Part 47

1K 24 0
                                    

*Sneak Peek Book 1 Part 14*

Miyu POV

Paulit-ulit ko paring naalala ang gabing yon. Mga ilang linggo na nga ba ang nakalipas? Isa,dalawa o tatlong linggo na? Hindi narin ako pumapasok sa skwelahan nang natapos na ang thesis namin ni Ryo. Total malapit na rin ang graduation day at tapos na ang final exam. Nawalan na akong ganang pumasok dahil narin sa mga isyu at mga bumabatikos sa akin sa skul. Kapag nandon ako palaging nagkakagulo ang mga reporters upang malapit at ma interview ako. Buti at palagi parin akong sinasamahan ni Paul para bantayan ako. Simula non, hindi ko na nakita si Yuri. Hindi ko rin sinasagot ang tawag nya. Madalas din syang nagtetext sa akin pero hindi ko man lang nirereplayan. Hinayaan ko nalang malowbat ang phone ko hanggang sa naubusan na ito ng baterya.

Nakaupo ako sa sofa sa living room ni Misaki. Kahit nahihirapan din itong beshy ko na panay din sa pagtanggi ng interview sa labas ng apartment nya ay nanatili parin syang supportive sa akin. Salamat at nakatagpo ako ng bestfriend na tulad nya.

"Besh, kailan ka ba uuwi ha?"

Hindi ako umimik. Nagbingingihan lang ako habang nanood ng TV. Binabawi ko na ngang supportive tong beshy ko. Narinig kong may tinitimplahan si besh at napasulyap ako sa kanya. Nakita kong hawak na nya ang tasa at sa kabilang kamay naman ay kutsarita. Napalingon sya sa akin.

"Alam mo bang nalaman na rin ni Yuri ang number ko at pana'y tawag at text din sa akin?"

Lumingon ako sa kinaroroonan nya. Nakuha narin pala ni Yuri ang number ng besh ko. Paano nangyari yon?

"Hey! Alam kong iniisip mo! You know Yuu have a lots lots of connections. Matagal na kaya syang may number sa akin. 3 weeks ago pa!"

Hindi ako nakapagsalita. Kilala na nga ako ng beshy ko. Kahit konting kilos ko lang alam na nya kong anong gustong ipahiwatig nito.

"Besh miss ka na non. Hindi mo kasi binabasa ang mga text nya."

Bumalik ako sa aking posisyon para manood ulit ng tv at hindi pinapansin si Misaki. Minsan naiirita narin ako dahil palaging binabanggit nya si Yuri dito, Yuri doon. Paano ko makakalimutan ang lalaking yon kong palagi namin pinag-uusapan si Yuri?

"Oi! Hindi mo narin ako papansinin. Kapag isang araw na pupunta yon dito sa apartment. Hindi talaga ako mag-atutubiling papasokin sya rito."

Lumingon ako ulit kay besh na naiiritable.

"Sayo nalang kaya sya. Palagi nalang kasi. Walang ni isang araw na hindi mo sya binabanggit sa akin."

Sarkastikong tumawa si Misaki. Tinapos muna nyang inumin ang kape at nilagay sa mesa bago bumalik sa harapan ko.

"Wow ha! Thank you besh ha! But no thanks! Inlove sa yo ang superstar na yon. Ano ako! Gagawin mong panakip butas! Kahit crush ko yang boyfriend mo. Never! Never! Over my dead body!"

Natawa nalang ako sa reaksyon nya. Choosy pa ang peg. Hindi nya daw gusto maging panakip butas! Napatakip ako sa bibig dahil hindi ko mapigilan ang tawa.

"Yan! Tumawa ka narin sa wakas. After 3 weeks you can laugh now."

Tumigil ako sa pagtawa. Lumapit narin ang beshy ko at umupo na sa tabi ko. Nakatingin sya sa akin na puno ng pag-alala.

"Kasi naman besh simula nong nangyari hindi kana ngumingiti at tumatawa sa harapan ko eh. Sobrang nag-alala na ako sa iyo."

Niyakap ako ni besh ng mahigpit na mahigpit. Hindi ko namalayan na may botil na tubig na pala sa mga mata ko. Natouch kasi ako sa sinabi ni beshy. Bumitiw na sya at bigla nalang akong sinapak sa balikat.

"Aray! Bakit ka nananapak!?"

"Kaw naman kase eh! Payo ko naman sayo dati di ba na magpabuntis kana kay Yuri at para magkaanak na kayo tapos magpakasal na and you will live happ--"

Pinutol ko sya sa pagbatok rin sa kanya bilang ganti ko. Ito talagang beshy ko walang bukambibig kundi palaging S**.

"Aray! Besh! Nilakasan mo yata ah!"

"Napaka-green mo talaga at hindi naman madaling gawin yang sinasabi mo ano?"

Kinakamot pa nya ang kanyang ulo kung saan ko binatukan bago sya nakasagot uli sa akin.

"Madali lang yon noh! Muntikan na ngang may nangyari sa inyo di ba!?"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Misaki ang lakas ng pagkakasabi nya baka marining pa kami sa kapitbahay.

"Ang lakas talaga ng boses mo, besh! At alam mo namang hindi pa ako ready sa ganyang bagay lalo na ang pagpapakasal."

"Wag kang magsalita ng tapos besh. Yuu will do everything makuha ka lang nya. Tandaan mo yan."

Nagring na ang telepono ni besh. Tiningnan muna nya ang screen ng phone at nanlaki ang mga mata naming dalawa na si Yuri ang tumawag. Kukunin ko sana ang phone upang hindi sagutin ni besh pero huli na ang lahat at napindut na nya ang accept button.

"Hello Yuu! Oo nandito sya."

Tumanggi na ako bago paman nya ilapat ang phone sa akin.

"I loud speaker ko nalang besh if hindi ka makipag-usap sa kanya."

Narinig ko ulit ang boses ni Yuri. Hindi ko akalaing ang lalim pala ng boses nya kapag nasa phone.

"Miyu, listen to me. I know, ayaw mong makipag-usap ngayon sa akin. I told you I will settle this mess, one of these days, I'll pick you up there okay. I miss you and I love you."

Napabuntong hininga ako nang pinutol na nya ang tawag. Napatingin si besh sa akin at hinahagod ang likod ko.

"Besh I hope ready ka na kapag pumunta na sya dito. You have to be prepared."

Tumingin ako sa mga mata ni Misaki sabay tumango sa kanya.

"I'm Trapped!" BOOK 2 (FIN) BTSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें