Chapter 22

2K 70 0
                                    

Niana's P.O.V


"Class please pass this survey tomorrow, i need a signature of your parent or guardian okay? You may take your lunch."



Kaaagad ko naman inimis ang aking mga gamit. Hindi kami sabay ni ella ng sched. Since nasa music room siya dun na ako pumunta. Sabay daw kasi kami mag recess eh.




"Saktong sakto ka lang niana, Tara na." Naabutan ko siya na kakatapos lamang.




Dumiretso naman kami sa cafeteria ng school namin.



"So kamusta naman ang nangyari kagabi? Ang ganda ng surpresa ko sayo noh? Saka mukang may gusto talaga sayo si dwayne " Sabi ni ella.


Itinaas ko naman ang aking mga kilay. "Huh? Ano ka ba naman. Kahit alam kong Inarrange lang kami ni dad sa kasal, para sa kompanya. Alam ko naman na wala talaga kaming pag-asa.



"Ano susuko ka na ba kaagad?"




Nagkibit balikat lang ako. "Hindi ko alam, kita mo naman na hanggang 'Friends' lang kaming dalawa. And alam yon ni dad kasi ang pagkaka-alam niya ayaw ko sa ko sa kanya simula palamang."



"Hmm. Sabagay muka ngang wala kayong pakielam sa ginagawa ng dad mo. Halata naman eh tingnan mo nag ka girlfriend si dwayne. Langya di nahiya sa iyo." Irita niyang sabi.



"May fieldtrip tayo nextweek na. Kasama ka ba?" Tanong ko.



"Oo naman! Ako pa? Mahilig ako mag travel kaya hindi ako papalampas diyan. Saka nga pala speaking of arrange marriage kailan kayo balak ipakasal?"




Nabilaukan naman ako. "Huh? Kasal ka diyan. Hindi naman iyon matutuloy eh."



"At bakit naman hindi iyon matutuloy?"



Napaisip naman ako saglit. "Hindi ko alam."





"Nako dapat mag pakasal na agad kayo!"



"Kahit naman na ikasal kami mag hihiwalay rin kami, dahil mag papa divorce rin pagkatapos nun. Or depende kung gusto niya makipaghiwalay sa sakin o hindi."




Tinusok niya ako sa tagiliran. "Alam ko namang hindi ka makikipaghiwalay kay dwayne, dont worry maghihiwalay rin sila ni diana."



"Speaking." Nanahimik siya saglit.



Napalingon naman ako. "Shhh wag kang maingay. Baka marinig yang pinag uusapan natin."



Umupo silang dalawa ni dwayne sa may sulok at panay ang usap nilang dalawa.



"Ang saya mo naman kapag kausap siya."




Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi? Pati ako nagulat narin.



Winave ni ella ang kanyang kamay sa harap ng muka ko. "Ahem. Mukang may iniisip ka yata?"




Tumawa ako ng mahina at umiling lang. "Wala. Ubusin nalang natin itong pagkain."




Wala siyang ginawa kundi ang tawanan lang ako, baliw na talaga to.




"Yaya pwede po pumunta sa bahay ni dad?"




"Ah bakit iha? Gabi na ah. Baka mapahamak ka pa diyan sa labas."



Napakamot naman ako sa ulo. "Magpapaalam po kasi ako kung pwede ako sumama sa educational fieldtrip. Kapag pumayag po kayo nalang po ang pumirma."



"Tumawag ka nalang sa telepono. May tao naman yata aa bahay niyo ngayon diba?"




"Ayy oo nga po. Sige."



Nagtungo ako sa living room at tinawagan si ate krystal.



"Ate krystal! May fieldtrip po kami. Pwede po ba akong sumama?"



"Ahh sige. Sasabihin ko nalang kay dad. And yung pang bayad ako nalang mag dadala para naman makabisita ako diyan."



"Sige."



Ibinaba ko na ang telepono, sakto ring kakauwi lang ni dwayne.



"Kasama ka sa fieldtrip?" Tanong niya.


"Oo bakit?"



"Wala." Saka siya umalis sa harapan ko. Aba mukang galit ata ito.



Nagpalit ako ng damit sa kwarto at bumaba ulit para kumain.



"Yaya pwede po ba magpadeliver ng pizza dito? Nagugutom na kasi ako. Wala akong maisip na kainin dito." Sabi ko sa kanya habang nag hahanap sa ref ng pwede ring makain.



"Sige tingnan mo muna kung bukas pa sila, gabi na kasi baka hindi na sila available mag deliver."



Umupo ako at tumwag.

Umorder ako ng dalawang box ng pizza para abot pa hanggang bukas. Pwede ko rin naman iyong initin sa oven eh.


After a few minutes dumating na yung deliver, at kumain na ako. Syempre kasabay ko si yaya nakakahiya naman kung kakain ako sa harapan niya.


Tumahol naman si anica.


"Ako na magpapakain sa kanya." Ani ni dwayne.



Nagulat naman ako ng bigla siyang sumulpot.



Dumampot siya kaagad.



"Pera ko yan, bakit ka nakuha rin?" Sabi ko.


"Masarap kasi." Dumampot ulit siya.



Aba! Upakan ko ito eh.


Inirapan ko siya, and no choice kasi nakakuha na siya kaya hinayaan ko nalang.

Just A Nerd | IUDonde viven las historias. Descúbrelo ahora