Alaala 1

1.9K 46 1
                                    

Sumunod na araw ganon ulit ang naging routine ng pamilya. Maaga gumising, pumunta ng palengke, nagbukas ng tindahan at natulog ang kambal, ginising nalang kapag malapit na pumasok. Kumain naligo at naglakad, pumasok ulit ang kambal.

Sa school nagsimula na nila makilala ang mga teachers nila sa ibat ibang subject at kada subject kaylangan nila ulit magpakilala at magkwento ng tungkol sa kanila sarili.

Nena: ano ba yan nakaka inis naman kada subject kailangan magpakilala.

Nina: uu nga eh.

Matatapos na ang klase ganon parin ang routine nila, magpakilala.

Hanggang sa sabayan na si Nena ng mga classmate sa pagsalita niya ng andres bonifacio joke.

Nena/classmates: ako si Nena, atapang atao
Aputol a kamay, hindi atakbo.
Aputol a paa, hindi atakbo.
Apugot a ulo, hindi atakbo
Alang uten kaya matulin atakbo.

Sa isip ni Nina: kabisado na ng mga classmate natin ang andres bonifacio jokes mo hahaha

Nagturo kaunti ang huling teacher tapos nag uwian na.

Sa isip ni Nina: sana ganto nalang araw araw no?

Sa isip ni Nena: grabe nakakasawa magpakilala ha tapos gusto mo araw araw ganito ang mangyayari? Grabe

Nina: hahaha

Nena: asar ka ha.

At umuwi na sila.

Lumipas ang maraming araw at tila normal naman ang mga araw na nangyari.

Naging normal narin sa kambal na makita ang studyante na babae na puti ang buhok kada titignan nila ng ikalawang beses ay tila naglalaho.

Normal narin palagi ang pagpapakita sa kanila ni Mang Dodi ang guwardiyang multo, pati ang pagpapakita paminsan minsan ni ng kaluluwa ng teacher na si Miss Delarosa sa ibat ibang parte ng school ay tila normal na parte ng araw araw na pag aaral ng kambal.

Pero isang araw nakita nila ang isang grupo kaschoolmates na tila masama ang tingin sa kanila.

Sa isip ni Nena: umagang umaga ano kaya problema ng mga ito?

Sa isip ni Nina: ewan di ko rin alam.

Hanggang sa canteen e tila sinusudan sila ng grupo nato. At masama ang titig sa kanila habang kumakain.

sa isip ni Nena: hindi ko na matake ang grupo nato, patulan kona to.

Sa isip ni Nina: wag, puro tingin lang naman sila eh. Hayaan mona, mapriprincipal office ka pa niyan kapag pinatulan mo eh.

Sa isip ni Nena: pagbigyan mona ko kakausapin ko lang, ngayon na sa kanila na kung ano gagawin nila edi don tayo, kung makikipagusap edi makipagusap kung away edi pagbibigyan ko sila.

Sa isip ni Nina: hahaha di naman kita mapipigilan, back up moko.

Sa isip ni Nena: ok tara.

Lumapit na ang kambal sa grupong yon at nangunguna pa si Nena.

Nena: ano ba problema niyo at ang sama niyo makatitig sa amin ha?

Schoolmate 1: so hindi niyo kami naalala?

Nena: hindi eh.

Schoolmate 2: talaga? Last year lang magka classmate tayo di niyo na kaagad kami maalala?

Nina: pasensya na at di namin kayo maalala, may nangyari kasi sa amin lastyear at dahil doon ay di namin maalala lahat maski anong nangyari o pangalan di namin talaga maalala.

Schoolmate 1: maupo muna kayo dito, dito na kayo kumain at ikwekwento namin sa inyo ang nangyari last year bago kayo umalis ng last grading.

Sa isip ni Nena: oo nga no dapat naisip natin itanong sa mga naging classmate natin ang nangyari.

Sa isip ni Nina: di bale ikwekwento na nila. Nakaka curious.

