Late End

643 16 2
                                    

Mon: at inilapag ni Glen ang resignation paper sa lamesa ng owner at lumabas na siya, bigla naman may nagtext sa owner. Tila nataranta siya at nagmadali. Agad agad umalis. Sa labas nakita ni Glen na malungkot ang mga katrabaho niya. Pero nagawa pa niya patawanin sila, may ilan naman naiyak lalo, niyakap siya at nagpa alamanan na sila. Para kay Glen naman ay..

Glen: naku wag kayo malungkot magkikita pa tayo, subukan ko kayo imbitahan lahat sa binyag o di kaya sa first birthday ng anak ko.

Mon: Maski ako nalungkot, pero  tinanong ko ang manager kung bakit nagmamadali ang owner namin. Sabi ng manager.

Manager: naaksidente ang kaisa isang anak niya na babae, syempre nag iisa lang yon kaya nagmadali siya.

Mon: sabi pa ng iba katrabaho namin, karma na daw yon ng boss o owner namin dahil for being asshole. Nagreact si Glen na ikinagulat namin.

Glen: wag wag ganon. Wag kayo ganon, masama yan, ang mag isip ng masama sa kapwa ay hindi tama. Maski tinanggal niya ako e wag kayo magagalit sa kanya he is just doing his own job. Ganon talaga ang mga boss o owner mahigpit sa trabaho kaya intindihin niyo nalang, Pero itong si Manager ay iba maraming salamat sa lahat ng tulong sana magkaron ka ng sarili mong branch some day.

Manager: haha salamat at sana nga magdilang anghel ka. Alam mo swerte mo lang at naiintindihan kita. Lets just say noon nag aaral ako maski halos katabi na ng bahay ang school ko ay nale late parin ako.

Mon: at nagtawanan halos ang lahat ng crew.

Tumawa din ang kambal.

Mon: natatawa kayo Pero its true minsan kun sino pa un malapit sila pa ang na le late. May kilala din ako ganon sa school. Tapos ganon din ang inay niyo..

Bigla lumingon at tumitig ng masama si Ina kay Mon.

Ina: grrrr hindi magkatabi ang bahay at school ko no. Naglalakad lang ako para nakapasok.

Mon: joke lang yon hahaha peace

Nina: haha jokes are half meant true.

Nena: ganon pala si inay haha

Mon: baka hindi tayo pakakinin niyan ok change topic.

Nina: haha sige tuloy mo na kwento mo.

Nena: saka ano nangyari sa anak ng owner.

Mon: ayun nang sumapit ang 5 umalis na si Glen. Ang owner naman ay nakarating na sa hospital. Tinanong ang kwarto ng anak at nagmadali nagtungo sa kwarto ng anak niya. Pagpasok niya sa kwarto nakita niya ang anak niya sa kama kasama ang isang sanggol. Lumapit siya at sinabi ng anak niya na ang sanggol ay ang apo niya. Laking tuwa ng owner kinalong niya ang apo niya. Nang maubos ang kasiyahan niya ay bigla niya naalala naaksidente pala ang unica iha niya.

Nena: ano yon unica iha?

Mon: haha eto ang salitang español na ang ibiy sabihin una o kaisa isang anak na babae.

Nina: ah ok.

Mon: ikunwento ng anak ang nangyari.

Anak: Pa bakit ngayon lang kayo kanina pako umaga nagtext sa inyo?

Owner: pasensya na nalowbat.

Anak: kakalaro siguro ng snake haha

Owner: nalowbat at nagcharge ako kakabukas ko lang kanina at eto nagmadali ako papunta dito.

Anak: ako Pa na hit and run ako, nabangga ang sasakyan ko tinakasan ako ng nakabangga, hindi ko naman nakita ang plate number. at hindi ako makalabas naipit ang isang hita ko, Nagsimula na mag apoy ang harapan ng sasakyan. Buti nalang at may isang lalake tumulong sa akin. Binuksan ang pinto, sinubukan niya ako matanggal kasi di umubra nakaharang kasi ang pintuan, tinadyakan niya ng ilan ulit ang pintuan at nasira ito, tapos dahan dahan niya inalis sa pagkaka ipit ang paa ko. At nakalabas na ako, binuhat niya ako at tapos inilayo niya ako sa sasakyan. Tapos sumabog ang sasakyan. Humihingi ng tulong ang lalake pero walang humihinto na sasakyan. Madami ang nawalan dugo sa akin kaya nawalan na ako ng malay. Nang mapadilat ako nakita ko ang lalake, buhat buhat niya ako at tumatakbo siya. Muli ako nawalan ng malay nang magising ako ay nasa hospital na ako. At tapos na nanganak na ako.

Mga PamahiinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon