SC1: HEAVEN

38.4K 498 29
                                    

SC1: HEAVEN

Allison's

Nakasimangot akong naglalakad dito sa Mall ngayon. Pano ba naman kasi! Si Lance hindi ako sinamahan sa pagbibili ng mga gamit ni Baby eh. At oo! Buntis ako. Kabuwanan ko na nga eh. Gagong yun diba? Hindi pa ko sinamahan.

"Excuse me po, sayo ata 'to?" Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Lalake siya. Satingin ko kasing edad ni Sky na ngayo'y 6 years old na. Meaning bata pa siya.

Hawak niya ang Phone ko. Chineck ko naman ang bag ko at oo nga. Bukas siya at siguro nahulog. Mabilis ko itong kinuha at ngumiti sakanya. Ang cute kasi nung bata eh. Naglakad lakad pa ako at bumili ng mga magandang gamit para sa aming Baby Boy ng may makita akong Couple Shirt.

Ang cute naman. Ang sarap bilhin kaso nagtatampo pa ko sakanya. Hmph, wag na nga. Maglalakad na sana ulit ako kaso napalingon ako sa babaeng malakas na nagsasalita.

"Ang cute hon o!" Turo niya sa isang toy na pambata. Buntis rin siya kagaya ko. Ang pinagkaiba lang, siya kasama niya asawa niya ako hindi.

"Oo nga, hon! Gusto mo bilhin natin para kay Baby?" Tumango tango yung babae at nagnakaw ng halik sa pisngi. Agad naman akong naglakad ulit. Badtrip! Nakakainggit sila! Patay talaga sakin ang Lance na yon!

Nagvibrate ang phone ko kaya dali dali ko itong kinuha. Si Love! Ay! Lance pala muna kasi magkaaway pa kami.

"Hello?" Sagot ko. He sighed in relief. Tsk! Hindi mo ko sinamahan tas tatawag tawag ka?!

"Love! Dammit, where are you? Just go home!" Malakas niyang sabi at otomatikong nailayo ko ang phone ko sa tenga ko. Nakakainis! Ba't ba siya nasigaw? Ang sama naman niya ngayon! Nagblurred ang paningin ko dahil sa mga luha 'ko. Eto nanaman ako!

"Fuck!" He muttered na kinainis ko lalo. Mahigpit kong hinawakan ang mga paperbag na hawak ko para kay Baby.

Baby sorry ha? Si Daddy mo kasi, gago! Ay! Hindi. Hindi mo narinig ang word na yun! Bad yon.

"Uuwi na 'ko. Hindi mo ba ko susunduin dito?" Mahina kong tanong at nagsimulang maglakad kahit ang hirap dahil sa laki ng tiyan 'ko.

"I'm sorry, Love. I'm busy." Nakagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang mga hikbi ko. Busy?! Sinong busy! Siya? Busy siya?! Hindi ba niya pwedeng ipagpaliban yan para manlang makuha ako?! Ang daya niya!

"Okay." Mabilis kong inend ang call at inilusot iyon sa bag ko. Nakakainis talaga! Bakit ba siya ganyan?! Hindi niya 'ko pinapansin kanina. Hindi ko alam kung busy lang ba siya dahil maraming kliyente at kung ano ano pa ang nangyayari sa kompanya. Palibhasa malaki kasi! Nakakatampo talaga siya.

Napatingin ako sa paligid ko. Sang parte na ba ko ng Mall? Ah, oo sa gitna. Naglakad lakad pa 'ko. Bakit pinagtitinginan nila ko? May mali ba sakin? Siguro meron nga. Losyang na ako. Ang taba taba ko! Ang pangit pangit ko na! Ang laki laki ng tiyan ko at mas malaki pa ko kay Lance! Nakakahiya!

Siguro kaya ayaw niyang lumabas kasama ako. Kasi nahihiya siyang may kasama siyang pangit at dambuhala. Tuloy tuloy nanaman ang pagagos ng mga luha ko. Madaya talaga siya! Ang sama sama niya. Sa labas siya matutulog. Dun sa may gate! Kahit magdoor bell pa siya ng ilang beses sasabihin ko kay Manong na guard namin na hindi siya papasukin. Manigas siya don! Sana umulan pa para okay!

"Love..." Tumigil ako sa paglalakad at binitawan ang mga hawak ko sa floor ng Mall. Si Lance iyon! Boses niya yon! Lumingon ako sa likod ko pero wala naman siya at nowhere to be found dito sa loob ng Mall. Pati yung mga tao nagbubulungan rin pero may iba namang naglalakad. Sa mic siya nagsasalita kaya malamang rinig ng halos lahat.

