the return

26.3K 519 11
                                    

"Mommy are we going to visit auntie G?" Inosenteng tanong ng anak ko. Ang cute dahil tinitingnan niya ako gamit ang kaniyang asul na mga mata as usual sobrang nakakalunod ang titigan ang mga iyon.

Napatingin ako sa paligid habang hinahaplos ang buhok ng anak ko.

Andito na kami ngayon sa airport kalalapag pa lang ng eroplanong aming sinakyan pero parang gusto ko na atang bumalik ulit kaya lang hindi naman pwede na lagi akong magtago madaming iniwan sa'kin ang taong nagtiwala sa akin kaya hindi ko hahayaan na masira at masayang ang mga iyon.

Isa pa wala na rin naman ako dapat ikatakot hindi ba? Tapos na ako sa kalokohan ko ngayon nagseseryoso na ako sa buhay ko at natuto na ako.

"Yes honey." Dumukwang ako saka hinalikan ito sa noo na kinahalukipkip nito saka ngumisi at nagsimulang tumingin sa paligid.

"I love that mommy because I really want to meet her." Pumapalakpak pa ito at napabuntong-hininga na lamang  ako. Sa nakikita ko ngayon this child of mine ay parang ako lang noon isang batang puno ng buhay at paniniwala, iyon bang positibo sa lahat ng bagay.

Fuck! Bakit ba kahit anong gawin ko bumabalik pa rin ako sa nakaraan at ngayon bumalik na naman ako sa lugar kung saan natuto akong magpakatanga sana lang 'di kami magkita dahil 'di ko alam kung ano ang magawa ko sa kaniya pero tiyak naman na nag-asawa na ito o baka may gf na ito ngayon for sure para pa ring nagpapalit ng damit kung magpapalit-palit ng babae ang hudas na 'yon.

Ilang taon na ang lumipas wala akong naging balita tungkol dito at wala na naman akong pakealam dito because he kicked me out of his life so I need to eliminate him in my world and in fact I don't need him now because I have my daughter, isang anghel na maituturing sa buhay ko and he's just my past, a nightmare that I should forget.

"Mommy!" Napamulagat ako at napalingon sa anak ko na ngayon ay nag-aalalang tinitingnan ako sa mga mata.

"Your spacing out again!" Naiinis na sambit nito kaya napalunok ako wala naman na ako madahilan dahil nahuli na ako nito.

"Sorry baby." Umungot na lamang ito at saka napailing.

"Mommy I am just saying that there is a woman who's holding a paper with your name on it." Napangiti ako nang makita ko ang mukha ng anak ko na halatang mas inis na inis na napapalabi pa ito at 'di ko na napigilan at tumawa na 'ko.

"Mommy! Argh!" Nagpapadyak-padyak na ito ang cute talaga ng anak ko. pinisil ko ang ilong nito saka napatingin sa sinasabi nitong babae. Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa madako iyon sa taong kilalang-kilala ko.

"Bestieeeeeee!" Nilingon ko ang sumigaw at walang iba kundi ang bruha at baliw kong bestfriend na patakbong lumalapit papunta sa kinanalagyan ko hanggang sa naramdaman ko na lamang ang mahigpit na yakap na nagmula rito.

"A-Aray 'di na ko m-makahinga."
Shit! Walang hiyang Gina gusto ata akong patayin paano ba naman hindi ata titigilan ang mga buto ko at balak baliin.

"Hey woman why are you hurting my mommy?" Sa wakas lumaya naman ako sa mahigpit na yakap ng bruha nang marinig nito ang sinabi ng anak ko.

At dumako ang mga mata nito sa anak ko na ang sama ng tingin rito.

"Omg bestieeee ang cute ng bagets mo ang sarap kurutin." I rolled my eyes pinagkukurat ba naman ng bruha ang anak ko ni hindi pa nga tapos ang sinasabi e' ginagawa na pala.

"M-Mommy who is this crazy woman?" Nakita kong nagulat ang bestfriend ko sa tinuran ng anak ko ayan sumayad ang bibig sa lupa. Tumawa naman ako at ayun nakatanggap ako ng masamang tingin galing sa bestfriend ko. Ikaw ba naman sabihan ng gano'n pero sabagay  hindi nagsisinungaling ang mga bata.

Kick Out Slave (completed)Where stories live. Discover now