Kabanata 9: Kuryente

2.6K 75 0
                                    

Kabanata 9: Kuryente

Lucas Caleb Aragon

"Hoy! Mag-luto ka na 'dun sa kusina, nagugutom na ako." Utos ko sa kanya habang nanonood siya ng TV dito sa kwarto namin. Yes naman! May TV dito sa kwarto.

Nagbabasa lang ako ng magasin sa kama habang nakasandal ang katawan ko. Siya naman, tutok na tutok doon sa hindi ko maintindihang lenggwahe. Hinampas-hampas niya pa ako kanina dahil sa kilig kaya pinapunta ko siya doon sa harap para hindi na ako ma-harass ano! Kawawa naman ang beauty ko kung palagi akong bugbog sarado.

"O-m-geeeeeee! Tingnan mo kasi dito ang Legend Of The Blue Sea! Ang gwapo ni Lee Min Ho! Waaahhh! Huhuhu!" Binato ko siya ng magasin kaya sapol sa ulo niya.

Lumingon siya sa akin nang may masamang tingin. "Mag-luto ka na, nagugutom na ako." Narinig ko pang tumunog 'yung tiyan ko. Pero hindi siya kumikilos at nag-patuloy sa panonood. "Hoy! Hindi ka ba nakikinig? Magluto ka na nga!" Utos ko sa kanya.

"Bahala ka sa buhay mo, fiance mo ako at hindi alipin. Magpahatid ka ng pagkain, duh?" Hindi pa siya lumilingon sa akin habang nagsasalita kaya mas lalo akong nainis.

Kinuha ko nalang 'yung telepono ko at tinawagan ang 87000 Jollibee Delivery.

"Hello?" Pambabae kong sambit na ikinalingon ni Maldita kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Yes, sir how may I help you?" Boses ng lalaki pero... Ay punyeta! Pinababae ko na nga 'yung boses ko, tinawag pa akong sir?!

"Alam mo, sayang ka eh, ang ganda pa naman ng boses mo kaso tinawag mo akong sir. Sana kainin ka ng customers mo." Nag-end na ako ng tawag.

Nilapag ko ang cellphone ko. "Kainis!" Reklamo ko.

Lumapit sa akin si Maldita at kinuha ang cellphone ko. Nag-dial siya ulit.

"Hi!" Masiglang bati niya. Wow, ang bait niyang tingnan doon ha. "Yes, two piece chicken joy and sundae." Binaba niya saglit ang cellphone at tinakpan ang speaker. "May gusto ka pa ba?" Tanong niya sa akin.

"Gusto ko ng spaghetti at mashed potato." Sambit ko.

Binalik niya 'yung tawag at sinabi ang gusto ko. "Okay, thank you." Sambit niya bago niya ibato ang cellphone ko sa kama ko.

Bumalik siya sa panonood sa harapan ko. Patuloy pa rin siya sa pagtitili kahit makaraan na ang ilang minuto. Ang ingay niya. Umiiyak pa siya ngayon, tapos mamaya, tumatawa.

Biglang bumukas 'yung pinto at nandoon ang isang lalaking nakasuot ng pula na uniporme ng Jollibee na Fast Food. "Sir, sorry for interrupting po. Ang akala ko po kasi ay may nangyayari dito dahil may naririnig akong sigaw. Pasensya na po talaga." Pagpapaumanhin niya kaya sisigawan ko na sana siya na vina-violate niya ang privacy nang magsalita si Maldita.

"Okay lang po 'yun." Nilapitan niya 'yung delivery boy at kinuha 'yung mga pagkain na nasa paper bag. Nilingon niya ako at ngumisi. "Babe, mag-bayad ka muna, ilalapag ko lang muna ito." Sambit niya kaya nagulat ako sa tinawag niya sa akin. Pero hindi ko nalang pinahalata at binayaran ng malaki'ng halaga ang delivery boy.

"Sir, may barya po kayo?" Dedma nalang ako sa pagtawag niya ng sir. Grabe, babae po ako. Babae. Alin ba diyan ang hindi nila maintindihan nang maipaliwanag ko sa kanila?

