Chapter 10

316 4 0
                                    

Kabanata 10


Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na ulit lumapit saakin si Bryle. Maraming beses ko siyang nahuhuli na lumilingon sa direksiyon ko tuwing oras ng klase.

Nagkakasalubong din kame paminsan-minsan sa corridor pero deadma lang naman siya. Kung nasaan siya andoon din si Megan.

Maybe the rumors are true, that they're in a special relationship.

Hindi ko sinunod ang sinabi niya na iwasan si pretty boy dahil wala naman akong nakikitang dahilan. He's not a bad guy and he's the only friend I have among our classmates so I can't see any reason why I should avoid him.

Sa school panay si pretty boy ang kasama ko halos araw-araw. Tuwing maglu-lunch, sa library, hanggang sa uwian magkasama kami dahil maliban sa academics ay panay din ang pag-uusap namin tungkol kay Sassy.

Nagchachat na kase ang dalawa at panay ang tanong niya saakin ng mga bagay na pwede niyang gamitin against Sassy para mabully niya ito. I like his purpose so I keep feeding him with information.

Kani-kanina lang ay magkausap kami ni Sassy tungkol sa progress na nangyayare kuno sa kanila ni Eros. Natapos lang ang usapan namin dahil kinatok na ako ng maid para bumaba dahil nakahanda na raw ang lahat sa labas at kararating lang din daw ng mga bisita.

Ngayong gabi ay ang dinner na sinasabi ni daddy kasama ng pamilya ni Bryle.

Ngayon ko na lang ulit makikita ang mga magulang niya, nakakakaba.

Ang alam ko kase nagalit si Ninang saakin ng nalaman ang pagtataboy ko kay Bryle. Hindi ko nga lang alam kay Ninong. Nahihiya tuloy akong magpakita sa kanila ngayon kahit alam ko naman na ilang taon na ang lumipas at nakikita kong maayos na naman si Bryle.

Itim na dress at puting sneakers ang suot ko. Nakatali ang mahabang buhok at naglagay na rin ng kunting lipstick. Tanaw ko habang pababa ng hagdanan tawanan at lampungan nina Bryle at Megan.

Tsk.

He's wearing a white plain polo. Nakatupi ito hanggang siko at nakabukas ang iilang butones rito. Megan is wearing a white sexy dress na hapit na hapit sa manipis niyang katawan.

I admit. She's beautiful.

Inaayos niya ang buhok ni Bryle habang pinapanood nito ang bawat niyang galaw.

Aw, how sweet.

Yuck!

Nagkunwari akong hindi sila nakita at dumiritso na sa labas malapit sa pool area kung saan nakaset ang aming dinner.

Andoon na halos lahat maliban kina Veronica, Megan at Bryle. Tahimik na nakaupo si Miguel doon habang naghihintay sa lahat. He looked bored.

Nakita ako ni daddy na papalapit kaya't sinabihan niya sina ninang Jett at ninong Leon.

"Ninang, Ninong, I missed you guys!" sabi ko habang niyayakap sila isa-isa.

Mahigpit ang yakap saakin ni Ninang Jett at halos ayaw niya na akong bitawan, "How have you been, Kya? I've always wonder kung ano ang itsura mo ngayong dalaga ka na and I must say, you look exactly like your mom." she said and kissed me in the forehead.

Ngumiti ako sa kanya at nagtatalon habang yumayakap kay Ninong. He've been my favorite since day one. Mas close kami kumpara sa asawa niya dahil sinusuportahan niya lahat ng kabulastugan ko noon.

"Ninooong, I missed you so muuuuch!" niyugyugyog ako ni ninong habang nakayakap sa kanya. Panay ang pagpapaulan niya ng halik sa noo ko kagaya ng ginagawa niya noong bata pa ako.

The President Is The Pranksters ExWhere stories live. Discover now