Bare with me.. do you the readers want know somethings about me? If you want then read this chapter. If you dont care then you can skip this.
Ok lets start
una sa lahat SOMETHING ABOUT ME, im 35 yrs old and going to be 36 next January. Very Single at wala rin po anak. Lagpas 6yrs na ako wala Gf or relationship huhuhu siguro sobrang malas lang, o sadyang hindi ako magustuhan ng maski sinong babae, hindi po kasi ako gwapo, isa pa mataba po kasi ako, hindi ako nagsusukat ng baywang ko, pero to give u some idea kung gaano ako kalaki ang size ng damit ko na sinusuot ay 3xl to 5xl. so if u want to tell me that im ugly its ok i accept it. Aminado naman ako eh hehe
I live at Manila halos boundary na siya ng Manila at ng Mandaluyong. Kaya laking Manila at Mandaluyong ako.
I still live with my Parents, i love them so much. Maski senior na ay nagtitinda parin. Hindi po sa amin ang lupa ng bahay namin, but we have the rights at inaasikaso naman ng assocation, hopefully sana mapa sa amin din ito.
Hindi naman ako mayaman, kaya eto nagwowork din ako, un nga lang hindi kalakihan ang sweldo ko, siguro sapat lamang ito sa amin ng parents ko para sa pang araw araw.
Well simula pagkabata hilig ko na talaga gumawa ng mga storya, bunga na rin siguro ng mapaglarong imahinasyon at mga influencia tulad ng mga komiks, lalo na ang Funny Komiks lalo na storya ni Combatron at un komiks na Kick Fighter, pati narin un mga black and white na marvel komiks na pinirata hahaha pero ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang mga horror komiks tulad Gabi ng Lagim, Halimaw at marami pang iba. Nahilig ako sa pagnood ng mga horror movies, time pa ng Beta or Vhs hehe, pero hindi lang basta horror movies ang nagustuhan ko, marami din Genre, pati sa anime at cartoons nahilig ako, in short napakahilig ko manood, kaya minsan gumagawa ako ng mga mini komiks, pero karamihan hindi ko natatapos ang pagdodrawing hehe. At kadalasan naman ay natatapos ko sa pagsusulat sa mga note books, at nang magkaron ng computer ay naibackup ko ang mga storya ko sa microsoft word.
Ng magkaron ng maayos na cellphone ay sa Notepad na nagsusulat haha pero ang lahat ng akinv storya ay itinatago ko sa computer.
Sinubukan magbenta ng storya maski concept muna pero hindi magustuhan ng mga network. Alam niyo na kadalasan kasi ng gusto nila storya ay puro drama at realistic. Kaya nga ang tawag nila ay Teledrama haha
Karamihan din kasi ng storya ko nagagawa ay Fantasy at Horror genre.
Minsan natatakot din ako na baka pagnaisapelikula o gawin teledrama na ay pumangit..
Kaya ayun nakatago lamang sa baul sa aking hardisk.
Pero minsan nakabasa ako na maaring kumita ka sa pagshe share ng storya.
Sinubukan ko muna sa Facebook noon, parang may groups noon na para sa paghahanap ng mga kasintahan, medyo ang karamihan doon ng miyembro ay may kabastuhsan. So sinubukan ko ibinagay ko ang storya na ginawa ko para sa kanila. Ang storya na yon ay Rated X talaga. To give u an idea sa storya na yon ay Tungkol ito sa isang Lalaki na mahirap na nakatira sa squater, pinalayas sila sa at kinuha ang lupa nila. Pinagtayuan ng negosyo na apartment ang lugar nila. Ang may ari ng Apartment ay ang tatay ng nililigawan niyang babae. At di nagtagal napa sa kanya ang apartment, pero ang kalahati ng kita ay ibibigay niya sa may ari At sa apartment na yon gumagawa siya ng mga ilegal na bagay, at isa na doon ang pakikipagtalik sa nga may kagustuhan na tumira. At pumatok naman ito mala xerex ang dating, inaabangan nila ang mga kasunod. Un nga lang hindi nagtagal nawala ang Groups and sadly hindi ko na naipost ng buo.
Hindi ako kumita pero nag enjoy ako, naghanap pa ako ng ibang website na pede ko pagsulatan ng storya.. pero lahat ng nakikita kong website ay puro walang kita haha saklap.
Hanggang sa makita ko ang isang commercial ng isang tv series na kung saan ay storya ay kinukuha sa wattpad books. At mukhang interesting kaya muli ko naisipan magshare ng stories in hoping na sana mapansin din ang mga ginawa kong storya.
