escape

26.9K 520 5
                                    

Gail/Naire pov

Nagising ako at nilibot ang paningin ko andito pa rin ako sa bakanteng kwarto sa opisina ko.

Naramdaman ko ang dalawang brasong nakayakap sa'kin.

Zeen bakit ba kung kailan nagdesisyon na 'kong kalimutan ka roon ka naman bumabalik para sirain ang buhay ko?

Napabuntong-hininga ako tiningnan ko ang mukha nito.

From his strong jawline, his kissable lips, mahabang pilikmata at makapal na kilay.

Hanggang ngayon ang gwapo niya pa rin ay mali mas gumwapo siya ngayon.

Ang hirap tikisin ang sarili ko kahit anong tago ko sa tunay kong nararamdaman wala pa rin lumalabas at lumalabas pa rin ito.

Pero tama na ayoko ng sumagal dahil sa bandang huli masasaktan lang ako.

Puno ng determinasyon na tinanggal ko ang braso nitong nakapulopot sa beywang ko at dahang-dahan umalis sa aking pagkahiga.

Pinulot ko ang aking panty na kanina ko lang ginamit at sinuot itong muli wala na kasi akong extra pang undies.

Ngayon na pala ang uwi nina bestie at baby B kaya mamayang gabi na ang flight namin ng anak ko. Gusto kong umuwi na lang sa U.K at magbakasyon mga isang buwan ayoko munang umuwi sa New York.

Tiningnan ko muna si Zeen na nakahiga sa kama.

Kung may magbunga man hindi ko hahayaang makuha ito ni Zeen.

At binuksan ko ang pinto at sinimulan ng lumakad paalis.




Zeen pov

Nagising ako dahil naramdaman kong wala na kong katabi agad kong nilibot ang aking paningin nakita kong 11:25 am na pala asan na si Naire?

Baka nasa banyo agad kong sinuot ang lahat ng aking saplot at lumabas binuksan ko ang pinto ng CR pero walang tao.

Naire where are you? Biglang sumalakay ang takot sa puso ko.

Naire huwag na huwag kang magtatangkang tumakas dahil hindi kita hahayaan pinapangako ko 'yan Naire.

Naire pov

"Auntie B grabe ang ganda pala sa disney land. Ang dami ko na ring collection dahil andami pala roong cute na cute na mga banana stuffs!" Masayang pagkukuwento ni baby B

"Talaga lang 'a?"

"Opo auntie B."

"Na tiyak na butas ang bulsa ng tatay mo dahil sa mga pinagpapabili mo." Pangtutukso ko rito.

"Hayyy na 'ko bestie na 'ko ang laki ng nagastos namin dahil lang sa kakabili niyan ng mga collection niya." Ngumu-ngusong sabi ng bestie ko.

"Huwag kang mag-alala 'di naman mamumulubi ang asawa mo dahil lang sa collection ni baby B at 'di ba nagpaplano 'yang asawa mong magpatayo ng isang restaurant?" Nanlaki ang mga mata nito sa narinig hindi niya ata alam na napansin ko na ang plano nila.

"Ayy oo kaya lang wala pa kaming makitang magandang lugar para sa business namin."

"Hmm matutulungan ko kayo riyan may ka kilala ako na kaya kayong tulungan ito ang calling card niya." Inabot ko rito ang calling card ni Rico ang kakilala ko.

"Thank you bestie ay teka kailan ba flight niyong mag-ina?" Nginuso nito ang anak ko na nakikipaglaro kay baby B.

Napabuntong-hininga ako.

"Tonight." Maikling sagot ko napatingin ng seryoso sa'kin ang bestfriend ko kinikilatis niya ang buo kong katawan lagot na!

"Bestie tapatin mo ko sino ang nakajugjugan mo kagabi?"
Napaawang ang labi ko sa tanong nito.

Kick Out Slave (completed)Where stories live. Discover now