Chapter 2; The eternity starts

667 9 3
  • Dedicated to Raven Sison
                                    

(Myth's POV)

Sino kaya yun taong yun? Ang weird dapat talaga makikita ko pa siya nung nilingon ko siya. Two minutes pa lang naman yung nakakalipas kaya 120 steps ang layo niya sa’kin.

Nag-aaral naman din ako kahit paano. Sabi nga nila matalino daw ako tamad at pasaway lang. Pinamulsa ko ang kamay ko habang naglalakad at iniisip ko pa din yung bogus seller na yun. Nakayuko lang ako dahil sa iniisip ko nang biglang...

"Aray ko!! Hoy tumingin ka nga sa dinadaanan mo!!" Napaupo kami nung nabangga ko. Bakit ba ang malas ko? nakakadami na ko simula kanina. Isang babaeng naka-cap ang nabangga ko at napa-upo ito.

"Sorry miss." Iniabot ko ang kamay ko but she just stand on her own.

 

"Next time tumingin ka sa dinadaanan mo okay??" Ay ang sungit chiks pa naman.

"Masusunod po miss maganda." Sabi ko. Tumaas naman ang kilay niya.

Nagpagpag lang siya ng damit at tsaka lumakad palayo. "Miss!! Ako nga pala si Myth, Myth Alexander Alcaraz. Ikaw ano pangalan mo?"

"Yumi, Yumi Nagasaki." She said with a cold tone.

Nagasaki? kaya pala mukha siyang japanese. "Miss pwede ko bang makuha ang number mo!?" Nakangiti kong sabi sakanya.

 "Kung makikita mo ulit ako dito swerte mo ibibigay ko sa’yo!!" Para kaming mga timang na sumisigaw. Nagsimula na siya ulit maglakad kaya naglakad na din ako. Ang ganda talaga niya.

=========

Sa bahay namin...

"Home sweet home" Sabi ko sa sarili ko.

Mas masaya talaga sa bahay kaysa sa school. Ang masaya lang dun ay mas maraming chiks dun dito sa bahay wala.

 

"Mitoooy!! Ano nanaman yung ginawa mo sa academy niyo?!!!" Nakita kong umuusok na naman ang ilong ng ina ko.

"Nagpakilala lang ako sa mga freshmen ma. Para alam nila kung sino katatakutan nila." Sabi ko.

 

"Siraulo ka talaga!! Grounded ka for one month at confiscated lahat ng video games mo at walang t.v ok?!!" Sabi ni mama. Pumunta si mama sa kwarto ko at paglabas ay dala na lahat ng video games ko at pinutol ang plug ng television.

World of Eternia: Unsummon the summonerWhere stories live. Discover now