Chapter 39

13K 204 18
                                    

            Kirsten's POV

Ilang linggo na ang lumipas simula ng may nag banta sa buhay ko, nag hire ako ng tao kung sino ang nasa likod ng mga ito, walang nakakaalam sa ginagawa ko ngayon, nag hihintay na lang ako ng result kung kanino may ari ang gamit na number pinang text sakin. Ang sabi ni Detective Alex tatawagan na lang niya ako pag may nakuha syang impormasyon, pero mag iisang linggo na wala pa din akong natatanggap na tawag. Naka upo ako ngayon sa sala at nanunuod ng T.V wala ngayon sila Reece at ang Daddy niya dahil may aasikasuhin daw sila sa kompanya. Si Mama at Cole naman pumunta ng mall para mamili ng pagkain para sa pasko, habang nanunuod ako ng reality show lumapit ang isang katulong at may iniabot na box.

"Kanino to galing?"

Sabi ko sa katulong.

"Hindi ko po alam mam, binigay na lang sakin to ng guard, ang sabi sayo daw po."

Nagtaka ako, sino namang mag bibigay ng regalo? E wala naman akong kilala dito sa pilipinas na kaibigan ko. Kinuha ko ang box, natatakot ako buksan baka mamaya bomba ang laman neto, pero mukhang hindi naman, magaan ang laman eh. Walang nakalagay na pangalan kung kanino galing kaya medyo kinakabahan ako.  Tinanggal ko na ang balot pag bukas ko naihagis ko ang box at napasigaw ng malakas.

"Mam bakit p.."

Hindi rin naituloy ng katulong ang sasabihin niya dahil sa nakita niya. Ang nakalagay kasi sa box ay isang ulo ng shi tzu at puro dugo, bumilis ang tibok ng puso ko sa nakita ko, pinatapon ko sa kanila ang laman at sinabihan ko sila na wag maingay kanila Reece.

"Itikom niyo lang ang mga bibig niyo hah?

Tumango sila at pumunta ako sa kwarto, nanginginig ako sa takot ng makapasok ako sa kwarto ko. Biglang nag vibrate ang phone ko at sya ulit ang nagtext.

Unknow number:
You like my gift hah?

Dinial ko ang number pero nag out of coverage ang linya.

"Damn it!!!"

Nagpalakad lakad ako sa kwarto, sino ba talaga ang nasa likod ng mga to. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sakin at ginugulo niya ako. Tinawagan ko si Detective Alex kung may nakuha na syang impormasyon ang sabi niya wala pa rin daw, binaba ko na ang phone ko at nag palakad lakad. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin, mababaliw ako neto kakaisip kung sino ang taong nagpapadala sakin ng mga mensahe na to. Alam niya kung saan ako nakatira. Nag bihis ako, kailangan kong kausapin si Tyler, alam kong marami syang koneksyon baka sakaling matulungan niya ako. Tinawagan ko sya, nung una ayaw niyang pumayag dahil busy sya pero pumayag din naman di kalaunan. Sinabi ko g wag niyang sasabihin kay Reece na magkikita kami ngayon. Sinabi niya lang kung saan kami mag kikita at pinatay ko na ang cellphone. Kinuha ko lang ang cellphone ko at lumabas na ng kwarto, nag pasama ako sa isang bodyguard para kung sakaling may mangyaring hindi maganda atleast may susuporta sakin. Sinabi ko sa kanya kung saan kami pupunta at umalis na kami, di rin nag tagal huminto na kami sa tapat ng pagkikitaan namin ni Tyler, pag pasok ko nakita ko na sya, ang laki na rin pala nang pinag bago niya. Umupo ako sa tapat niya, nagulat pa nga sya dahil hindi niya ako masyadong nakilala.

"Ang laki ng pinagbago mo ah."

Sabi niya.

"Salamat pero kailangan ko ng tulong mo, nag hire na ako ng taong pwedeng makatulong sakin ang kaso ang bagal ng impormasyon. Nanganganip ang buhay ko Tyler, kung pwede sana hanapin mo kung sino ang mag ari ng number na to."

At pinakita ko sa kanya ang number na yun, nagulat sya sa mga nabasa niya.

"Alam ba to ni Reece?"

Tanong niya pero umiling ako.

"Kung kinakailangan wag mong sasabihin to kay Reece."

"Bakit naman? Kailangan niyang malaman to dahil buhay mo ang nakasalalay dito."

I'm His MaidTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang