flashback4

25K 534 5
                                    


Nang makarating ako sa bar katakot-takot na sermon ang inabot ko sa manager namin nag-sorry na lang ako at sinabing hindi na ako mahuhuli muli sa oras na tinakda na dapat ako'y papasok at buti na lang pinatawad agad ako tsk, good mood ata ang ungas.

Pagkatapos no'n pumunta agad ako sa locker naming mga waitress saka nagpalit na ako ng uniform at pagkatapos ay lumabas na ako agad para tumulong sa pagserve.

"Ahm Luna pwede serve nga ito sa table 10." Sabi ni Greg na may ngiti sa labi', isa ito sa mga bartender at mabait ito kaya malapit rin ako rito.

"Okay."

Kinuha ko ang tray na may dalawang boteng beer at dalawang baso na sa pagkakaalam ko ay whiskey. Napailing na lamang ako ewan ko ba bakit masyadong masiba ang mga tao sa inuman.

Siguro meron ginagawang gamot ang alak sa sakit na nadarama, meron naman ginagamit upang makatakas sa realidad pero kung ano man ang rason nila hindi ko na rin mahuhusgahan lahat naman siguro may dahilan at wala kang magagawa kundi unawain iyon.

Naglakad na ako papunta sa table 10 pero ito'y may kalayuan at hindi na masyadong makita dahil madilim na parte na kasi ito ng bar.

Nang malapit na 'ko rito ay natanawan ko ang lalaking aking kinaiinisan walang iba kundi si Jerome ang masugid kong manliligaw na sobrang yabang. Mayaman nga ito at gwapo pero may aura itong nagsasabing hindi talaga ito mapagkakatiwalaan.

Oo matagal ko na itong nakakausap pero hindi ko lang pinapansin ang mga galawan nito na nagbibigay ng kakaibang motibo.

"Ahh great to see you here Luna." Sabi nito sabay ngisi kaya nagmumukha itong killer sa mga horror movie na napapanood ko. Kahit may itsura ito ang kasamaan ng ugali nito ang nagpapangit rito.

"Hey!' Pagkukuha muli nito sa aking atensyon nang hindi ko man lang ito pansinin at basta na lang itong inirapan

"Jerome kahit kailan 'di mo ba talaga ako titigilan?" Sarap na talaga nitong sapakin kahit kailan hindi talaga aki mahuhulog rito ilang ulit ko na rin naman pinaramdam rito na wala siyang makukuha sa'kin na hindi siya magtatagumpay na makuha ang loob ko pero nagmamatigas talaga ito at paulit-ulit akong sinusundan.

"Oh ito nga pala order mo." Dagdag kong sambit at nilapag ang tray na dala ko at walang pagdadalawang isip na akma na sanang aalis ngunit napatigil ako nang hawakan ako nito sa braso, sinamaan ko ng tingin si Jerome at pati na rin ang kamay nito na lapastangan kaya agad nitong binitiwan ang braso. ko.

"Hmmm ganito na lang Luna. Let's have a deal, kapag uminom ka kasama ko ay hindi na kita guguluhin." Nanlaki ang mga mata ko totoo ba itong naririnig ko hindi niya na talaga ako guguluhin? Hmm.. okay rin ang offer niya kasi masyado na kasi siyang makulit at iinom lang naman 'di ba? madali lang iyon.

Hindi naman ako madaling malasing isa pa nasa lugar ako kung saan pwede lang ako sumigaw kung may balak siyang masama.

"Okay deal iyang nasa tray lang ang dapat nating ubusin ha? Kasi may trabaho pa 'ko." At napatingin ako sa mga kasama ko medyo busy rin sila e' pero trabaho rin naman namin na I-entertain ang mga tao sa bar pero bawas lang ang mga maduduming gawain.

"Sige ba!"

Nagningning ang mga mata nito kaya kumunot ang noo ko at masaya pa talaga ito. Gano'n na ba ito ka desperado?

"Ayy teka pupunta muna ako kay Candice at magpapaalam muna ako." Wala itong nagawa kundi tumango kaya naglakad na ako papunta sa kaibigan ko na nagseserve rin sa table 8.

"Ahmm Candice roon muna ako sa table 10." bulong ko rito na siyang kinaharap nito sa'kin.

"Okie dokie bestie basta sabay tayo mamaya sa pag-uwi a'." Ngumiti ako at tumango mabuti na rin iyon at para hindi ako mag-isa umuwi.

Kick Out Slave (completed)Where stories live. Discover now