2010

55 12 1
                                    

November 1, 2010

Fela's Side

Ito yung unang araw na nakita ko sya, napaka-pogi nya kinilig ako shet. Killer smile nya pa lang kinilig na ako, pano pa kaya kapag minahal nya na ako? Char!

Never kong inasahan na sa sementeryo ako makakahanap ng poging katulad nya. Gusto ko sana syang  kausapin kaso baka mamaya magmuka lang akong desperada. Ayoko nun bes. Ang cute cute nyang magsindi ng kandila, nakaka-inlove talaga. Mapapansin nya kaya ako? Sana oo, pero sino lang naman ba ako? Isang babaeng hindi nya naman kilala, isang babaeng umaasang sana mapansin nya. Hayy gusto ko sanang tanungin kung ano nga bang pangalan nya kaso nahihiya ako.

Heto ako ngayon, nakaupo sa itaas ng nitso, pinagmamasdan sya at sana hindi nya mahalata. Pinagmamasdan kung paano sya kapoging tumawa, pinakikinggan ang boses nyang musika sa aking tenga. Grabe, na-love at first sight na ata ako sa'kanya. Pogi nya kasi, ang puti, singkit na mata, artistahin, ang hot lang.

Ilang oras na akong nandito sa sementeryo, nagdadalawang isip kung tatanungin ko ba ang pangalan nya. Natatakot kasi ako e, pano kung hindi nya ako pansinin? Ayoko namang mapahiya sa isang poging nilalang na katulad nya, nakakaloka naman kung mapapahiya ang beauty ko. Wag naman sana.

Maya maya pa'y may dumating na magandang babae (don't me, mas maganda pa'din ako pwe!) na yinakap nya. Girlfriend nya ata? Huhu taken na ata si kuyang pogi. Pano ko tuloy tatanungin yung pangalan nya nyan, bantay sarado na sya. Nagtatawanan sila-kasama nung magandang babaeng dumating. Kainggit naman sana ako nalang si ate girl. Sana ako nalang yung kausap nya.

"Fela, baba na dyan uuwi na tayo"

"Ma, maya maya pang konti, please?"

Tinanguan lang ako ni Mama. Sana sabay nalang kaming umuwi hay, asa ulit. Sarap sabihin sa'kanya na 'Wait mo ko please? Sabay na tayo?' kaso nahiya naman ako. Ni pangalan mo nga hindi ko alam e, tas aayain ko pa sya.

So I guess, tititigan ko nalang sya. Hihintayin ko nalang ulit sya next year, aasang sana makita ko syang muli.

Naghahanda na kami nina Lola at Mama ng gamit para makaalis na pero to my surprise, kinalabit nya ako bigla,

"Good bye, see you again next year," sabi nya sabay smile.

Grabe lang kinikilig na talaga ako ng bonggang bongga. Sarap tumili ng todo.

"See you din," I replied with a medyo mahinhin voice para naman hindi halatang kinikilig.

Sayang e, kung kelan pauwi na ako tsaka nya palang ako kinausap. Sana kanina pa, sana tuloy matagal kaming nagkausap.  Di bale na, hihintayin ko nalang ulit mag November 1 next year. Sana bumilis na mag Undas para makausap ko na ulit sya.

Tuwing UndasWhere stories live. Discover now