating din ang Kathniel, Jadine at ang famous na Aldub.

Waaah! Bakit sila nandito? Ganito nga ba ka special ang araw ni Jake na pina-iimbita ang mga celebrity? Humudyat na si Paul sakin at inakay ako palabas ng kotse. Sinamahan nya ako sa papasok ng gate. Napamangha ako sa laki ng garden nila. Sadyang napaka-ganda at hindi ko maiwasang tumigil sa paglakad habang tinatanaw ang paligid. Napatigil lang ako nang nakita ko si Yuri na dinudumog ng mga babae. Nakita ko rin ang ibang babae na familiar sa akin at isa sila sa mga celebrity ng hollywood at ang iba naman ay sa Pilipinas. Napaiwas ako ng tingin nang napatingin sya sa akin habang kausap ang mga babae. Umiinit na naman ang pisngi ko.

"Tayo na sa loob, Miyu.", sabi ni Paul sa akin kaya pumasok narin ako sa loob.

Sinalubong kami ni Jake at sinabihan si Paul na sya na lang ang bahala sa akin. Pinakilala ako sa kanyang mga kaibigan at the same time classmates nya pero isa lang ang naalala ko sa kanilang lahat si Janice ang ganda kasi nya at super biboo na babae. Nasa kanya ang banat, in short madaldal syang babae pero may sense naman. Nakakatuwa talaga sya. Nagsalo-salo kaming kumain. Iniwan din naman ako ni Jake dahil ginigreet pa sya sa mga artista. Sayang nga lang umalis na si Hugh Jackman. Hindi man lang ako nakapagpa-autograph kaya medyo malungkot ako. Sayang ang pagkakataon..huhuhu..

Matagal din kaming nagchikahan hanggang sa sampu nalang kami don sa loob ng bahay nila. Nagsimula na sila mag-inoman except me. Alam nyo naman mabait akong tao eh! Hindi talaga ako umiinom! Echos lang! Kaya nga pinainom lang nila ako ng red wine. Una ay tinanggihan ko ito pero pagtikim ko nito. Masarap pala! Matamis ang kinuha ni Jake para sa akin. Nakalapag kaagad ang isang glass of wine sa harap ko.

"Gaming time guys! Truth or Dare!? Jake! Give me some bottle. Ako ang unang magtatanong huh!", sabi ni Janice at binigay kaagad ni Jake ang walang laman na bote.

SPINNING...!!!!!

THEN UNTIL IT STOP....

Sino kaya ang naturo? Si jake, si Janice o si Miyu?? Find out on the next part. please like below!!

"I'm Trapped!" BOOK 2 (FIN) BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon