2011

48 8 4
                                    

October 31, 2011

Hey, hey Fela heree! Sobrang excited na ako tomorrow, yes it's undas na. I wanna ask his name na talaga. Inipon ko talaga yung lakas ng loob ko. Para makausap sya.

Kanina pa ako pagulong gulong sa kama, hindi kasi talaga ako makatulog sa sobrang pagkaexcite. Halata naman diba? Pero I'll try my best na matulog na, ayokong magmukang zombie bukas. Pinaghandaan ko yung araw na yun.

"Fela, tulog na, keri na yan bukas" sabi ko sa sarili ko. Sweet dreams to me.

November 1, 2011

This is it pancit. Yung pinakahihintay kong araw. Medyo natatagalan na ako sa byahe namin, traffic e. Alam nyo yung feeling na parang hindi ka na talaga makapaghintay ganern, ganun yung nafefeel ko.

Naisip ko lang bigla, pano ko sya kakausapin? 'hi?' o 'hello?' Ewan, pano nga ba? Bahala na ang tadhana.

Sooo, eto na kami, papasok na kami sa sementeryo, eto na talaga. Medyo kinakabahan ako, medyo lang naman. Pano kasi kapag may nangyaring hindi maganda? Hays ang hirap talagang maging nega.

As we arrive, sya agad yung napansin ko. Mas pumogi sya, he looked more mature. Ngayon palang ang pogi nya na, what if sa future edi mas lalo na.

Nagulat ako nung magpunta sya sa place namin. Magkatapat kasi yung puntod namin kaya ayun. Nagulat ako nung nagmano sya kay Mama (sweet naman ng future boyfriend ko. Char!)

"Good Morning po Tita, at pati narin sa'yo Miss?" He said sabay tingin sa'kin.

"I'm Fela and you are?"

"Jared" Kaloka pangalan palang bes nakakakilig na.

Inaya ko sya dun sa may taas ng nitso, my usual spot. Buti naman at pumayag sya. Yessss, sobrang kinikilig na talaga ako. Yung feeling na nakatabi mo si crush, diba bongga.

Bakit kapag kasama ko sya, ang bilis bilis ng oras. Siguro mga 3 hours na kaming nandito at nagkekwentuhan pero hindi ako nabobored kasama sya. Funny nya kasi e, yung lalaki talaga na may sense of humor, nakaka-turn on.

"Fela, gusto mo ba ng scramble?"

"Libre mo ba?" Pabiro kong tanong sa'kanya.

"Sige ba" he said sabay tawa.

Sa bawat pagdaan namin, napapatingin yung iba. Pogi kasi ng kasama ko, artistahin.

"Manong, 2 nga po" sabi nya kay manong na nagtitinda

"Kay ganda naman ng nobya mo iho," sabi ni manong kay Jared habang nagscoscoop ng scramble namin.

Emerghed, muka na ba kaming couple? Bagay kami eh haha. Pero yung feeling ko na parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko, si manong kasi. Kinilig tuloy ako ng bongga.

"Si Manong talaga galing mag-joke,"
kahit feel na feel ko nang maging 'girlfriend kuno' nya.

Yung kahit ba sandali ko palang syang nakakasama, parang ang lapit na agad ng loob ko sa'kanya. Close na agad kami.

"Jared, may dusing ka pa," sabi ko habang natatawa at tinuturo yung labi nyang may dumi ng powderna galing sa kinain naming scramble.

"Punasan mo, please" he pleased sabay abot ng panyo.

"Kaya mo na 'yan, tanda mo na" sabi ko habang pinagtatawanan sya. Kasi naman.

Pinunasan nya na yung sarili nya, tas binato pa sakin yung panyo nya.

Gaganti sana ako, kaya lang nabasa nya yata utak ko, alam nya yung balak kong gawin. Naghabulan tuloy kami, para kaming mga bata dito. Good thing na hindi kami naligaw, laki pa naman ng sementeryo.

Yung kahit sa simpleng paraan, napasaya nya talaga yung araw ko. Sulit talaga yung hinintay ko na isang taon para lang makita ulit sya.

Dahil nga masyado kaming napagod, naupo nalang kami dun sa kanila naman.

"Ate, si Fela nga pala," pagpapakilala sa'kin ni Jared dun sa girl na hindi ko alam kung ka-ano ano nya ba yun.

"Hi, I'm Jelica" she said, sabay ngiti sa'kin

Remember yung babae na dumating kako before? Yung inakala kong girlfriend nya? It happened na pinsan nya pala yun. Marami talagang namamatay sa maling akala.

Kasama naming kakwentuhan si ate Jelica (nakiki-ate na'rin ako haha)

"Pwede bang magtanong?" sabi ko sakanilang dalawa.

"Sure, tungkol san ba?" sagot naman ni ate Jelica

"Ka-ano ano nyo yung nakalibing dyan?" since wala namang pic, nacurious tuloy ako kaya bigla kong natanong sa'kanya.

"Lola namin yan, she died because of cancer." si Jared naman ngayon ang sumagot. Yung ngiti nya na parang nalulungkot, siguro malapit talaga sila ng lola nya.

Gustuhin ko mang tanungin at makakwentuhan pa silang dalawa, kaso naman pagabi na kasi at kinawayan na ako ni Mama. Senyas na uuwi na kami, para naman hindi kami masyadong gabihin.

Ang sarap nilang makakwentuhan, yun bang kulang pa yung isang araw. Napakalimitado naman kasi ng oras ko. Tuwing Undas lang kasi.

"See you ulit next undas," paalam ko sa kanila.

Maghihintay nanaman pala ako.

Tuwing UndasWhere stories live. Discover now