Schoolmate 1: ako si Camille, siya naman si Joy, si Paula, si Precious, si Marie, si April.

Nena : nice to meet u again sensya na wala talaga kami maalala.

Camille: magka classmate tayo Nena nina Joy at Paula

Precious: tapos ikaw naman Nina ay magkaka classmate tayo ni Marie at April.

Nena / Nina: ah ganon pala yon. Sige tuloy niyo lang ang kwento.

Camille: ako muna magkwekwento, magkakasama tayo lahat, girlscout kasi tayo, isang beses nag overnight tayo dito sa school. Sa likod ng Big chapel, Masaya tayo na nagbobonefire, nagkwekwentuhan ng kung ano anong kwentong barbero, habang kumakain ng mga baon na tsitsirya at mallows na akala natin kapag nasunog ay masarap yon pala ay hindi hahaha.

Precious: mayroon pa tayo iba kasama kaso dahil masyadong gabi na ay nagsitulugan na sila dahil may pasok pa bukas at tayo nalang ang natira. Noon una puro kulitan lang ang kwentuhan natin, hanggang sa mauwi sa kwentuhan ng katatakutan.

Joy: tapos naisipan ko maglaro tayo ng taguan tutal bilog na bilog naman ang buwan at maliwanag ang sinag na nagmumula sa buwan kaya maliwanag ang paligid.

April: mapuno ang likuran na bahagi ng Big chapel. At sa tapat nito ay andon ang dating school building, Siguro dahil sa lagi tayo nagkakahanapan ay napagpasyahan ng ilan sa atin na magtago sa loob ng old school building 3 palapag lang ito pero pahaba kaya malaki rin ito.

Marie: na atsoy niyo nga ako dahil sa loob tayo naglaro.

Nena: haha laging taya, so umayaw kaba?

Marie: ganon na nga, ang chubby ko no ang hirap tumakbo at maghanap, madilim kaya sa loob lalo na sa hallway, ang nasisinagan lang ay ang mga bintana sa kwarto. Kaya umayaw ako. Bumalik nalang ako sa bonefire natin at kumain.

Paula: at yon nga nag ulitan tayo at ako ang naging taya. Nagsitaguan ulit kayo sa loob ng old school building. Una ko nakita si Joy nagtatago malapit lang sa bukana, madugas eh tapos si April sunod ko nakita, tapos si Camille, tapos si Precious. Pero maski ano kong gawin ay hindi ko makita kayong kambal. Nakakarinig ako ng mga yabag o tunog ng paglakad, minsan pagtakbo sa ibat ibang direksyon, sinusundan ko naman pero wala talaga ako makita. Sa sobra tagal ko paghahanap e naisip ko baka napagtripan nako ah. Kaya lumabas ako ng old school building at nagtungo sa bonefire at tinignan ko kung andon na kayo pero wala.

Camille: at bigla umihip ng malamig ang hangin ninerbiyos kami lahat ng sabihin ni Paula na hindi niya kayo makita. Napagpasyahan namin magtulong tulong hanapin kayo. Nagpartneran kami, ako kasama ko si Paula, si April kasama si Marie, si Precious kasama si Joy at muli kami nagtungo sa old school building at hinanap namin kayo.
Kami ni Paula nagtungo sa third floor, si Joy at Precious naghanap sa 2nd floor. Si Marie at April naghanap sa 1st floor, inisa isa namin ang bawat kwarto para siguradong wala kami makakaligtaan, ngunit hindi parin namin kayo makita, muli kami nagkita kita sa first floor at talagang kinabahan na kami ng hindi namin kayo makita.

Paula: kaya napagpasyahan na namin sabihin ito sa ating scoutmaster na si Mr. San Jose. Kaya dali dali namin siya pinuntahan sa tent niya at ginising. Dali dali naman siya bumangon at nagbihis at saka namin ikinuwento sa kanya ang nangyari.

-----itutuloy-----

Mga PamahiinWhere stories live. Discover now