"Wala, bakit? Jeep ka?" Pambabara ko. Kainis 'tong lalaki'ng 'to ah.

"Hindi po, tao po ako." Magalang pa ding sambit niya.

"Ay akala ko hayop eh." Pinagkrusan ko siya ng braso ko at tinaasan ng kilay. "Lumayas ka na nga dito. At 'wag ka nang magpapakita sa akin." Sambit ko sa kanya at tinulak siya palabas.

Lumapit ako sa mga pagkain at kakain na sana ng chicken joy pero bigla niyang pinalo 'yung kamay ko. "Sinabi ko na ba'ng sabay tayo kakain? Sa'yo ba 'yan?" Tanong niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ako ang nagbayad nito at ang Lolo ka ang nagbili ng bahay na'to. May angal ka?" Tanong ko sa kanya pero tumawa lang siya.

"Baka nakakalimutan mong lolo ko na rin ang lolo mo? Na kung ano'ng meron ka, dapat meron din ako at kung anong meron ako, aba, bahala ka na." Pinitik ko siya sa noo niya kaya tumingin siya ng masama sa akin habang hinihimas-himas niya ang noo niya.

"Ang daldal mo, hindi naman 'yan nakakalaki ng dibdib." Bulong ko.

"Hoy! Narinig ko 'yun!" Sabi niya saka niya binuksan ang packlunch niya.

Binuksan ko nalang din 'yung sa akin at kumain na pero nang kunin ko na 'yung kutsara sa lamesa ay magkasabay kami ni Fabiana kaya napahawak siya sa kamay ko at ganoon din ako sa kanya. Kaagad naming inilayo ang kamay namin sa isa't-isa dahil para akong andapuan ng kuryente.

Kinuha ko nalang 'yung isang kutsara at tinidor doon at nagsimula ng kumain habang iniisip ko ang nangyari kani-kanina lang.

* * *

Maria Fabiana Fujiwara

Sinimulan ko ng lantakan ang pagkain at sarap na sarap ako kasi naman ang sarap talaga eh. Sana may extra rice dahil naubos ko na 'yung sa akin. Tiningnan ko 'yung plato ni Lucas at kumuha ng isang kutsarang kanin galing sa plato niya kaya tiningnan niya ako ng masama nang pupunan ko pa, inilayo niya pa 'yung plato niya sa akin.

"Ay ang damot, akala mo naman may matres." Sambit ko at sinimulan ng lantakan 'yung mashed potato.

"Hoy akin 'yan!" Sambit niya habang tinuturo ang mashed potato na kinakain ko.

"Ako ang nag-order nito!" Sigaw ko pabalik.

"Ako ang nagbayad!" Sigaw niya kaya tinulak ko 'yung mashed potato sa harapan niya.

"Oh! Sayo na! Isaksak mo sa baga mo!" Kinuha ko nalang 'yung natitirang sundae ko at nanood nalang muli ng TV.

Sakto, ang paborito ko pang The Legend of the Blue Sea 'yung palabas. Pero biglang napunta sa Cartoon Network at napalitan ito ng cartoon characters na pinanood ni Lucas kanina. 'Yung palaging sinisigaw at chini-cheer niya na Finn at Jake.

Sinamaan ko siya ng tingin habang nilalakasan naman niya ng volume sa TV. Inagaw ko 'yung remote galing sa kanya at ibinalik sa paborito kong palabas.

Nakakainis, kailangan kong makahabol sa episode 'nun dahil ayaw kong may pinapalampas ako. Ang ganda kasi ng istorya tapos papalitan lang ng Cartoon Network?!

Kinuha niya rin 'yung remote kaya nagsimula na kami'ng mag-rambulan hanggang sa nagkakahawakan na naman kami ng kamay at nakakaramdam na naman ako ng kuryente doon dahil sa pangingilabot hanggang sa nagkadaganan kami.

Pero biglang bumukas nalang muli 'yung pinto. "Sir, ito na po 'yung sukli— niyo?"

Ang Boypren Kong BekiWhere stories live. Discover now