Chapter 13

62 6 0
                                    

         Chapter 13

Jhun's Pov

"Si Rod nasaan na ba?" sabi ko  kanila.  Tangina para kami naghahanap ng nawawala. Bakit naman kasi ngayon pa naiisipan ni Rod makipagkita. Sakit din sa ulo ang love.

"Bakit sa amin niyo hinahanap. Ang alam ko magkasama kayo
kanina ni Rod. Tapos si Rod hinahanap sa amin si Kc? Nasaan ba si Kc di ba kayo ang magkasama." Takang tanong ni Sarah sa amin. Nagkatinginan lang kami hindi namin paano sasabihin. Tangina saan nagpunta si Rod.

"May nangyari ba?" Sabay lapit ni Cherry sa amin.

"Si Rod ang gusto namin makita," mahina sabi ni Emz. Nakatingin ng masama si Roxanne kay Emz ako hindi ako nakatingin sa girlfriend ko lagot ako kay Roxanne. Kaibigan pa man nila si Kc. Ano sasabihin ko. Bahala sila mag-explain. Bakit pa kasi ako napasama sa magsundo kay Kc. Tuloy naiipit ako sa gulo.

"Bakit nga? Ano ba Emz. Sabihin niyo nga sa amin," sigaw ni Roxanne sa kan"ya. Nakatingin na siya sa akin. Nakayuko lang ako. Ayaw ko ako una magsalita.

"Mukha walang kasal magaganap Roxanne," mahina sabi Emz sa kan'ya. Natampal ko ang mukha ko. Bakit ganyan naman ang pagkasabi ni Emz. Lahat kami malilintikan sa mga girlfriend namin

"Ano? Bakit? Teka nga linawin niyo." Naguguluhan ako."  Sabay lapit ni Roxanne sa'min.

"Oo ayan na  si  Rod?" sabi ni Cherry sa amin. Lumapit si Rod kita ko sa mga mata ko ang lungkot sa mga mata niya. Kawawa Rod dahil lang sa mali akala. Ngayon ay hindi matutuloy ang kasal.

"Si Kc kasama niyo?" sabi niya sa amin.

"Siraulo ka pala eh. Bakit hindi mo pinigilan si kc. Gusto mo habulin siya, ayon bumalik na siya ng manila hindi namin napigilan. Galit na galit," sabi ni Emz kay Rod. Tangina ngayon lang si Emz nagalit. Hindi na rin ako nagtataka medyo kasi Close rin si Emz kay Kc.

"Bakit bumalik ng manila si Kc? Ano ba talaga nangyayari?"

"Nakita kasi ni Kc nakausap ni Rod si Kim," sabi  ni Emz kay Cherry. Napatingin sa amin sila Roxanne. Ito na nga sinasabi ko. Nalintikan na.

"Pero bakit nman agad siya umalis." Nakatingin lang ako kay Cherry.

"Oo nga hindi man lang kinausap niya si Rod." Sa inis ko nabatukan ko si George.

"Wala kami  magagawa. Narinig  ni Kc  usapan nila. Kaya ayon agad-agad umalis. Hindi man lang kasi pinigilan ni Rod si Kc," sabi  ko sa kanila. Si Rod naman kasi ang dapat sisihin. Sa una palang sana sinabi na niya tungkol sa  nakaraan.

"Ano gagawin ko?
Hindi ko nga alam. Nalito na ako," sabi ni Rod sa amin.

"Tangina kung  sana pinigilan mo siya .Maiitindihan ka pa ni Kc," sabi ko sa kan'ya.

"Tama na nga iyan.Walang magagawa kung magsisihan lang kayo. Ang gawin mo Rod balikan mo si Kc at wag kang tumigil sa panunuyo sa kan'ya. Tangina sayang hinanda namin para sainyo. At sayang ang gastos."