Sadly hindi parin napapansin haha pero i still enjoy sharing my stories.
Una kong nagawa ay Storyang Mata.
Dati ko na siyang storya na inayos ko lang at mas hinabaan at pinaganda, pero still maikli siya.Then naisipan ko gumawa ng storya tungkol sa mga Pamahiin, dahil mahilig ako sa mga Pamahiin. Sinunod ko ang storya kong Maria Labo pero di ko masyadong maasikaso dahil medyo na stack ako dito sa pamahiin hindi ko inaasahan na maganda ang magiging reaction ng mga readers. Tila naprepressure ako ng husto. Kasi ang totoo ay hindi ko naman kasi tapos ang storya na to hindi siya dating nagawa na storya ko na nakatago lang at inaayos lang, its an ongoing stories kaya medyo mahirap ang process ng pag gawa ko ng storya sa libro na Pamahiin.
At itong mga nakaraan araw medyo busy talaga ako sa work, nakakapagod sobra kaya minsan pag uwi ko natutulog na lang ako, kaya minsan halos sunday na lang ako nakakagawa ng chapter ng Pamahiin.
Napakarami ko gusto ishare na stories sa inyo aking mga readers kulang lang talaga sa time.
At itong nakaraan araw nakita ko may bago sa Wattpad at eto ang pagsupport sa mga Writers, Beta testing palang ito kung saan pede magbigay ng Donasyon ang mga readers sa mga favorite nila na Writers.
At etong buwan lang sobrang Saya ko at umabot na ng 1 Thousand ang aking Followers.
Masaya naman siguro kayo sa aking effort at mga inilalabas na mga storya.
Hindi naman ako nanlilimos pero ikaw mismo what do you think do i deserve more?
Hindi ba maaring mang hingi man lang ako ng kaunting donasyon?
Wala naman po sapilitan ito, di ko pinipilit lahat ng readers ko, naku lalo na sa panahon ngaun, marami ang naghihirap. Ang sa akin lang naman kung mayroon mayaman diyan ako na readers, o maybe nakakaluwag luwag, may extra money to spent or share, baka naman sana mabahagian niyo ako ng maski kaunti.
Para sulit naman ang pagod ko o mas lalo naman ako ganahan sa pagsusulat at pagshare ko ng mga stories ko.
In exchange sa donation i will do what you want.. maybe if you want to suggest a topic for stories i will be gladly make it.
Maybe share some personal drawings or artworks i'll be glad to give it to you
Alam ko di naman ako sikat pero if u want a creative Fan Sign pede rin hehe, hindi nga lang ako gwapo pero pede naman siguro na maski wala ako sa pic hehe. Kapakalan ko na mukha ko if u want to meet me at makakwentuhan ako maybe take some pictures with me ay ayos rin sa akin.
Pero with or without donation i will still continue to share my stories, yon nga lang syempre mas masaya ako kung kumikita din ako maski paano sa pagsheshare ng stories.
Actually Hindi ko pa alam kung paano magdonate dito, parang mau coin shop eh, not sure kung paano kasi bago pa lang.
But to those readers na may magandang kalooban, offcourse hindi ko sinasabi masama loob ng iba, ang sinasabi ko lang ay yon mga readers na willing magdonate sa akin pede niyo ako iprivate message at pagusapan kung paano ang ways to donate.
Sensya na wala pa ako experience sa pagdodonate eh.. dugo pa lang ang alam ko idonate haha
Sana naintindihan niyo ako, at Promise sa lahat ng magdodonate ng maski magkanong halaga ay hindi po kayo magsisise.
And to celebrate narin for having 1thousand followers maybe i'll make 20 or more Creative Fan Sign maski wala donation. Yon tipong drawing or letterings lang ng names niyo hehe so sa mga may gusto please kindly comment your name.
Salamat pa pagtiyatiyaga magbasa.
MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG AKING MGA READERS, PATI RIN SA MGA SILENT READERS, SALAMAT SA MGA NAG AADD NG MGA STORIES KO SA PLAYLIST NILA, LALONG LALO NA SA MGA READERS KO NA NAGCOCOMMENT AT NAGVOVOTES SA BAWAT CHAPTERS NA PINAPUBLISH KO.
YOU ARE READING
Mga Pamahiin
HorrorIto ay mga short story tungkol sa mga kinagawian, mga pamahiin at mga kasabihan na ating kinamulatan, maaring mga luma ito at kinalimutan na, o maaring hanggang ngayon ginagawa o sinusunod parin natin ito, at may mga bago din naman. Puno ang bawat s...