Chapter 7

2.4K 86 2
                                    

Nagising na ako dahil sa aking alarm clock. Bago ako bumaba inayos ko muna yung gamit ko pagpasok mamaya sa eskwelahan. Naalala ko na may booth mamaya.



Napailing nalamang ako saka bumaba papunta sa kusina. Bigla akong napairit sa nakita ko. "Sira ulo ka ba Dwayne!?" Sino ba naman ang hindi magugulat kung nakita mong naka kalat ang chocolate syrup habang kinakain niya. Muka siyang isip bata.




"Ang tagal mo kasing gumising kaya napagpasyahan kong kainin itong chocolate syrup eh." Ani niya, habang pinapatuloy ang pagpapak nito.




Napahampas nalamang ako sa aking muka. "Hindi ka ba marunong magluto? ugh kainis ka." Hinabaan ko nalang ang aking pasensya saka nag luto ng pagkain.




Habang nagluluto ako ng aming almusal tumayo siya sa kanyang kinauupuan. "Saan ka naman pupunta aber?" Inis kong sabi.




"Liligo lang ako. Bakit sasama ka ba sa akin panget?" Natatawa niyang sabi. Bakas naman sa kanyang muka na nang aasar siya. Agang aga pinapainit ang ulo ko.





Tinaas ko ang kilay ko. "Linisin mo kaya muna yung pinagkainan mo!"




Nag crossed arms siya. "Ayaw ko. Bye."



"Wag kang kakain ha! Sige okay lang naman na solo ko yung pagkain, mabubusog pa ako. Saka wala pa akong kaagaw." Pang aasar ko.




Kitang kita ko na naasar siya sa sinabi ko at napakamot sa kanyang ulo. "Fine! Maglilinis na ako Panget." Diniinan niya yung salitang panget. Oo na ako na ang panget!




Matapos kong lutuin ang pagkain pati na rin yung toasted bread , inilapag ko na iyon sa lamesa at kumuha ako ng tubig.




Umupo na ako at akmang dadampot na ako ng toasted bread kaso bigla umepal nanaman si dwayne. "Psst panget, pagtimpla mo ako ng kape."




"Bakit di ikaw?" Saka ako dumampot ng toasted bread at kumain.



Huminga siya ng malalim at lumapit sa akin muka, bigla tuloy nag init ang pakiramdam ko. "Pagtitimpla mo ako. Oh— "




Bigla niyang tiningnan ang labi ko, napalunok naman ako. "Hahalikan kita?"



Umiwas naman ako ng tingin at tinakpan ang aking pisnging namumula na. "Oo na nga! mag titimpla na ako." Agad akong tumalikod at padabog akong nag timpla ng kanyang kape.




Inilapag ko sa kanya yung kape at ako naman naka busangot habang kumakain.



Napansin ko namang naka tingin lang siya sa akin. "Oh may uutos ka pa? Sabihin mo na. Baka mamaya uminit nanaman ulo ko."



Tumawa lang siya at umiling. "Wala."



Nainis ako. "Sira ulo ka ba?"




"Nope. Nakakapagtaka lang kasi ang konti mong kumain." He said.




"Ganito naman ako palagi, kaunti lang kumain kapag umaga. Hindi ako sanay ng maraming pagkain." Napailing lang ako.



"Masarap ka pala mag timpla ng kape." Ngumiti siya.




Automatikong napangiti ako sa sinabi niya.




"Magbibihis na ako. Dapat pagkatapos ko magbihis tapos ka na rin." Paakyat na siya sa kwarto.



"Wait lang! Nandyan yung uniform ko sa kwarto eh."



"Edi kunin mo." Nagsimula ulit siyang maglakad.




Kumaripas naman ako ng takbo at inunahan siya sa kwarto. "Ako muna magbibihis!" Saka ko nilock yung pinto.



Nagpalit agad ako ng uniform at hinayaan ko nalang si dwayne sa labas na kumakatok. Sinuot ko ang salamin ko saka kinuha yung bag ko.



Pagkalabas ko ng kwarto kita ko siyang nakabihis na, nagulat naman ako. "Paano ka nakapag bihis?"




"Secret." Tatawa tawa niyang sabi sa akin.



I rolled my eyes. "Secret mo muka mo." Saka ako bumaba papunta sa labas.




"Hindi ka ba sasabay sa akin?" He said habang naglalakad papunta sa akin.



Umiling ako. "Hindi, kaya kong pumunta mag isa noh."



Nag crossed arms siya saka binuksan yung pinto ng kotse niya saka sumakay. "Sige bahala ka marami pa naman diyang asong gala at nangangagat ng panget."



Bumaling ako ng tingin at sumakay sa likod ng kotse niya. "Sasakay ka rin pala eh."




Hindi ko siya pinansin sa inis, pero napapansin ko na nakatingin parin siya sa akin. "Ano? May problema nanaman ba?"




"Gagawin mo ba akong driver? Dito ka sa tabi ko." Utos niya.


Sinadya kong nilaksan ang pagsara nung pinto at lumipat sa unahan.


Pina andar na niya ang kanyang kotse, at nagulat ako nung lumapit siya sa akin. "H-hoy anong gagawin mo?"




"Easy." Nagsmirk siya.



Nilagyan lang pala niya ako ng seatbelt.



Ewan ko kung bakit halo halo ang nararamdaman ko ngayon.

Just A Nerd | IUWhere stories live. Discover now