"Hey, I'm sorry.." Tumulo ulit ang mga luha ko at napahikbi na ako. Anong I'm sorry sorry siya?! Hindi niya nga ako nilalapitan at siguro kinuntiyaba niya pa ang Management ng Mall na ito para payagan siyang magsalita salita! Hmph! Kinahihiya niya talaga ako ha?!

"Shit!" Malutong niya pang mura. "S-stop crying! I'm sorry." Bakit ba siya sa mic pa ng Mall na 'to naggaganyan?! Hindi ba niya alam na nakakahiya? Waahh! Baka may biglang mangaway sakin dito dahil sa inis nila!

"Everybody, stop!" Utos ni Lance sa mga tao dito na ikinapagtaka ko at nila pero sumunod naman. "My wife's pregnant and she's crying her out loud. She's wearing a dress, a navy blue dress." Lumingon lingon sila at may mga ibang nakakita na sakin.

"I hope you can convince her to accept my apology. I didn't mean to let her buy things for our child, it's just that there's an important meeting and fuck! I already cancelled it just to make it up to her." Dire-diretso niyang sabi. Umiyak pa ko ng umiyak. Napakaemosyonal ko na, ang lakas lakas ko ng kumain. Siguro nagsasawa na siya sakin!

"Ayun siya!" Malakas na sigaw ng isang babae na medyo nasa gitna at tinuro ako. Nagsitinginan naman sila sakin. Nahihiya ako, iyak ako ng iyak at nasa Mall pa kami!

"Yeah, that's my wife, love.." Sagot niya. May ibang lumapit sakin.


"Miss, patawarin mo na yung asawa mo o.."

"Miss, wag ka ng umiyak."

"Okay lang yan miss, andito na siya para sayo.."

"Masama yan sa baby, ate."


Nagkumpulan sila at lumapit sa harapan ko. Iyak lang ako ng iyak. Ewan ko ba, emotional ako palagi. Siguro dahil buntis ako. Sabi naman ni Doc. normal lang naman raw yun. Ganun daw talaga at dapat pagpasensyahan ako. Ganto rin naman ako kay Sky noon, iba lang siguro dati dahil wala si Lance.

(Heaven by: Bryan Adams)

~Oh - thinkin' about all our younger years
There was only you and me
We were young and wild and free..~

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang napakalamig niyang boses. May mga tili akong narinig sa gilid, may mga nagsasabing gwapo siya and all pero wala akong pake. Kinikilig ako at hindi ako makahinga.

~Now nothin' can take you away from me
We've been down that road before
But that's over now
You keep me comin' back for more..~

This time humarap na ko sakanya. He's wearing a black v-neck shirt na kadalasang outfit niya at isang pantalon na itim rin. His outfit is very... intimidating. I quote, "Now nothin' can take you away from me" pati ba naman sa pagpili ng lyrics na kakantahin napakapossessive pa rin?

~And baby, you're all that I want..~

Napatili yung mga babae at pati ako ay napatili rin. He chuckled. Ang gwapo, nyeta! Nakakatawa lang tignan na ang isang buntis ay parang ewan pang kinikilig sa harap ng asawa niya.

~..When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believe
We're in heaven..~

Heaven. Yes, indeed, We're in heaven talaga. Me in his arms, cuddling, magkasama sa iisang bubong kasama si Sky at si Baby. Really. Satingin ko nasa heaven na ko and I coudn't ask for more.

Lumapit siya sakin at rinig ko nanaman ang pagtili ng mga tao. Mahilig talaga sa PDA 'tong si Lance! Lagi niya kong pinakikilig at kahit magasawa na kami, hindi ko pa rin maiwasang pagpantasyahan siya.

"I'm sorry, okay? I'm really sorry, love." Nagbigay siya ng smack sakin-which is hindi ko gusto dahil mas prefer ko ang french kiss. "I'm fucking worried about you and our baby, damn! I'm really sorry, love. I love you."

Ngumiti ako at tumulo nanaman ang mga luha ko. Eh kasi eh! Pinapakilig niya ko at nat-touch ako ng sobra! Pinunasan niya ang mga luhang lumalabas sa mata ko.

"I'm sorry and I love you." He smiled at me at tumingin muli sa crowd na halos magkandarapa kay Lance. Yung iba naman kilig na kilig at ewan.

~And love is all that I need
And I found it there in your heart
It isn't too hard to see
We're in heaven~

He's a jerk. Gago talaga siya at hindi siya nagbabago. Pero ang nakakatuwa lang, dahil kahit isa siyang gago, ramdam na ramdam ko pa rin na importante ako sakanya at mahal niya ko.

"I love you, Lance." I pulled him to a hug and he hugged me back.

"I love you too, Allison."

He's my BEDMATEOnde histórias criam vida. Descubra agora