Chapter 39- Pagbawi

38.6K 406 31
                                    

Gusto ko sana maramdaman niyo yung feeling ni Allison, yung sakit na dinanas niya sa States. Kaso medyo lutang si otor at hindi maipadama iyon dito sa update na to. Another bitin na update. hahahaha. Please naman nakakasawa ng mabasa yung 'bitin naman..' 'UD !!' yung mga tipong ganun? Habaan niyo naman guys, binibilisan ko na yung updates ko dahil naeexcite ako sa comments niyo puro naman demands. Sensya na, nakakasira lang ng mood eh. Sobrang nakakabv lang kasi naman tinatry kong ayusin yung chapter puro demands lang nakukuha ko. Hay. Anyway, konting hintay na lang. Ipush pa natin, malalaman na natin ang side ni Lance. Pero wait, i need answers ha! Tingin niyo ba mahal talaga ni Lance si Allison? Or talagang totoo yung sinabi ni Fiona? Sana may sumagot!

~~~~~~~~~~

Pagbawi

Allison's

"Sorry." One word. Five letters. Napatulo nalang ang mga luha ko. Hindi ko kaya. Hindi ko mahanap yung hinahanap kong peace sa puso ko hanggat hindi ko napapatawad ang pamilya ko. Yet, I'm not yet sure kung ready na ba ko. Iba kasi yung sakit eh. It involves family. Sila yung nanloko sakin. Parte sila ng panloloko sakin.


"Sorry? Yan lang ba ang masasabi niyo?" Tumatawa kong sabi. Nasa harapan ko sila Mom and Dad, sa gilid si Kuya. No one dared to sit beside me. Kapal naman ng mukha eh no.


"Anak, s-sorry. S-sorry sa mga nangyare, patawari--" Damn! Hindi ko na napigilan, hinampas ko ang table at napatayo ako.


"Ma naman eh! Sa Sorry bang yan may mababago pa?! Ma! Naman!" Umiiyak na si Mom. Damn it! Tangina lang talaga! 5 years ago! Pinagmukha nila kong tanga lahat. Sa istupidong naisip nila na sasaktan ako at ibubully ako ni Fiona, habang si Lance niloloko ako. Si Lance napaniwala akong mahal niya ko pero hindi, it was all part of the plan! Tangina! Pinagmukha nila kong tanga! Para lang mapapunta ako sa States, para sa background, para sa Business!


"Mahiya kayo! Anak niyo ba talaga ko ha?" Ang sama sama ng loob ko. Sobra. Ang bigat sa puso. Nakayuko lang si Dad. Si Mom umiiyak. Ano, yan lang ba kaya nilang gawin? Asan na yung tapang nila 5 years ago? Na nakuha pa nilang lokohin ang sariling anak para sa business lang? Asan na? Napatingin ako kay Kuya, nakayuko lang rin siya. Natawa ako.


"Niloko niyo kong lahat. Alam niyo ba kung gano kasakit yon?! Na yung buong pamilya ko pa yung nangunguna sa pananakit sakin?!" Napaupo ako. Yung mga luha ko. Nagsimulang tumulo.


"Hindi ganto yung pinangarap kong pamilya, Ma, Pa. Malayong malayo sa buhay na pinangarap ko." Ang gusto ko lang e masampal ko sakanila yung sakit ng ginawa nila sakin. Yun lang.


"5 years ago, wala akong makapitan. Wala akong mahawakan. Hirap na hirap ako. Yung utak ko punong puno ng kung ano anong palaisipan, sobrang sama ng pakiramdam ko. Sobrang bigat. Sobrang sakit. Everything was so unbelievable. Sarili mong pamilya niloko ka? Plinanong saktan ka? How nice diba?" Natawa ako ng mapait. Oh yes. Tawang may kasamang luha. Mom continued to cry. Sige, damdamin niyo lang yung paghihirap ko. Saya yan eh. Magisa lang ako habang sila buo parin.


"Buntis ako noong umalis ako ng bansa." Lahat sila napataas ang ulo. This is it. Feeling ko ang lakas ko na. May naipong lakas sakin. Inside me. Though andito parin yung kaba. Pero iba kasi talaga ang nagagawa ng pain eh, pinapatatag ka niya.


"K-kanino?" Sabi ni Kuya. Dapat alam na nila yan eh. Hindi naman ako pokpok para ibigay ang katawan ko kung kani-kaninong lalake nalang.


"Lance." Gulat. Gulat na gulat silang tatlo. Hindi ko nalang pinansin. Instead, itinuloy ko ang kwento. "I'm pregnant that time! Hirap na hirap ako! Ginawa ko yung deal dahil sa galit sainyo! Ayokong kumuha ng kahit anong tulong kasi gusto kong buhayin yung anak ko ng magisa! Gusto kong tapusin yung pagaaral ko na ako nalang yungkumakayod at hindi kumukuha sa pesteng pera ninyo!" I don't carekung pinagtitinginan na kami. May nakapalibot na bodyguards. Safe kami at hindi kami pedeng paalisin basta basta ng may ari ng 5 star restaurant na to. Takot nalang niya sa mga De Vara diba?


He's my BEDMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon