Kabanata 1: Ang Paghaharap

7.3K 155 15
                                    

Kabanata 1: Ang Paghaharap

Maria Fabiana Fujiwara

"Mariana! Mariana!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Tinaasan ko ng kilay ang babae'ng tumawag sa akin. "Oh? Problema mo?" Tanong ko.

"Lucia Jesuahel, magkakaproblema? Pinag-loloko mo ba ako?" Tumawa pa siya. "Teka, seryoso na. Hindi ka naman natatawa eh." Pinalo niya pa ako sa braso.

"Bakit ba kasi?" Iritadong tanong ko saka inilapag ang mga pagkain na dala ko sa lamesa ng canteen at umupo.

Umupo din sa harap ko si Lucia.

"Ano, kasi..." tumaas pa lalo ang kilay ko. Pa-suspense pa'ng nalalaman. "Kanina, hindi ko sinadya'ng matapunan ng juice 'yung bakla. Eh ayoko namang mag-sorry, kaya nag-away kami." Pagmamaktol niya.

Umangat ang isang sulok ng labi ko. "Oh? Ano namang paki ko 'dun?" Kumagat ako ng burger ko, pagkatapos ay sumipsip sa Coca Cola ko.

Nagpapadyak pa siya habang tinitingnan ako ng masama. "Eh kasi naman, Mariana eh!" Inilagay ko ang Coca Cola sa lamesa at tiningnan si Lucia ng maigi.

"Oh sige, ano nga? Makikinig ako." Napaikot 'yung mga mata ko.

"Tapos pinatawag kami sa office, palilinisin daw kami bukas sa buo'ng CR." Sambit niya kaya napakunot ang noo ko.

"Ba't naman kayo palilinisin?" Tanong ko. Nakakapagtaka lang, kung nag-away lang sila, dapat pinatawag lang ang presensya nila sa opisina ng principal. Pero iba na kapag pinapalinis, baka may napinsala ka o nakagulo ka.

"Nakita kasi kami'ng nagsisigawan sa lobby habang may nag-aaral pa sa iba'ng rooms. Naka-istorbo daw kami ng husto at hindi pa nagpapa-awat kaya pinatawag kami sa opisina ni Principal at pinatawan ng parusa ng paglilinis ng buo'ng banyo ng unibersidad na'to! Nakaka-istress!" Sumbong niya sa akin kaya napatawa ako.

"'Yan ang napapala sa mga babae'ng maldita." Komento ko at kumain ng burger ko.

Napahinto ako sa pag-nguya sa sunod niya'ng sinabi. "Eh ikaw rin naman ah! Mas mataray ka pa nga kesa sa akin. Hmp!" Pinag-krus niya pa ang kanya'ng mga braso.

Napa-buntong hininga nalang ako. "Edi mag-linis nalang kayo." Sumandal ako sa upuan ko kasi nakaka-istress kausap 'tong babae'ng 'to.

"Eh 'yun nga ang problema eh. Alam mo naman na isasama ako nina Mommy at Daddy sa business trip nila sa Paris. Alam mo naman, ipapa-date na naman nila 'yung mga anak ng business partners nila." Hindi na ako nagulat 'nun. Pareho lang kami nito'ng si Lucia. Pero tinatanggihan ko naman ang mga lalaki'ng ipapa-arrange marriage nila sa akin.

Mas gusto ko kasi'ng ipakasal ako sa tao'ng mahal ko. Ayoko ng pag-ibig na pinilit lamang.

Hinawakan ako ni Lucia sa kamay ko at pinisil niya ito. Nagtaka ako sa mga ipinakikita niya sa akin na mga aksyon. "Mariana, alam mo naman na maganda ka, mayaman, sexy, maldita, mataray, mapang-lait at—" sinampal ko ang kamay niya.

"Kung pupuriin mo ako, siguraduhin mo'ng magugustuhan ko." Umikot 'yung mga mata ko at inilagay sa likod ng tenga ang buhok ko.

"Biro lang, Mars. He he he. Pero pwede ba'ng ikaw nalang mag-linis kasama sa bakla'ng 'yun? Sige na naman, please?" Napahinto ako sa pag-kain ng burger ko.

Unti-unti akong napalingon sa kanya.

"Binobobo mo ba ako?" Nanliliit ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

Nakita ko naman na ngumiti siya sa akin ng matamis at ipinakita na naman ang pa-awang mga mata niya. Nakakainis! Bakit ba ako naaapektuhan ng mukha'ng 'yan.

