2012

24 2 7
                                    

Napakabilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang kasi no'ng huli tayong nagkasama. Pero sa wakas, dumating na yung pinakahihintay kong araw. Yung araw na alam kong magiging masaya ako dahil makakasama kita. Nakakatuwang isipin na sa dinami dami ng tao sa mundo, ikaw ang nagustuhan ko. Ni minsan hindi ko talaga inasahan. Pero sabagay, sabi nga na expect the unexpected.

Pwe Fela tama na nga, napakadrama talaga. Sabi ko sa sarili ko. Nagsusulat kasi ako ngayon ng diary ko. Hirap kaya maalog alog pa. Bumabyahe kasi kami. Since medyo malayo pa naman, nagsusulat nalang ako. Pamapalipas oras lang ba.

Yung feeling na kahit gaano katagal mo hintayin yung isang tao, ayos lang. Kasi kapag nakita mo na yung tao na yun, masasabi mo na worth it pala lahat. Worth it yung tagal ng paghihintay mo na yun.

"Fela, tulala ka na naman. Bababa na," tawag ni Mama. Kung tatanungin nyo kung bakit, lutang nanaman ako iniisip ko kasi si Jared 'ko'. Syempre biro lang haha.

Pagkababa ko nung mga gamit na dinala namin nina Mama, agad hinanap ng mata ko si Jared. Kaso wala pa sya, parang nawalan tuloy ng buhay yung dugo ko. Wala kasi yung taong kukumpleto ng araw ko. Sana dumating sya, sana kasi malulungkot talaga ako ng sobra.

Mga trenta minuto na'rin siguro akong nakaupo, nakatingin sa kawalan. Iniisip kung darating pa kaya sya? Sana oo. Sa bawat taong dumadaan, umaasa akong sana sila na yun, sana sya na yun.

Napaisip lang ako bigla, ano kaya yung dahilan ng Diyos kung bakit ko nakilala si Jared? Ano kaya papel nya sa buhay ko?

Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ko ang pamilyar na mukha. Mukha ng isang taong kanina ko pa hinihintay. Si Jared. Tila nabuhay lahat ng dugo ko sa katawan ng makita ko sya. Habang tumatagal ay mas lalo syang gumagwapo.

Napansin ko ring may hawak siyang gitara, sino kaya kinantahan niya? Sana ako nalang. Agad siyang lumingon sa lugar na kinauupuan ko, at saka ako kinawayan. Napangiti naman ako, hindi nya ako nakalimutan.

Sinenyasan nya ako, kaya naman lumapit ako sa'kanya.

"Hi Fela, gumaganda tayo ah," biro nya sabay tawa. Di nya pa'rin pala nakakalimutan ang pangalan ko, sarap naman sa pakiramdam.

"Ano ka ba naman, matagal na akong maganda," sagot ko sa biro nya sabay tawa. Para naman hindi kami magkailangan diba.

"Lakas ng hangin dito, natatangay na ako," sabi nya, loko talaga to. Pero inaamin ko na kinilig ako sa sinabi nya. Imagine naman kasi na sabihan ka ng 'crush' mo na maganda ka, nakakatuwa sa heart. Kahit pa-joke nyang sinabi yun, may part pa'rin sakin na naniniwalang he really mean it, pa-joke lang sinabi kasi baka nahihiya. Asa nalang ako na sana nga ganun.

"Para sa'n muna yang gitara mo? Mamalimos ka ba?" biro ko sa'kanya. Pwede na kasi syang mamalimos, pulubing pogi.

"Napakasama mo talaga sa'kin kahit kailan," sabi nya habang umiiling iling pa. Kahit kelan talaga.

"Eh, sino ba kasing kakantahan mo?"

"Yung espesyal na babae sa buhay ko," kumirot naman ang puso ko sa sinabi nya. May nililigawan na ata sya, sana ako nalang yun. Swerte naman nung babaeng yun.

"Sino ba 'yun? Nililigawan mo?"

"Hindi nga yata nya alam na may gusto ako sa'kanya, ligawan pa kaya."

Sana kasi ako nalang.

"Kantahan mo nalang ako, kunyari ako yung nililigawan mo dali,"

"Gusto mo ba ikaw nalang ligawan ko?"

"Baliw ka talaga kahit kelan, kanta na kasi" Oo eh, ako nalang pero as if namang masasabi ko. May hiya naman ako sa katawan.

Minsan 'di ko maiwasang isipin ka
Lalo na sa t'wing nag-iisa
Ano na kayang balita sayo
Naiisip mo rin kaya ako

Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdamin pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso
Parang kulang nga kapag ika'y wala

At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo...

"Huy, broken ka ba? Kala ko ba manliligaw ka pa'lang"

"Na-imagine ko lang kasi yung buhay ko kapag wala ka, baka hindi ko kayanin."

"Uy ikaw talaga ang hilig mong mag-joke," tumatawa kong sabi. Hindi kasi matanggap ng sistema ko yung mga pinagsasasabi nya. Jsq

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Bakit, hindi ba?"

"Tsk, tsk" okay, walang kwenta yung sagot nya.

"Pero, in fairness magaling kang kumanta. Medyo lang naman buti nga hindi umulan e"

"Syempre naman, tagal kong pinractice nyan para makanta ko ng perpekto sa harap nya. At mukha namang nagtagumpay ako kasi parang nararamdaman ko na nagustuhan nya." May pangiti ngiti pang nalalaman 'tong unggoy na to

"Sino nga ba kasi yung kakantahan mo?"

"Hindi mo pa'rin ba kilala? Hay ang manhid mo talaga,"

"Ano?"

"Wala, sabi ko tawag ka na ni Tita, uuwi na ata ka'yo" sabi nya habang tinuturo si Mama na kinakawayan na ako.

"Babye na, sana sagutin ka na nyang liligawan mo"

"Sasagutin mo na ba ako?"













Tuwing UndasOn viuen les histories. Descobreix ara