Chapter 7

9 1 0
                                    

Frail's POV

1. When he is the causation of extremely fast pounding of your heart when you're near to him.

Hmm? Kailan ko kaya mafe-feel 'to?

Hayst, yan lang muna siguro ang hahanapin ko ngayon para sa research namin!

Oo NAMIN! tsk ewan ko lang dun sa demonyitong 'yun kung may maitutulong ba sya sa research namin. 😒

"Achooo!" bwisit naman eh!

Kung hindi dahil dun sa ulan, hindi sana ako magkaka-sipon ngayon.

"Achooo!" tsk, kaya bumangon nalang ako at ginawa na yung morning rituals ko.

Nung bumaba na ako ay nakita ko agad sila mommy at daddy na nasa table na.

"Good morning mmy, good morning dad." bati ko sakanila.

"Good morning din baby." bati naman nila sakin. Tsaka ako umupo na.

"Achoo!"

"Baby? sinisipon ka ba?" nag-aalalang tanong ni mmy sakin

Tsk, hindi mmy inuubo ako! Ubo lang 'to.

"Opo mmy!" sagot ko nalang, baka mapagalitan pa ako pag binara ko sya ehh..

"Nagpa-ulan ka ba kagabi?" tanong naman ni dad sakin

"Na-ulanan po ako dad, hindi po ako nagpa-ulan." sagot ko naman.

"Baby naman eh! Diba sabi namin sa'yo na dapat extra careful ka na. Pano ka iinom ng gamot nyan?" sabi ni mmy sakin.

Edi lulunokin, may iba pa bang paraan para inumin ang gamot?

"Ganito nalang baby, pag-uwi mo nalang ikaw iinom ng gamot para mawala na yang sipon mo." sabi naman ni dad sakin

Oh edi problem solve. Huhu pinapalaki pa kasi ang problema ehh.

"Achoo!" hayst nakakahiya pag bahing ako ng bahing sa school neto mamaya.

Pagkatapos ko'ng kumain ng breakfast ay inihatid na ako ni manong Rico sa school.

*Room*

"Slave pakikuha nga ng notebook ko sa locker." utos nya kaya tinanguan ko nalang sya.

Ang aga-aga nang-uutos agad 'tong demonyong senyorito na 'to!

"Achoo!" bahing ko na naman pero nakatakip na ako ng panyo at hindi naman ako malakas bumahing eh! Mahinang mahina nga eh. Actually hindi mo talaga maririnig pag hindi ka nakafocus na pakinggan.

Mapayapa ko ng tinungo ang locker. Nung pagbalik ko hawak-hawak ko na ang notebook ng demonyong senyorito na 'yun. Alangan namang iwanan ko dun sa locker e inutos ngang ipakuha 'to eh.

"Oh nandito ang bitch na umaway sa'yo nung first day of school!" rinig ko'ng sabi ng isang maarteng tinig ng babae.

Hindi ko nalang pinsansin. Ano sila sinuswerte?

Sila paglalaanan ko pa ng oras ko? Naku masasayang lang kaya huwag na lang.

"Achoo!" hay naku wrong timing talaga 'tong sipon na 'to eh.

"Aba't hoy! Humarap ka pag kinakausap kita!" sigaw nung babae kanina.

Pero patuloy pa rin ako sa paglalakad.

"HOY! TRANSFERRE!" sigaw nya ulit kaya lumingon ako sakanya. Baka kasi ma putol na mga ugat sa lalamunan nya kakasigaw.

Tinuro ko lang ang sarili ko para tanungin sya kung ako ba ang tinatawag niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hypothesis of LoveWhere stories live. Discover now