Marian, 'wag. Hindi ka maglilinis. Isa kang maganda'ng dilag na nararapat sa trono mo. Isa ka'ng prinsesa'ng hindi hinahawakan ang walis at basahan. Tandaan mo 'yan, Mariana. Pag-papaalala ko sa sarili ko.

Mariana, 'wag mo'ng tingnan ang mga mata niya. Hindi mo gawain ang linisan ang banyo. Alam mo'ng hindi mo maaatim ang senaryo'ng iyon—

"Bibigyan kita ng dalawang buwang suplay ng pizza. Sakto, pag-balik ko, padadalhan din kita ng pasalubong. Game?" Napahinto ang pagtatanggi ko sa isip ko at wala sa isip na napatango dahil narinig ko ang salitang 'pizza'— ang pinakamamahal kong nobyo.

"Sakto!" Komento niya kaya natauhan ako.

"Naisahan mo ako 'dun, Lucia." Sambit ko at inubos ang burger ko. Sinipsip ko ang lahat ng Coca Cola na nasa bote at inubos.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag-tungo palabas ng canteen namin pero bigla'ng humarang ang isang grupo'ng pinangungunahan ng bakla at sini-segundahan ng mga palaka.

Naramdaman ko naman ang tensyon ng grupo'ng ito sa amin— o mas maiging sabihin na kay Lucia.

Lumapit si Lucia sa akin at hinawakan ako sa braso. "'Iyang bakla'ng 'yan. Siya 'yung nakaaway ko at makakasama mo sa paglilinis sa mga banyo. He he he." Ang awkward lang ng tawa niya.

Napaikot ang mga mata ko at tiningnan 'yung bakla. Mula paa hanggang ganda— mula ulo hanggang mukha. May itsura. Matangos ang ilong, porma'ng-porma ang panga at ala-buwang porma ng kilay. Maaari'ng matalo niya ang ganda ko, pero hindi ko iyon hahayaan.

Pero kahit bihis lalaki siya, mararamdaman mo pa rin ang aura na may puso'ng babae siya.

Huminga ako ng malalim at inangat ko ang mukha ko. Napakaganda ko para yumuko. Napakaganda ko para matalo ng isang bakla.

Maldita radar on.

Hinawi ko ang buhok ko para maipamukha sa bakla'ng 'to na maganda ang buhok ko at maipamukha sa kanya na isa lamang siya'ng bakla'ng naghahangad na magkaroon ng matres.

"Oh? Gumanda ka na niyan?" Tanong niya sa akin habang nakaangat ang isang sulok ng maninipis niya'ng labi.

Napangisi ako sa sinabi niya. Nanghahamon pala. "Nagka-matres ka na niyan?" Sagot ko. Aba! Hindi'ng-hindi magpapatalo ang isa'ng Maria Fabiana Fujiwara. Napakaganda ko para matalo lang ako.

"Hindi, pero kung pag-babasehan ito sa pisikal na anyo, tumangkad ka na niyan?" Tumaas yung kilay ko sa sinagot niya. Matangkad kaya ako! Pero kung ikokompara niya ako sa kanya, aba siyempre, lalaki siya! Prinsesa lang ako. Edi, talo ako kasi nakaupo lang ako sa trono.

Umiling ako at napatawa ng konti. "Ha ha, dalawang tawa para sa isang nilalang na ngayon pa na-diskubre." Tumaas 'yung kilay ko habang ngumingisi.

"Hu hu, dalawang iyak para sa mga kampon ng kadiliman." Nag-krus pa ang nga braso niya.

Kumunot ang noo ko pero mas pinili ko ang pride ko. Hah! Hindi ata ako sumusuko. Isa akong diyosa'ng palaban. Wala sa bokabularyo ko ang salita'ng talo.

"Hmm. Sayang lang ang pag-iisip ko para sa mga kampon ng palaka. Oops!" At nilampasan na namin sila.

"Akala mo naman bagay sa'yo ang pagtataray mo. Excuse me, isang Lucy Caleah, pinapahiya mo? Tingnan lang natin sa susunod nating pagkikita." Salita ng bakla sa likod ko.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Paghahandaan ko 'yan." At tuluyan na kami'ng naglakad ni Lucia palayo sa canteen.

Nasayang ang maldita powers ko.

Ang Boypren Kong BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon