Chapter 38- Pagkikita

39.1K 413 22
                                    

Pagkikita

3rd Person's

Hindi alam ni Allison ang gagawin. Nagpapanic na siya. Kinakabahan. Yung anak niya nasa ospital, sino nga namang hindi kakabahan diba?


"Huminahon ka iha, hintayin nating lumabas ang mga Doctor. Huminahon ka lang iha.." Halos maiyak na ang dalaga. Huminahon? Hindi niya ata kaya! Yung anak niya nasa loob ng kung ano mang kwarto, hindi niya alam kung ano ang nangyare sa anak niya tapos sasabihan siyang huminahon?


"N-nay!! Anong gagawin ko! Kinakabahan ako para kay Sky!" Umiiyak na ang dalaga. Nasasaktan siya. Si Sky! Anak niya! Hindi niya alam kung anong nangyare, hindi niya alam kung buhay pa ba, wala siyang alam. Anak niya yon..


"Manalig ka.. Manalig ka lang.." Napaupo si Allison at walang nagawa kungdi ang magdasal. Sa panahong wala siyang makakapitan, pagdadasal nalang ang ginagawa niya. Ito nalang ang makakatulong sakanya..


"Sino ho ang magulang ng pasyente?" Agad napatayo si Allison.


"Ako po! Ano pong nangyare sa anak ko, Doc?" Kinakabahan niyang tanong. Naiiyak nanaman siya, pero kaylangan niyang magpakatatag para sa anak.


"Nastress po ang bata. Over-fatigue. Mahina rin ang katawan ng bata. I suggest na kaylangan nyang magpahinga muna. Kain rin ng maraming---" Maraming sinabi ang doktor. Pero ang pinakaikipinagtaka ni Allison, ay ang pagiging stress ng anak. Maaring nakararamdam ito sa nangyayare sakanila, kilala niya si Sky. Masuri ito matalino..


"Iha, uuwi lang ako sa bahay at magdadala ng damit ninyo. Hintayin ninyo ako ha. Magiingat kayo." Tumango nalang ang dalaga sa sinabi ni Manang Lourdes. Masaya siya at walang nangyari sa anak niya. Pero at the same time, malungkot parin dahil may sakit ito. Hinaplos niya ang noo ng anak, mainit parin. Inaapoy parin.


"Hmmmm.. M-mom..." Hinaplos niya ulit ito. Naiiyak nanaman siya. Namiss niya ang anak.


"A-anak.." Halata sa mukha ni Allison ang pagod. Simula pagkadating nila dito sa Pilipinas at ang araw bago pa sila makarating dito, wala na siyang tulog. Sanay nanaman siya dahil noong mga unang buwan niya sa States, pero iba na ngayon. May sakit ang anak niya. Si Sky na ang involve.


"M-mommy, let's go home." Napangiti ng matipid si Allison. Ngiting hindi umabot sa mata. Isang pekeng ngiti. Hinaplos niya ang noo ng bata at napapikit naman ito.


"Ibalik mo muna yung lakas mo Anak. Tapos, aalis na tayo ni Mommy dito sa Ospital. Babalik na tayo sa place ni Manang Lourdes." Sky's on the verge of crying. Napapikit si Allison dahil ayaw niyang nakikitang ganyan ang anak. Nanghihina, walang kalakas lakas.


"D-don't cry, Sky. You told mommy na s-strong ka diba?" Pinunasan ni Sky ang mga namumuong luha sakanyang mga mata at ngumiti ng matamlay.


"S-sorry Mommy I--" Allison cutted Sky.


"Sshhh. Don't say sorry ha? Magpahinga ka na jan sige na. Aalis muna si Mommy. Sleep well okay?" Tumango si Sky at pumikit. Agad namang pinunasan ni Allison ang mga luhang tumulo sakanyang mga mata. Kaylangan niyang magtrabaho para sa anak. Kinuha niya ang cellphone at nakita ang text ng kanyang 'big boss'


To: Allison

Allison, we're already here at Cebu. I'll text the address, we have to check some lots for the upcoming project.


Secretary siya sa isang malaking kompanya. At itong big boss niya ay sa kabutihang palad, isang pilipino rin. Sasama siya dito at ililista ang mga pinaguusapan ng kanyang big boss at ang client na kausap nito. Napapunas siya sa noo niya, pagod na siya pero kaylangan. Agad siyang umuwi sa bahay nila Manang Lourdes at nakita niyang nagaayos pa ito.


He's my BEDMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon