Chapter 5

11 1 0
                                    

Nung nakarating ako sa bahay, agad akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis.

Bakit kaya tinulungan ako ni Karma nung nagka allergy ako?

May pusong mamon din pala yung demonyitong senyorito na yun. Oops hindi pala, pusong marmol ang meron yun! Super sa kademonyohan eh! Baka nga kabarkada niya ang mga devils tsk.

Pero hindi pa ako nakapagpasalamat sa kanya. Ang rude ko naman pag hindi ako magpapasalamat sakanya.

Bwisit din kasi yung senyoritong yun ehh magpapasalamat na sana ako kaninang umaga kaso inunahan ako ng utos.

"Baby, kakain na lumabas ka na dyan sa kwarto mo." sigaw ni mommy..

Oh diba ang galing lang. Mommy's voice is loud enough para maabot hanggang 2nd floor yung boses nya.

"Opo!" pasigaw ko ring sagot tsaka bumaba na at dumiretso agad sa table.

"Baby how are you? balita ko inatake ka daw ng allergy mo kahapon?" nag-aalalang tanong ni dad sakin.

"Okay na po ako dad!" sagot ko naman sabay ngiti at umupo na

"Baby, you need to be very extra careful baka atakihin ka na naman ng asthma mo ehh." saad ni mommy.

"Sorry mmy." yun nalang ang nasabi ko

Nung natapos na kaming mag dinner ay naisipan ko na mag bake ng cupcakes nakakamiss ma kasing mag bake eh

"Baby, kailangan namin umalis ng mommy mo ngayon may emergency kasi sa company." pagpapaalam sakin ni dad

"Pero late na po ahh"

"Kailangan kasi talaga kami dun ng mommy mo baby ehh." sabi ni dad

"Sige dad mag iingat ka'yo ni mmy ahh"

"We will baby, bye" paalam nya tsaka humalik ako sa cheek ni dad at ganun na rin kay mommy

So ako na naman mag-isa. Itinuloy ko na yung plano ko'ng mag bake ng cupcakes. Naisip ko rin kasi na bigyan yung demonyo ko'ng senyorito ng cupcakes as a thank you dun sa pag care nya sakin nung nagka allergy ako.

Nung natapos na ako'ng mag bake ay natulog na ako

*ring...ring...

"Rise and shine !!" sabi ko at bumangon na.

Ano'ng oras na ba?

*Tingin sa alarm clock*

Oh my!!! Ang aga pa ehh!! Ba't pa napaaga to'ng alarm clock ko?

Di bale na nga.. tumayo na ko at naligo ...

Hayst ano kayang mangyayari ngayong araw na'to?

Nung matapos nako maligo at magbihis ay bumaba na ako sa dining area.

"Sina mommy po?" tanong ko kay manag tess

"Ay ma'am kakauwi lang po nila ng daddy mo kaya nagpapahinga pa po sila. Kumain na po ka'yo" saad ni manang

Kaya kumain nalang na ako ng breakfast.

Nang matapos ako ay agad na ako'ng lumabas sa bahay bitbit ko yung isang box ng cupcakes na ginawa ko kagabi.

"Young miss ang aga mo naman yata?" biglang tanong ni manong Rico sakin.

"Napaaga po kasi ng gising ehh." sagot ko nalang at sumakay na sa sasakyan tsaka ko ikinabit ang headset aa tenga ko at nagsimulang magpatugtug

"Young miss nandito na po tayo." sabi ni mang Rico kaya bigla ako'ng napatingin sa labas

At oo nga nasa school na ako. Pero parang ang bilis naman ata.

Hypothesis of LoveWhere stories live. Discover now