Chapter 23

15 1 0
                                    

Kabanata 23


Hindi ko alam kung araw-araw ba akong malakas kumain o ngayon lang kase wala pa akong breakfast at lunch kaya sobrang gutom ako.

Sa isang malapit na Mcdo kami kumain ni Bryle. Dalawng chicken fillet ang inorder ko na may kasamang large fries at coke float. Kay Bryle naman ay spicy chicken at sundae lang.

"Dahan-dahan, Kiara." saway niya ng halos hindi ko na nginunguya ang mga kinakain ko.

Shut up! Kasalanan mong napuyat ako at hindi nakapag-almusal kaya dapat ay manahimik ka nalang!

Inirapan ko siya at hindi lang sumagot. Nagpatuloy ako sa pagkain habang siya naman ay panay ang pagtingin saakin.

"Quit staring, Bryle! Mabibalaukan ako kakatitig mo!" umirap ulit ako pero hindi naman siya nagpatinag. Umismid lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Ng kaunting fries nalang ang natitira sa harapan ko ay nakangiti na akong humilig sa backrest ng aking silya. Hinihimas ang busog kong tiyan.

Hindi pa siya natatapos sa pag-ubos ng kaniyang sundae at ako naman ay saaking coce float at fries. May bagong dating na apat na lalaking umupo sa tapat namin. I bet they're college students. Nakikita ko kase sa ID nila ang isang pangalan ng kilalang public college sa lugar na ito.

"Holy fuck!" napalingon ako sa direksiyon nila ng marinig ang malutong na mura mula sa kanilang lamesa.

Napatingin din sila saakin at may isang ngumisi. Nagtaas ako ng kilay.

"Siya nga....I can't be mistaken. That's her." saad nuong lalaking ngumiti saakin sa mga kasama niya.

Ibinalik ko ang atensiyon ko sa kasama ko na madilim na naman ang titig saakin. Pinagtaasan ko siya ng kilay at ngumuso.

"You've been frowning too much since you're with me, too displeased, eh?"

Umirap siya at huminga ng malalim.

"Stop flirting..." sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

What?

Hindi siya makatingin saakin at dinudurog niya nalang ng tingin kaniyang sundae.

"Who's flirting who, Bryle?" umismid ako.

Tumayo na siya at pinulot ang kaniyang cellphone, "Let's just go!" utos niya at hinintay akong tumayo.

Pumulot pa ako ng isa pang fries at kinakain iyon habang tumatayo. Naglakad kami palabas at dumaan sa lamesa nang apat na lalaki kanina.

"Kiara Ramirez?" natigil ako sa paglalakad ng binanggit ng isa sa kanila ang pangalan ko.

Huminto din si Bryle at bumalik palapit saakin. Binalingan ko silang apat.

"Excuse me?"

Tumayo ang morenong lalaki na kanina pa ngumingiti saakin na para bang kilala ko siya.

"Hi!" naglahad siya ng kamay at matamis na ngumiti, tiningnan ko naman iyon, "I'm Niall, remember? Niall Green. Bar. The drumer. Whiskey and Jazz."

Kumunot ang noo ko at pilit inintindi ang mga sinasabi niya.

Mabilis kong inabot ang kamay niya at tumango. Hindi pa din siya natatandaan.

"The drumer..." paalala niya ulit.

Nagliwanag ang mukha ko ng marealized kung ano ang sinasabi niya. Tinitigan ko siya ng ilang segundo at ngumisi.

"Yeah..yeah..I get it now!" humalakhak ako sabay bitaw ng kanina pa pala naming magkahawak na kamay.

The President Is The Pranksters ExDonde viven las historias. Descúbrelo ahora