"Hindi naman masasayang Mike. Kapag hindi sila natuloy ako ang magpapakasal. Nakalibre pa kami ni Sarah." Sabay tawa pa ni Ray. Nagkagulo ng lahat lahat nagawa pa niya magbiro. Sabagay may point naman kasi ang loko.

"Wag muna patagalin pa gusto mo samahan kita."

"Naku Ray wala ka maitutulong," sabi ni Emz sa kan'ya.

"Bakit kasi hindi niyo napigilan tatlo pa naman kayo.c

"Grabe ka Edz. Pinigilan namin siya. Kahit gutom na gutom kami. Hinabol pa nmin.  Wow ah! Sayang effort namin." Lahat sila nakatingin sa akin. Totoo naman sayang lang effort namin kung sa amin sisihin ang gulo ni  Rod.

"Teka nga sino si Kim?" sabi ni Roxanne sa amin." Hindi nga pala nila kilala si Kim. Masyado kasi private ang life ni Rod. Hindi ko naman masisisi si Rod. Siya kasi ang tao hindi mahilig mag-open ng usapan kung hindi  naman kinakailangan.

"Ex ni Rod," sabi ko sa kay Roxanne.

"May Ex si Rod," sabi ko na  eh. Nabingi ako kay Roxanne. Sigaw talaga.

"Bakit kasi nagkita kayo, sana kasi inalam mo muna kung kailan kayo magkikita. Ito kasi si Jhun doon pa kami niyaya kumain."

"Malay ko ba George, nando'n si Rod," sabi ko sa kanila.

"Ano na plano mo?" sabi ni Emz Kay George.

"Babalik din ako sa manila."

"Bukas na lang gabi na. Tangina may topak din lalaki na 'to sarap sapakin kanina lapit na lapit sa kan'ya si Kc hindi niya hinabol.

"Buti na rin ito nangyari." Sabay tawa ni John..tangina lalaki 'to. Pinagsasabi niya.

"Natuwa ka pa gago ka," sabi ko sa kan'ya. Ang lakas ng trip ni John.

"Hindi sa Gano'n. Buti nabigyan nang pagkakataon si Rod at Kim mag-usap atleast wala na sila problema."

"Si Kc naman ang Problema ni Rod. Naririnig mo ba sarili mo."

"Maayos din 'yan. Kilala ko si Kc. Masasaan magbabati rin kayo. Sa ngayon suyuin mo siya ng suyuin."

"Sabagay may point si John. Pagsubok lang sainyo ito habang hindi pa kayo kasal. Sabihin mo na sa kan'ya ang lahat." Sabat ni Mike sa amin.

"Oo nga  naman kuya pero hindi madali ang pagsuyo sa kan'ya. Kung mahal mo gawin mo lahat. Sige na Kuya  Rod andito kami para sa'yo."

"Sasama ako sa'yo bukas na bukas na umaga," sabi ni George seryoso mukha.

"Kunwari ka pa George sabihin mo gusto mo lang makita si Jeniz. Ang tanong kakausapin ka rin ba ni Jeniz?"

"Bakit naman hindi Emz. Wala akong alam sa kanila ha."

"Meron kaya kaibigan mo ako."

"Tangina walang ganyanan Rod."

'Sige matulog na tayo."
Ang dami natin gagawin pa rito.
Ikaw kuya gawin mo na tama." Iniwan nila ako. Mag-isa kahit si Roxanne iniwan ako. Sa inis ko umuwi na rin ako. Tumuloy na ako sa akin kuwarto. Sumakit ang ulo ko sa kanila. Napadapa ako sa sopa. Hinilot hilot ko. Tangina kasi ang love sakit sa ulo. Tapos si Roxanne minsan hindi ko makaintindihan tupakin din ang isa. Ngayon nga iniwan ako. Hindi man lang ano kinamusta kung ok ba ako.  Hay iwan. Natulog na ako. Pinikit ko na mga mata ko hanggang sa nakatulog ako.

Ultimate Barkada Series-Series#7-Lover(Rod and Kc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon