Part 46 "5th Month"

1.1K 20 0
                                    

~~>>Dedicated to jirenboneta..😉😉😉

Malapit ko na pong tapusin ang storyang ito at pagnatapos na ay mag update narin po ako agad sa book 3. Salamat po sa sumusubaybay at nagtatyagang basahin ang nobelang ito. Arigato Gozaimasu!

Paki-add nyo narin ang bago kong nobela.

"Ang Popular Boyfriend kong Pervert."

Ito ay storya ng pinsan ni Miyu na si Shelley Yuna na nag-aaral sa Japan. Marami po kayong matutunan sa Japanese culture, honorifics and most especially sa mga highschool students doon.

Jaa mata! (See you!)

•AsHoRiE•

~~~

Nambilog ang aking mga mata nang nakita ko si Yuri sa tabi ko. Hindi ko matandaan o anong oras akong nakatulog. Ang alam koy umiiyak parin ako habang yakap si Yuri nong gabing yon. Bumangon ako at nalaman kong nandito pala ako sa kwarto ko. Kahit ilang beses na kaming magkatabing matulog ay hindi ko parin maiwasan na mailang sa kanya, siguro dahil hindi pa kami kasal. Tatayo na sana ako ng hinila nya ang braso ko upang mahulog ulit ang katawan ko sa kama. Yakap-yakap nya ako sa likuran.

"Y-yuri..?"

"Hmm? maaga pa naman eh! Dito ka lang muna. Wala naman akong gagawing hindi mo magugustuhan."

Napanguso ako. Nagdadahilan pa to! Parang wala kaming problema ah! Well, Yuri getting used to it. Matagal na sya sa industriyang ito kaya sanay na ito sa mga isyung bumabatikos sa kanya.

"Rest assured. I will clear all this mess."

Alam nya talaga na nag-alala ako sa isyu namin ni Yuri. Hindi ko pa sinasabi ang nararamdaman ko ngunit nahalata nya kaagad at binigyan pa ako ng assurance na he will take care of it.

"Yuri?"

"Hmm?"

"May ESP kaba?"

Humagigik pa to ng tawa. Kumawala muna sya sa pagyakap sa akin kaya nagkaharap na kami sa isat-isa. Tumingin sya sa aking mga mata at pana'y punas ang buhok ko.

"Especial Super Powers ka mo? Why can you say that?"

Yumuko ako sandali at tumingin sa kanyang mga mata.

"Alam mo kasi ang nasa isipan ko eh!"

"Maybe because I love you so much, Miyu.", direktang sagot nya sa akin.

Nasorpresa ako sa sagot nya. At dinagdag pa nyang.

"I can't stop thinking of you, Miyu. All the insecurities you have felt inside, I will do my best to get rid of them para lang makasama kita habang buhay."

Napayuko ako ulit. Hindi ko sya magawang tingnan. Uminit kasi ang pisngi ko at isa pa't nakakanosebleed din yong mga salitang binitawan nya. Natunaw na ako sa mga sweets word nya. Sino ba namang hindi matotouch non? Ang sarap pakinggan, lalo na galing ito sa taong mahal na mahal mo ng sobra sobra. Natanong ko tuloy sa sarili ko kong sinasabi rin ba nya ito sa mga babae nya noon?

Napalingon ako sa kanya nang bumangon na ito at napaupo malapit sa headboard ng kama.

"By the way, ano bang sinabi ni Kris sayo nong binuhusan ka nya ng wine?"

Bahagya akong ngumiti. Bumangon narin ako at sumandal sa kama katabi nya.

"Wag munang isipin yon. Hindi naman importante."

"Well, alam ko namang sinisiraan nya ako sayo kahit hindi mo pa sabihin."

Nakokonsyensya na tuloy ako. Kailangan din naman nyang malaman kong anong sinabi ni Kris Lana sa akin kaya naglakas loob akong sabihin na.

"Ahmm.. sabi nya na ginagamit mo lang ako because of trending ang show natin, kapag nalaos na ay itatapon mo ako na parang isang basura kagaya ng ginawa mo sa kanya."

Napakagat-labi sya. Kumunot narin ang noo nito. Ilang beses ko na rin nakita yon mula sa kanya. Simula ng magkarelasyon kami ni Yuri. Nakikita ko na halos lahat ng ekspresyon nya dahil narin nagsasama kami sa isang bubong.

"That girl really did say that huh..."

Hindi na ako umimik pa. Tumayo na si Yuri at sinundan ko sya ng tingin. Hindi ako nagtanong kong saan sya pupunta. Alam kong magpapress-conference ito ngayon upang matigil na ang isyu namin dalawa. Ilang araw din akong hindi pumasok sa skwelahan. Nang medyo mahina na ang isyu ay pumasok na ako sa skul namin.

*Sneak Peek She's Book 1 Part 13 "Luhaan"

Pagkatapos ng interview ay may panibago na naman kaming isyu ni Yuri. Pinalabas kasi nila na nakahubot-hubad ako sa kwarto ni Yuri. Nahimatay ako noong gabing yon dahil nagdouble time ako sa aming thesis. Umabsent kasi ako ng ilang araw kaya naghahandala kuba na ako sa rami ng ginagawa.

Nang pauwi na kami sa Apartment, pana'y comfort ni Yuri sa akin habang nakasakay kami sa sasakyan. Ramdam ko ang pagmamahal nya sa akin. Pinakita nya sa akin na kaya nyang panatilihin matatag ang relasyon namin dahil anong oras ay babagsak na ako dahil sa nangyari kanina.

Unang lumabas si Yuri nang nakita nya ang manager nyang si Lola na nag-aabang sa entrance ng apartment. Kita kong pinagtatanggol nya ako kay Lola kahit di ko naririnig ang pinag-uusapan nila dahil nandito pa ako sa loob ng sasakyan. Pero mali yata na lumabas ako sa van dahil puno lang ng pagmumura ang sinabi ng manager nya sa akin. Tagos hanggang buto ang panlalait nya sa katauhan ko. Para sa kanya, ako ang pinakapangit na nilalang sa buong mundo.

Hindi ko kinaya ang mga salitang binitawan nya kaya pumasok ako ulit sa loob ng van. Nagmamakaawa ako ni manong driver na lumabas muna kami sa apartment. Sa isang iskinita nang nakita ko na ang mga rumaraang jeep at taxi ay nagmamadali akong lumabas para tumakas. Nakasakay agad ako ng taxi habang humahagolgol ako sa pag-iyak. Sa paghawak ko sa mukha ko ay nararamdaman kong namaga na ang mga mata ko sa kakaiyak. Ang nasa isip ko nong oras na yon ay ayoko na! Na tapusin na namin ito! Kailangan na namin magbreak ni Yuri!

Ewan ko ba sa sarili ko kong bakit pa ako lumingon sa likod. Nababakasakali akong sinusundan na ako ni Yuri pero walang Yuri na sumusunod sa akin. Doon ko napagtanto na kailangan na talaga namin maghiwalay upang matapos na ang kalbaryo naming dalawa.

"I'm Trapped!" BOOK 2 (FIN) BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon