Chapter 1: Mysterious salesman

1K 15 3
  • Dedicated to kaye anne diwata
                                    

(Myth's POV)

 

"Myth Alexander Alcaraz!!"

 

"Bakit po miss Hanna?"

"Ikaw ba yung may gawa nito?" Sabi ni miss Hanna at tinuro niya ang classmate kong lalaki na naligo ng pink paint. Tumingin ako sa estudyante sa tabi ni miss Hanna at pinigil ko ang tawa ko.

"Pfft! hindi po miss." Kailangan maging mabait ako sa pagsagot kay miss Hanna. Bakit? Chiks na chiks kaya siya.

"Anung nakakatawa at sigurado ka bang hindi ikaw ang may gawa nito?"

"Oo naman yes miss with promise pa at wala lang po miss." Itanaas ko pa yung kanang kamay ko with a smile pa. Pero naka-cross finger ang kaliwang kamay ko sa likod ko.

 

"Ahh ganun ba? Halika sumama ka sa akin."

 

"Teka miss bata pa ako wag pooo -- Aray ko." Nakatanggap lang naman ako ng batok kay miss Hanna. Kamot ulo tuloy ako.

 

"Ang dumi din ng utak mong bata ka… eh ano? Sumama ka sa akin sa guidance office." Nagsimula nang maglakad si miss Hanna papunta sa guidance office kasama. Ang ganda talaga niya.

Bago ako sumunod tinitigan ko muna yung nerd na naligo sa pintura dahil sa kagagawan ko. Haha oo ako ang may gawa nun. Tinitigan ko siya ng masama na parang sinasabi kong wag na wag siyang mag susumbongor else.

I'm Myth Alexander Alcaraz, 3rd year student ng Vicencio Technological Academy. Pasaway ako pero hindi naman sa lahat ng oras. Mabait pa din naman ako kahit pa-paano lalo na pag tulog.

Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Juno at sinabayan ako sa paglalakad. Si Juno Alfonso ay tulad kong pasaway sa campus na'to. Siya yung partner in crime ko at presidente ng judo at taekwondo club pero wala pa din siyang binatbat sa’kin.

"Bro, balita ko kinausap ka ni miss chiks ah?" Sabi niya habang sinisiko ako.

Tinitigan ko siya ng masama at napalayo siya. "Bro chill lang kung nakakamatay yang titig mo death penalty na abot mo sa dami ng mapapatay mo." Kalalaking tao nito ang daldal. "Bakla ka ba? ang daldal mo eh."

 

 

“Bro, may bagong game na ni-release ah. Alam mo na bay un?” Sabi niya.

World of Eternia: Unsummon the summonerWhere stories live. Discover now