Chapter 6

10 1 0
                                    

*Last period of class*

Frail's POV

"Class we will have a graded recitation." pag a-anunsyo ni Mrs. Drap samin.

"Ma'am naman!" reklamo nung kaklase ko na hindi ko alam ang pangalan.

"Yes, any problem?" mataray na sagot ni ma'am sakanya.

"Naman eh!"
"Lagot ako neto. Hindi ako nakapagbasa kagabi."

reklamo ng mga classmates ko. Pansin ko lang ah! Ba't ba palagi silang nag rereklamo?

Tsk, buti nalang talaga nag a-advance reading ako...

"Complete name of Dr. Jose Rizal!" mabilis na tanong ni ma'am at iginala yung mga mata niya.

"Mr. Funtabella!" tawag ni ma'am sa katabi ko kaya nakahinga naman ng maluwag yung iba ko'ng mga kaklase.

"Dr. Jose Protasio Rizal Mercado y. Alonso Realonda." sagot naman ni demonyong senyorito.

In fairness may laman din naman pala ang utak nya kahit ang demonyo ng ugali nya.

"Very good Mr. Funtabella!" pagpupuri ni ma'am sakanya. Sus parang yun lang ehh!

"Enumerate the siblings of Dr. Jose Rizal in any order.." ikalawang tanong ni ma'am at iginala na naman yung mga mata niya.

"Ms. Ferrer!" tawag ni ma'am sakin. Kaya tumayo na ako.

"Paciano, Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad and Solidad ma'am." tsaka ako umupo

"Very good Ms. Ferrer, next where and when did Dr. Jose Rizal born?" tanong ni ma'am and she roam her eyes again.

"Mr. Fernadez!" tawag naman ni ma'am dun sa isa ko'ng kaklase

"I'm sorry ma'am but I don't know the answer." mahinang sagot naman ng kaklase ko. Kaya nagtawanan naman ang mga classmates ko.

Hayst, mga tao talaga. Biruin mo nga naman nagawa pa nilang pagtawanan yung tao kahit alam naman nila sa sarili nila na hindi rin naman nila alam yung sagot.

"MS. FERRER!" sigaw ni ma'am.

Oh my! napunta na naman yata ang utak ko sa ibang planeta kanina.

"Ye-yes ma'am?" nauutal ko'ng tanong.

Naman eh! Pag-iinitan na ako neto ngayon.

"You're not paying attention Ms. Ferrer! Bakit? Dahil ba tapos na kitang tinawag at nakasagot ka na ay hindi na kita tatawagin pa? O baka naman ang taas na ng tingin mo sa sarili kasi nakasagot ka na kanina!" litanya ni ma'am sakin.

Grabe naman, parang na space-out lang sandali eh! Pero alam ko na naman kasi yang biography ni Dr. Jose Rizal. Tsk, ang strict kaya nung teacher ko sa nakaraang school, pina memorize niya talaga sakin yung buhay ni Rizal 😭😭😭 Sobrang terror nun eh!.

"I'm sorry maam." sabi ko nalang para matigil sya sa pagbubunganga.

"Answer the question Ms. Ferrer! When and where did Dr. Jose Rizal born?" takte galit pa rin sya! Mukhang pagbubuntunan nya ako sa lahat ng galit nya ngayon.

"June 19, 1861 in Calamba, Laguna ma'am." sagot ko at umupo na.

"Next question, who are the parent's of Dr. Jose Rizal?" tanong niya habang nakatingin pa rin saakin.

Huh? Para sakin yung tanong na yun?

Kaya itinuro ko muna ang sarili ko to clarify kung ako ba talaga. Pero tinaasan lang ako ng kilay ni ma'am kaya tumayo ako uli..

Hypothesis of LoveWhere stories live. Discover now