Chapter 2

34.1K 476 15
                                    

Kirsten's POV

Nandito na ako sa sinasabing address ni Mam Jolynn, akala ko bahay ang papasukan ko, yung mala mansion ang style pero mukhang sa condominium naka tira ang amo ko, buti na rin yun para maliit lang ang lilinisin ko. Pumasok na ako sa loob at sinabi ko sa receptionist kung saang room si Mr. Reece Alan Behlendorf.

"Room 679 mam 6 floor"

"Thank you"

At umalis na ako, ng makarating na ako sa 6th floor hinanap ko kaagad ang room 679, di naman mahirap hanapin ang room ni Sir Reece, nag dadalawang isip ako kung kakatok ako or papasok na lang ako, tutal nasa akin naman ang susi. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 7:00 am palang baka mamaya tulog pa si sir, kinuha ko ang susi sa bulsa ko pag bukas ko ng doorknob dahan dahan kong binuksan ang pinto. Lumingon lingon muna ako baka mamaya may tao ng wala naman akong nakita pumasok na ako at ni-lock ko ulit. Nang makita ko ang kabuuan ng condo nanlaki ang mata ko sa sobrang ganda. Condo ba to? E parang bahay na ang itsura sa laki eh. Lahat ng mga kagamitan modern, nakakatakot hawakan dahil mukhang mamahalin ang mga gamit. Pumunta ako agad sa kusina, napa wow din ako sa itsura nito dahil ang ganda talaga ng kusina, parang bago pa lahat ng mga gamit.

"Ano kayang pwedeng lutuing almusal kay sir."

Pumunta ako sa ref, pag bukas ko ang daming mga laman ng ref. Kumpleto lahat kaya hindi ko alam kung anong pwedeng lutuin. Hmmmppphh!!!! Bahala na nga, isasara ko pa lang ang pinto ng ref ng magulat ako sa sumigaw.

"Who the fvck are you!!!! How did you get in!"

Naninginig ako sa laki ng boses, hindi ako makapag salita.

"Ahm.. I.. Im.. Kirsten Sir yo..your new maid sir."

"WHAT?!! Maid?! I dont need a god damn maid!!"

Napatalon ako sa sigaw niya ulit, kaya dahan dahan akong humarap. Pag harap ko nagulat ako sa nakita ko.

"IKAW?!"

"YOU!!!"

Sabay naming sabi.

"What the heck! Ikaw yung babae kahapon sa elevator."

"Oo ako nga, at ikaw din yung lalaking nasa elevator kahapon! Anong ginagawa mo dito? Pano ka naka pasok sa bahay na to? Mag nanakaw ka no!! OMG!! Mag nanakaw ka nga!! Sir Reece!! Sir Reece!!!"

Sigaw ko, kahit di ko pa nakikita ang itsura ni Sir. Reece.

"Excuse me?! What did you just say to me? Me? Mag nanakaw? Are you sh!tting on me? First, this is my house, pwede kitang kasuhan ng trespassing. And Second hindi ako mag nanakaw, baka ikaw yun dahil nandito ka sa bahay ko, and Third I'm Reece."

Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi niya, sya si Sir Reece?

"Huh?"

Yun lang ang nasabi ko dahil wala na akong ibang masabi sa narinig ko, so sya ang magiging amo ko ng 5 years? Crap! Yang mayabang na yan ang makakasama ko ng limang taon??!!! Waaaahhhhh!!!! Kakayanin ko kaya? Oo naman alang alang sa house and lot. Pero maiisip ko palang na magkakasama kami sa iisang bubong ng limang taon parang di ko na kayang tapusin ang 5 years contract. Aarrgghh!! Bahala na si batman.

"Hey! Are you listening? Your zoned out."

"Huh?"

"Im just asking you if who hired you."

"Si Mam Jolynn."

"Damn that old woman."

"Hoy! Maka old woman ka naman, di pa naman ganun katanda yun makapag salita ka sa kanya. Parang hindi ka tatanda ah, baka pag ikaw tumanda mas panget ka pa kay shrek."

I'm His MaidWhere stories live. Discover now