Chapter 26

1.9K 71 3
                                    

After 2 days

Fieldtrip na namin bukas, kaya ng aayos na ako ng gamit. Yung nga gamit ko, ililipat na rin mamaya sa kotse namin nina dad. Diba pupunta kaming America? And Good news kasi sabay kaming aalis ni Ella mamaya.


Nakaramdam na ako ng gutom kaya akoy bumaba muna papunta sa kusina.



Nakita ko naman si dwayne sa may labas na parang ang lalim ng iniisip. Lumapit ako sa may pintuan para saraduhan iyon, nakalinutan niya yata.




"Bakit ka nandito?" Tanong niya.



"Isasara ko sana yung pinto, iniwan mo kasing nakabukas." Sabi ko.



"Ikaw rin naman ah iiwan mo rin naman ako."



Nagtaka naman ako. "Ha? Anong sinabi mo?"




"Wala. Pumasok ka na sa loob." Utos niya, kaya sinara ko na at pumunta sa kusina. Ano bang nangyayari sa kanya, nung isang araw pa siya malungkot eh.




"Yaya, pwede pong ipagluto niyo ako ng noodles? Pasensya na po ha wala lang po ako sa mood magluto." Ani ko. Umupo ako sa lamesa.



"Okay lang naman basta ikaw."




Nang matapos iyon maluto kinain ko na kaagad iyon, sobrang nagutom ako.



Nakipaglaro muna ako kay anica at pinakain siya, pagkatapos nun umakyat na ako sa kwarto upang matulog.




Dwayne



Napagpasyahan ko munang pumunta sa kwarto ni niana. Alam naman niyang palagi kong gusto dito matulog, pero sa kabilang kwarto na ako natutulog. Aish ang hirap i explain kung bakit ayaw ko tumabi sa kanya.




Nang makalapit ako sa kanya, napatitig naman ako. "Bakit ang ganda mo, kahit saang anggulo? Kahit na hindi ka na mag makeup sapat na para maipakita ang kagandahan mo diyan.. Yung pula mong labi.... Yung maganda mong buhok, pati narin ang mga cute mong mata."



Hinalikan ko siya at lumabas sa kwarto. "Aalis ka na bukas. Kailangan ko na sigurong sabihin sayo ang tunay kong nararamdaman."



Niana



Naligo na kaagad ako, at nagbihis. P.E Uniform yung required na suotin namin.



Nag Bun ako, para naman hindi ako haggard kapag sumakay sa rides. Baka mag muka akong lola kapag nakalugay. Lipad dito. Lipad doon.




Kumain na rin ako ng almusal. Pagkatapos kong kumain lumabs na ako sa bahay.



"Niana!" Sigaw ni tyron.

"Tyron excited na ako." Tatalon talon kong sabi.




"Para kang bata. Tara na nga, nasaan ba si ella kasama mo ba siya? Pupunta rin ba siya sa america?" Sabi niya ng makapasok kami sa loob ng kotse niya.





Napangiti naman ako. "Tyron bakit parang hinahanap mo si ella? Bakit mamimiss mo na ba siya? Nako! Wag kang mag alala hindi ako tututol sa inyong dalawa."


"Sira, hindi noh. Nagtatanong lang ako."



Kinurot ko ang tenga niya. "Aysus namumula ka na dude."


"Hindi nga!" Sigaw niya.



"Aish defensive." Natatawa kong sabi.


"Ewan ko sayo, itatapon kita pabalik kay dwayne."



Hindi ko siya pinansin at inirapan lamang. Wala akong pake.



Tyron



Nang makarating kami sa school, pinauna ko muna si niana pumasok sa classroom.




Hinintay ko si dwayne dito sa may parking lot. Oo may pinaplano kami. Matagal na kami ni dwayne na mag bestfriend, nag papanggap lang talaga kami na mag kaaway. Ye nag acting lang talaga kami.




"Bro, alam mo na gagawin mo mamaya?" Sabi ni dwayne.



"Oo dont worry, basta wag na wag mong papaiyakin yang si niana ulit." Pagbabanta ko.



Yung pinaguusapan kasi namin ni dwayne is kakausapin niya si niana, tungkol sa kanyang nararamdaman. Sa wakas magiging masaya na ulit si niana.


And si diana naman? Ayun iniwan ni dwayne sa ere, Sawa na daw siya sa kanya.



"Hoy nakakapang selos yung ginawa mo kay niana, bakit mo ba hinalikan siya? Dapat ako lang ang hahalik sa kanya." Sabi ni dwayne.



Natawa naman ako. "Luko ka, tinitingnan ko lang kung aatakihin mo ako kapag hinalikan ko siya, pero mukang wala ka namang pakielam eh HAHAHAHA."



"Uupakan kita."



"Joke lang HAHAHA." Sabi ko.



Sinabi ko narin kay dwayne na nag papanggap lang rin kami ni niana, well as usual nagulat siya. Simula palang alam na niya mga pinag gagawa naming kalokohan. Nagpanggap narin siyang walang alam.



Muka tuloy kaming ewan.





Sa ngayon malalaman na ni Niana kung gaano kamahal ni Dwayne.

Just A Nerd | IUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon