Chapter 4

13 1 0
                                    

Frail's POV

Alam nyo yung nakakainis?

Yun yung umagang-umaga kakarating ko pa nga ng school, eh may inutos na sakin ang demonyong senyorito. Ang lupet lang... Ni hindi man lang ako pinaupo muna sa seat ko. Inutusan ba naman ako na bilhan sya nang breakfast sa McDo... Oh diba ansaya lang.

"Oh ba't ang pangit mo na?" Sabi nitong demonyong senyorito habang tumatawa sa upuan nya. Tsk' sarap nyang upukan

"Tss, mas pangit ka!" sagot ko sakanya.

"Ito'ng mukhang to? Pangit? Oh come on slave you need glasses, blur na yang mga mata mo. " sabi niya

"Woooh!! ba't anlakas ng hangin dito? Feeling ko magkakabagyo ngayon sa kahanginan ng isang demonyito!" sagot ko naman sakanya habang pinapaypayan ang sarili ko gamit ang aking kamay.

"Did you just call me demonyito?" inis nyang tanong.

Tsk, ang bobo nito. Hindi pa ba halata??

"Ooops sinabi ko ba'ng ikaw ha? May sinabi ba akong pangalan? Diba WALA! Tsss feelingero ka rin no? O baka naman natatamaan ka." pang aasar ko sakanya.

"Shut the f*ck up! It's obvious slave. Your looking at me while you said that! It's f*cking obvious!" galit na depensa ng demonyitong senyorito.

O kita nyo na! guilty talaga sya na demonyito sya!

"Bakit kapag nakatingin na ba sa'yo ikaw agad ang sinasabi ko'ng demonyito? Hindi pa pwedeng may pinapatamaan ako'ng iba dyan ah?" paghahamon ko sakanya. Konti nalang talaga Hindi na'to makakasagot sakin eh!

"Tsk! para-paraan mo slave! It's obvious that you did call me demonyito and no one can argue with it. Be ware next time you'll call me that again." cold niyang pagkasabi at tinalikuran ako.

Guilty nga talagang demonyito oh! Pero sayang muntik ko na sana syang hindi mapasagot kanina.

Umupo nalang ako sa upuan ko habang nanghihinayang. :3

"Miss! asdfghjkl...." huh ano raw??

Pagka-angat ko ng tingin ay nakita ko kaagad ang mukha ng isang lalake.

"Miss ang sabi ko huwag mo'ng apakan yang notebook ko." pag-uulit na sabi ng lalake.

Napatingin ako sa may paanan ko ... Oops natapakan ko nga yung notebook nya. Nakakahiya

"Sorry hindi ko kasi napansin." sabi ko at agad kinuha yung notebook nya at pinagpagan. Nakakahiya talaga.

"Okay lang." tipid niyang sagot at kinuha yung notebook nya tsaka tumalikod. Pero bigla syang humarap uli sakin

"Wait, what's your name Miss?" pagtatanong niya.

"Huh? ahh  Frail." Tipid ko'ng sagot sakanya.

"I'm Red, nice to meet you." sabi nya tsaka tumalikod at pumunta sa kanyang seat.

Nakayuko na sana ako at handa ng ipikit ang mga mata ng narinig ko ang usapan ng kaklase ko.

"Yieee!! tingnan nyo ouh nag-uusap na si Sara at si Prince Shyn!! bagay talaga sila." bulong ng isang girl

"Oo naman, bagay na bagay sila. Kaya hindi na ako magtataka kung magkakabalikan sila." bulong naman ng isang girl.

Magkakabalikan? Naging girlfriend ba ng demonyito na yun si Sara?

"Class, good morning!" bati ng teacher namin na kakapasok lamang.

"So our topic for today is about LOVE!" sabi ni ma'am habang eni-emphasize ang word na love.

"Ma'am! Love po ba for special someone?" tanong ng kaklase ko.

"Any kind of love Mr. Garcia, love for your parents, love for your friends, love for your siblings and yes love for a special someone." sagot ni ma'am kaya napaisip ako, may special someone? paano yan malalaman?

"So who can define the world love?" pagtatanong ni ma'am saamin

"Ma'am love is when you are willing to sacrifice or give up everything just to protect the one that you love." mahabang sagot ng kaklase ko. Carlo yata yung name niya.

"Very well said Mr. Cruz! What else?" tanong ni ma'am ulit.

Ano nga ba yung love? How to know if you're in love? May signs ba? May patterns ba?

"Ma'am love is being selfish." sagot naman nung Red, yung nagpakilala sakin kanina.

"Oh! Short but deep Mr. Rivera, any other definition?"

Selfish? Bakit?

"So I know that everyone of you have an idea about love. That's why your first project is to come up of and idea about a formula of love." Mahabang pag di-discuss ni ma'am.

"Ma'am naman! Mahirap po yan! Ang love e-equate?" sabat nung kaklase ko na si Red.

"Mr. Suarez I'm not talking about Math here. Hindi ko sinabi na gagawan nyo nang equation yung love. All you have to do is came up with your hypothesis and perform those steps that you had in your methodology and came up with a conclusion. Im short make a research paper about love." sagot ni ma'am kay Red.

Ang haba nun ahh...

"Okay so I'm letting you do it by partner class." pag a-anounce ni ma'am.

"Yes!!"
"Yey!"
"Talaga?"

Reactions ng mga classmates ko.

"Ma'am are we going to choose our own partner po ba?" Sarah.asked

"No! I have a list already..." sagot naman ni ma'am.

"So ito ang partners...
Jane and Jovenil
Lourdes and Gian
Sara and Red
Frail and Shyn
Corine and Sed
...
...
..
..
.
. So you must submit your papers at the end of these school year. Good bye class." sabi ni ma'am at lumabas na.

"Oh emm geee..." sigaw nang mga babae.

"Sayang hindi kayo partner ni Prince Shyn, Sara." sabi nung isa naming kaklase.

"Oo nga ehh!" sagot naman Sarah ng nanghihinayang.

"So we're partners?" sabi naman ng demyitong senyorito ko.

"Pansin mo?" sarcastic ko'ng sagot

"Ayy hindi hindi kaya nga tinanong kita diba?" sagot naman ng demonyitong ito...

"Ay sorry nagtatanong ka pala? Hindi ko kasi narinig nung nag pairing ni ma'am ehh." pang-aasar ko.

"Tsk, bingi ka kasi." sagot naman niya

"Anong.."

"Nga pala ba't hindi ka nag oral kanina? Siguro na bobo ka na noh?" sarcastic na tanong nya sakin.

"Aba't sinong bobo? Ako? Excuse me mister ako? bobo? No way." pasigaw ko'ng sagot sakanya.

Nakaka-highblood sya aaahh...

"Easy there slave! Huwag ka ngang sumigaw. Napagkakamalan kang defensive." pang-aasar naman nya.

"Lesssheee ka!" sagot ko sabay walkout. Nakakainis.

Paano ko naman masasagot si ma'am sa pagpapa-define ng love eh Love can't be define naman.

Hypothesis of LoveWhere stories live. Discover now