Chapter 15

331 6 0
                                    

Kabanata 15


Umuwi din si Bryle pagkatapos sabihin ng doctor naming magiging maayos lang ang likod ko. Malakas ang pagkakabato saakin ng bola kaya nakikitaan na ito ng pa-unti-unting pamamaga. Sabi ni doc ganun daw talaga 'yun. Mamamaga daw talaga ang likod ko sa susunod pang mga araw.

Nagreseta na din siya ng gamot na iinumin ko pati ng kung ano ang dapat na gawin at ilapat sa likod ko para mas mapabilis ang pagtigil ng panay na kirot nito.

Kinabukasan ay sermon ni papa ang naging almusal ko. Inasahan ko naman iyon kaya pinalabas ko na lang sa kabilang tenga lahat ng sinabi niya. Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik the whole time.

Maging si Tita Aila ay ibinuhos din ang dissapointment saakin. Humingi naman ako ng dispensa kay Megan pero parang may mali sa pakikitungo niya saakin.

Totoo namang hindi ko sinadya ang nagyari kaya nagtataka ako kung bakit biglang naging malamig ang tungo niya pagkatapos nuon.

I mean, I know we're not close, but she's not cold and snobber either. We were civil. And she treat me better than Veronica. I mean, I like her more than Veronica.

"Megan...."

Sinundan ko ang pagpasok niya sa kusina. Nakaunifrom pa siya at kauuwi lang. Blanko ang mga mata niya ng bumaling saakin.

"Anong ginawa niyo kanina sa school?" masigla kong tanong. Sinusubukan muling timbangin ang pakikitungo niya.

Hindi kami close ni Megan, hindi ng kahit sino sa kanila. Ganun paman, ayoko namang maramdaman na nagagalit pa din siya saakin dahil lang sa isang aksidenting hindi ko naman sinadya.

Napapansin na rin kase ni Daddy ang pambabara saakin ni Megan simula nuon. Lage nalang mainit ang dugo niya saakin. Akala ni daddy nag-away kami pero hindi naman.

Naisip ko na baka iyon nga talaga ang dahilan. Kaya halos araw-araw ko siyang sinusubukang kausapin. Kahit na casual at random lang na usapan.

"Wala. Discussions lang."

Walang gana niyang sagot. Pinapatay ang usapan. Tumango ako at ngumiti. Lumapit ako sa ref at nagsalin ng malamig na tubig.

"Mukha ka atang pagod, ayos ka lang ba? Kung ginugutom ka may meryendang inihanda sina manang kanina, gusto mo ipahanda ko?"

Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay umiling na siya.

"'Wag na. Pahinga lang ako."

Mabilis niya akong tinalikuran at lumabas ng kusina. Uminom ako ng tubig at napabuntong-hininga.

Ganun ang nagiging takbo ng usapan namin halos araw-araw sa loob ng isang linggo. Nagkukunwari akong interesado na malaman kong ano ang nangyayari sa school sa mga araw na hindi ako pumapasok para lang maka-usap siya pero wala namang nangyayari.

Buong linggo akong nanatili sa bahay pagkatapos ng araw na iyon. Hindi ako pumapasok sa kadahilanang masakit nga ang likod ko. Pero ang totoo'y noong nakaraan pa naman talaga magaling iyon.

Ginagawa ko lang rason ang likod ko dahil tinatamad akong pumasok.

Lunes ngayon at absent ulit ako. Noong biyernes sana makakabalik na ako pero dahil nga tinatamad ay lumiban ako, nanatili sa bahay at natulog buong araw.

Noong sabado naman bumisita saakin si kuya Xick dahil nabalitaan niya raw kay Bryle ang nangyari. Magkasama silang dalawa at nagdala pa ng mga prutas.

"Natamaan mo daw ng bola si Megan?" tanong ni kuya habang nagbabalat ng orange sa harap ko, nakaupo sa sofa sa loob ng aking kwarto.

Kami lang dalawa dahil si Bryle ay hindi naman ata ako ang binisita. Mukhang ang Megan niya naman ata.

The President Is The Pranksters ExWhere stories live. Discover now