Chapter 18- Enchanted Kingdom

51.1K 453 31
                                    

Enchanted Kingdom




Allison's




"Yes, Sir? Ano pong gusto niyo?" Napasimangot ako. Andito na kami ni Lance sa EK. Eto namang malanding babaeng to, lumalandi pa sa costumer!




"Excuse me Miss, ako ba hindi mo napansin?" Sabay kawit ng kamay ko kay Lance. Nakita ko namang ngumise siya pero pinanlakihan ko ng mata.




"A-ahh I'm sorry Mam. So, ilang tickets po?" Tanong niya ulit.





"2 tickets." Sagot ni Lance. Inasikaso na niya at nagbayad na kami. Nang makapasok kami ni Lance sa loob..




"You jealous?" Napatigil ako sa paglalakad kaya pati siya tumigil.




"A-ako?! Magseselos!? Hindi ah! Napakabastos naman kasi kung hindi manlang niya ko papansinin eh kasama mo ko diba?!" Sunod sunod kong sabi. Ngumise naman siya.




"Okay." Nauna syang maglakad at napapadyak ako sa hangin.




"Ugh!" Narinig ko ang halakhak niya.




"Jerk!" Sigaw ko. Hinabol ko siya.




"San mo gustong sumakay?" Tanong niya. San nga ba?




"Mhm! Anchor's Away!" Ngumise siya.




"Okay. Make sure na hindi ka magsusuka ha?" Tumawa siya kaya hinampas ko 'to.




Pagkatapos naming mag Anchor's Away sumakay pa kami n ibat ibang rides. Parang yung lungkot ko kanina napalitan ng saya ngayon. Everything seems to be perfect para sakin.





6:40 na pero parang 8:00 na. Ang dilim na. Pagod narin kami at basang basa ni Lance dahil sa ibang mga rides.





"Halos lahat ata nasakyan na natin, Lance." Tumawa siya.




"May isa pang hindi." Sabi niya.




"Talaga? Ano pa?! Sakyan na natin dali!" Ngumiti siya at hinila ako.



Napangiti ako sa paghawak niya ng kamay ko. Tumigil kami sa may ferris wheel.




"Ferris Wheel?" Tumango siya.




"Sakay tayo!" Hinila niya ko sa may pila. Pero pinigilan ko siya. Ayoko. Ayoko jan...




Takot ako..




"What?" Lumapit siya sakin.




"Ayoko jan." Sabi ko at tumalikod. Pero hinila niya ulit ang kamay ko kaya napaharap ako.




"Bakit? Takot ka?" Napayuko ako.
Tinaas niya ang ulo ko.





"Wag kang matakot. Kasama mo naman ako eh." Tinitigan niya ko. Mata sa mata.




"Let's go. Let's ride this." Hinila niya ko sa unahan. Nagulat ako. Hindi ba kami pipila?




"Hindi ba tayo pipila?" Umiling iling siya at ngumiti.





"Excuse me." Nilakasan niya ang boses niya habang nakaharap sa mga nakapila. Halos lahat ng babae parang kiti kiti sa sobrang magalaw.




Oo, alam kong gwapo/macho/hot/ at bakat na bakat ang abs ng kasama ko ngayon kaya kayo kinikilig. Pero sorry kayo, ako kasama niya ngayon eh.





He's my BEDMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon